#MyObsessedDoctor
_______
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas. Nakaawang ang bintana ko kaya't tanaw ko sila Tito na nagbubuhat ng mga maleta ni Talius at nilagay sa kotse nito. Lumabas si Gabriel habang pinapanood si Tito.
Ito ang kinakatakutan ko na mangyari sa buhay ko. Dumating na ang araw na ayaw kong mangyari, ang iwan niya ako. Nagtama ang mata namin ni Gabriel habang nakatingala sa akin.
Hindi ko siya tinignan sa halip ay hinintay na lumabas si Talius sa bahay nila. Simula noong nalaman kong aalis siya ay hindi na ako humiwalay sakanya. Lagi nalang kami magkasama, araw araw. Sinusulit namin ang pagkakataon na meroon kami. Ngayon. Dumating na ang araw na aalis siya ay hindi ko mapigilan mapag isa dito sa loob ng kwarto ko.
Lumabas ng tuluyan si Talius mula sa bahay nila. May mga dala itong bagahe. Nangigilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan siyang abala sa paglagay ng bagahe sa kotse nila. Tumulo na ang luha ko ng maramdaman ko ang paunti unting pagpipiraso ng puso ko.
"Anak? Ayaw mo bang makita si Talius kahit sa huling sandali lang? Aalis na siya."
Narinig kong katok ni Mommy mula sa labas. Hindi ako nagsalita sa halip ay nakatingin lang kay Talius. Bago sila umalis ay napatingin ito sa direksyon ng bahay namin. Bago pa niya ako makita ay hinawi ko na ang kurtina at bumuhos na ang mga luha kong kanina pangkumakawala. Napayakap ako sa tuhod ko at napayuko.
Nakakainis siya. Bakit pa kailangan niya pang umalis? Hindi ba siya makakapagtapos rito? Kailangan pa sa ibang bansa? Nagsasawa na ba siya dito? Napahagulgol ako. Sa oras na ito ay namimiss ko na siya. Paano pa kung tuluyan siya umalis?
"Anak? Nasa baba si Talius. Gusto ka niyang makausap." Malumanay na ani ni Mommy.
"P-Paalisin mo na Mommy."
"Sigurado ka?"
Napapikit ako. Nakarinig ako ng buntong hininga. Siguro alam na niya ang sagot. Nakarinig ako ng mga yapak na papalayo kaya hindi ko mapigilan mapaiyak. Ilang minuto na rin ang nakalipas ay tuluyan kong hinawi ang kurtina at mas lalong pinunit ang puso ko ng makitang papaalis palang ang kotse nila hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Napabuga ako at napatakip sa mukha. Wala na. Umalis na siya. Wala na siya sa tabi ko. Napailing nalang ako at niyakap ang mga tuhod ko. Ilang minuto ang lumipas at bigla ako nakarinig ng katok.
"Honey, Please pagbuksan mo ako. May ibinigay sa akin si Talius bago siya umalis."
Napamulat ako. Binigay? Tinungo ko ang pintuan at binuksan ko na ito. Tumambad sa akin si Mommy na puno ng pag aalala. Nahalata niyang mugto ang mga mata ko dahil hinaplos niya ang pisnge ko.
"Are you okay Honey?"
Tumango ako at napatingin sa hawak niyang papel. Napansin niya naman ito at nilahad nito sa akin. "After you read that, I hope you'll talk to him at the last moment."
Tumango ako at kinuha iyon. Isinara ko ang pintuan at napaupo sa kama. Napatitig ako sa papel bago ko ito buksan. Bumungad sa akin ang pangalan ko at nakacalligraphy ito.
My Love Kee,
I know at this time you already miss me so much but I love you naman eh. Diba? I have no choice but to study here and I know that this is long distance relationship already but f**k, ang hirap. Napakahirap Kee, wala ka lang sa tabi ko ay nababaliw na ako. Miss na miss na kita Babe. Please Kee kung galit ka sa akin ngayon ay nagmamakaawa na akong patawarin ako. Mahal na mahal kita. I don't want you to be with someone lalo na at wala na ako sa tabi mo. I trust you so much and I want your trust too. Kahit ito lang Kee, pagbigyan mo ako. At itong ginagawa ko ngayon ay para sayo...para makasama kita hanggang sa huli.
Mahal na mahal kita. I love you so much Kee. Wait for me.
-Talius
Hindi ko namalayan ay basang basa na ang papel ko sa mga luha kong kanina pang pumapatak. Napahabol ako sa aking hininga at nagmamadaling kinuha ang jacket ko at sinout yun. Agad ako lumabas sa baba at nakita ko si Daddy at Mommy na nasa sala.
"Oh Kee? Okay ka na?"
Napakagat ako sa labi at tumango. Napatayo na rin si Lee. "Saan ka pupunta?"
Agad ko pinasok ang papel sa bulsa at nagmamadaling lumabas sa bahay. "Pupunta ako sa airport!" Aakmang bubuksan ko ang pintuan ng tinawag ako ni Daddy.
"Wait Honey!"
Napalingon ako at nakita kong tumungo sa akin si Daddy at hinawakan ang kamay ko. "Here." Napatingin ako sa palad ko at napaluha nalang ako ng makita ang susi ko sa kotse ko.
"D-Dad..."
