#MOD 31

1495 Words
#MyObsessedDoctor ___________ Kumatok ako ng dalawang beses bago hawakan ang doorknob at pumasok sa opisina ni Tito Gabb. Bumalagta sa akin ang mga nakahilerang libro sumunod naman ay napatingin ako kay Tito Gabby na ibinaba ang makapal na libro sa katabi nitong lamesa. "Sit." Tumango ako at umupo sa sofang kaharap nito. Napatingin sa akin si Tito at bumuntong hininga. "How's your wound? Gumagaling na ba ang braso mo?" Napatingin ako sa braso ko at tumango. "Di na po masyado masakit Tito." "Good to hear that." Binalot kami ng katahimikan at nailibot ko nalang ang paningin ko sa boung opisina ni Tito Gabb. May mga papel ito sa lamesa at gaya ng nakita ko kanina ay napakaraming libro ang nakahilera. Mas natoun ang atensyon ko sa napakalaking picture frame kung saan nakaakbay si Tito sa isang babaeng mukhang mahinhin. Paniguradong sa mga oras na iyon ay kasal nila base sa sout nila. Napakunot noo ako. Ibig sabihin ba.. Siya yung namatay kong ninang? Siya ba ang tinutukoy nila Mommy? Siya ba yung pinag uusapan nila noon? Mas lalo ako napatitig at napakaganda niya. Hindi na ako magtataka kung bakit napakagwapo ni Talius at Gabriel. "Kee, Do you love my son?" Agad na naagaw ang atensyon ko kay Tito. "Ho?" "Do you love my son? Ang anak kong si Talius?" Kahit naguguluhan man ay tumango ako ng paulit ulit. Oras na para sabihing mahal ko si Talius. Gusto ko rin kasi ipakilala siya sa mga magulang ko hindi bilang kababata ko kundi kasintahan ko na. "Mahal na mahal po Tito." Ngumiti ako kay Tito. Napatitig sa akin si Tito at bakas rito sa mukha niya na parang nahihirapan siya. Bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Huminga ulit ng malalim si Tito at naawang tumingin sa akin. "Please Kee, wag mo sana itong mamasamain ng loob mo sa akin." Ani ni Tito at napahilamos sa boung mukha niya. He looks so frustrated. "A-Ano po ba iyon Tito?" Kahit ayaw ng isipan ko na malaman ay hindi ko mapigilan. "Stay away from my son." Bigla ako natigilan at napatitig kay Tito. Nakakunot na ang noo nito at mukhang problemado. Parang pinagpipiraso ang puso ko ng marinig ko ang mga katagang iyon mula kay Tito. "T-Tito.. Nagbibiro po ba k-kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ang mga mukha nito ay napakaseryoso at walang bahid na ngiti sa mga mata nito. Sa katunayan nga ay mas nangingibabaw ang mga problemang bakas sa mukha niya. Napaiwas ako ng tingin at humugot ng malalim na hinga. "Hindi ko po kaya na lumayo sa anak niyo Tito." Ani ko at matapang na tinitigan si Tito Gabby. "Mahal na mahal ko po si Talius kaya kahit ano pong sabihin niyo. Ayaw kong lumayo sakanya." "Kahit na aalis na siya sa susunod na linggo?" Napakurap ako at naramdaman ko nalang na biglang kumirot ang puso ko. "T-Tito a-aalis siya?" Nanglalaki ang mata kong tanong sakanya. Bumuntong hininga ulit siya at naawang tumingin sa akin. "Kee, Hindi mo ba alam na isasama ko siya sa canada? You didn't know that? All this time wala kang alam? Sinabi ko na yan noong may mga family gatherings tayo." Aniya. Nanggilid na agad ang mga luha ko habang ramdam ko na ang nagsisimulang hapdi na namumuo sa puso ko. "K-Kailan pa Tito?" "Actually, matagal na namin yan plano ni Talius. Sa katunayan nga eh hindi sana siya pupunta dito kung hindi lang sayo. Just only gabriel will be left here." Hindi ko namalayan ay tumulo na ang luha ko dahilan para mapasinghap ako. "Aalis siya pagkatapos