Tumango lang siya kaya agad ko siyang niyakap at nagmadali nang lumabas sa bahay at tumungo sa garahe. Agad kong pinaandar ang matagal kong hindi nagamit na kotse at pinalabas sa garahe at pinaharurot ko na palabas ng subdivision namin.
Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa manibela at makitang walang masyadong sasakyan sa kalsada ay mas pinabilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko.
"T-Talius.. Wait for me.. Andito na ako.." Naiiyak na hiling ko. Kinalma ko ang sarili ko at nang makarating na ako ay agad na akong bumaba at patakbong pumasok.
Napatingin ako sa paligid baka sakaling makita siya. Napatingin ako sa screen at hindi pa lumilipad ang eroplano. Nilibot ko ang mga paningin ko sa paligid ngunit mas pinipiga ang puso ko ng makitang wala ang presensya niya.
Mapapaiyak sana ako ng may isang pamilyar na bultong nakaagaw sa pansin ko. Bigla bumilis ang takbo ng puso ko at tinakbo iyon. Nakita ko pang natigilan si Gabriel nang matanaw niya ako ngunit wala akong pakialam. Agad kong niyakap sa likod si Talius at napaiyak ng tuluyan.
"K-Kee?"
Humarap siya sa akin kaya napatingala ako. Gulat na gulat ang mga mukha niya dahil siguro hindi niya inaasahan na pupuntahan ko siya rito. "B-Babe.."
Unti unti itong napangiti ngunit nangigilid na rin ang mga luha niya. Napayakap siya sa akin ng mahigpit at hindi makapaniwalang sinundan ko siya dito.
"Kee! You're here!"
Sinapo niya ang boung mukha ko at siniil ako ng mga halik. Tumulo ang luha ko at napatitig sakanya. Ipinagdikit niya ang mga noo namin at hinaplos ang mukha ko. "Don't cry please. Baka hindi na ako tumuloy."
Napailing ako. "Wag ka ng tumuloy.."
Sumamo ang boung mukha niya at napaiwas ng tingin. Tumayo siya ng maayos at malungkot na tumingin sa akin. "K-Kee, Pinag usapan na natin ito..."
Napayuko ako. "A-Ayaw ko lang na mawala ka sa akin."
Hinawakan niya ang baba ko at tinaas iyon dahilan para magtama ang mga mata namin. "Hindi naman ako mawawala sayo.." Aniya.
"W-Wag ka nalang umalis.." Garalgal ko. Doon siya napapikit at napabuntong hininga.
Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil simula ngayon ay natatakot na ako. Paano kung may makita siyang mas magandang babae? Mas maganda pa sa akin? Paano kung may mas higit pa sa akin? What if... Makalimutan niya na ako? Parang sinasakal na ang puso ko sa tuwing naiisip ko yan. H-Hindi ko kaya...
"Kee.. I'm doing this for you.." Bulong niya habang mataman siya nakatitig sa akin. "Babalik ako.. Do you understand? I just want your trust and love this time. Ayokong umalis ako dahil sa mga iniisip mo." Aniya.
"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight Philippines to Canada. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin right now. Thank you."
Nabaling ang atensyon ko sa narinig ko. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko.
"T-Talius..."
"Please Kee?"
Napatitig ako sakanya at napaluha nalang ako. Hindi ko kaya. Bakit kailangan pa niyang umalis?! Napailing ako at hinawakan ang braso niya. "D-Dito ka nalang p-please? Please Talius.." Pagmamakaawa ko pero hinigit niya ako para yakapin siya. Hinigpitan ko ang kapit sakanya at humagulgol.
Alam kong napakasarili ko ngayon pero ayaw ko talagang umalis siya. Ayokong maiwan ako dito! Gusto ko siyang makasama... Ngunit mahal ko naman siya diba? Kasi kung dyan siya masaya ay hahayaan ko siya.
"Kee.. May communication naman tayo pagdating ko roon. Kung gusto mo pa ay bawat oras tayo magkikita. May skype naman ah? May mga social media naman." Aniya. Napatitig ako sakanya habang pinupunasan niya ang mga luha kong kanina pang pumapatak.
Napapikit ako ng mariin at nasasaktan siyang tinignan. "S-Sige kung dyan ka m-masaya."
Tumulo nalang bigla ang luha niya at napatitig sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang sakit at pangungulila. Sa huling sandali ay hinalikan niya ako sa labi at pinunasan ang mga luha ko.
"A-Aalis na ako." Garalgal niya at agad niya akong tinalikuran. Binitawan na niya ang mga kamay kong naiwan sa ere. Parang tumigil ang mundo ko ng paunti unti siyang lumalayo sa akin.
Ang mga puso kong paunti unti rin nawawala sa dibdib ko habang alam kong dala dala niya. Sobrang sakit. Ang sakit. Pakiramdam ko ito ata ang pinakamahirap na nangyari sa akin. Ito ang pinakamabigat at pinakauna kong naramdaman. Ang sakit sakit pala. Ang sakit maiwan.
Sobrang labo ng paningin ko ngayon tanging mga luhang punong puno na sa mga mata ko. Naramdaman kong hinawakan ako ni Gabriel sa braso. Napatingin ako sakanya at inagaw ang braso ko mula sakanya tsaka ako tumakbo patungo sa kotse ko.
______
Updated