ng buwan na ito. Isasama siya ni Tatay sa canada because Talius wants to be train just like Tatay" Napatigil ako ng may biglang may senaryong pumasok sa utak ko. Agad na pumasok sa kokote ko ang mga sinabi noon sa akin ni Gabriel. Mga panahong gusto ko siya. Napamaang ako, ibig bang sabihin ba matagal ko ng alam? Sadyang hindi ko lang noon binigyan ng halaga? "And the reason why I am telling you that to stay away from Talius because it's better to him without you." Ani ni Tito. Seryosong itong nakatitig sa akin. "Sa tuwing kasama ka niya ay hindi ko mapigilan mag aalala. What if he got kidnapp again? Or accident? I don't know kung ano na ang gagawin ko sa sarili ko kapag may mangyaring masama ulit sa mga anak ko." Bigla lumambot ang mukha ni Tito. "As a father Kee, I don't want something bad happens to them again. Please understand me Kee. Sana maintindihan mo ako. I like you for my son but..." Yumuko ako at tuluyan napaiyak. Ayaw kong isipin na ako ang sinisisi ni Tito Gabby kung bakit may nangyaring trahedya noon kay Talius kaya't hindi maiwasan ni Tito mag aalala kaya pinapaiwas nalang niya ako sa anak niya. "T-Tito mahal ko p-po si T-Talius." Garalgal ko. "Mahal ko rin ang anak ko Kee." Napatakip ako sa mukha at tahimik na napahagulgol. Naluluhang nagmamakaawang tumingin kay Tito ngunit tumayo lang ito at tinapik ang braso ko. "If you really love my son. Wait for him. I don't want to lose him too Kee." Aniya at lumabas. Naiwan ako dito na nakatigalgal. Sariwang sariwa pa sa akin ang mga pinagsasabi ni Tito sa akin. Bigla kumalabog ang pintuan at naramdaman ko nalang na nasa harap ko na si Talius. "Kee! Are you okay?!" Dahan dahan ako napatingin kay Talius. Kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata nito sa akin. Bigla ko naalala ang sinabi ni Tito sa akin kaya natabig ko ang mga kamay niya at tumakbo palabas. "Kee!" Bumuhos na ang mga luha ko dahilan kung bakit malabo na ang paningin ko sa harap. Tinakbo ko na ang pagitan ng bahay namin at bago pa ako makapasok sa pintuan namin ay nakita kong namumula sa galit si Talius at parang sumisigaw ito kay Tito. Napailing akong napaluha at sinarado ang pintuan at agad na pumanik. Napayakap ako sa unan at boung magdamag umiyak. Ang sakit. Ang sakit na iiwan ka rin pala ng mahal mo. Karma ko ba ulit ito? Bakit sobra na? Ano pa bang ginawa ko? Minahal ko lang naman siya ah, damn! Ang bigat bigat ng dibdib ko. Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa paninikip ng puso ko. "K-Kee?" "Kee? P-Please let me in. Please..." Tumalikod ako at niyakap ko ng mahigpit ang unan. Nakatulala lang ako habang umiiyak. "Kee! Papasukin mo naman ako! Wag ka naman magalit sa akin oh." Muli nanaman tumulo ang luha ko ng marinig ko ang mga pagmamakaawa niya. Napahikbi nalang ako at binaon ang mukha ko sa unan. Ilang minuto akong walang narinig mula sakanya. Akala ko umalis na siya ngunit nagulat ako ng bigla pumihit ang pintuan at bumukas. Napabangon ako at nakita ko si Talius at ang kambal kong may hawak na duplicate. "Kee!" Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Tumingin sa akin ang kambal ko at sinarado ang pintuan. Agad ko naman tinulak si Talius at kumirot nalang ang puso ko ng makita siyang nasaktan siya sa ginawa ko. "K-Kee I'm s-sorry." Muli niya ako niyakap ngunit tinulak ko lang siya. "Iiwan mo lang ako.." Napatulala ako at napatingin sakanya. "B-Bakit Talius? Hindi mo sa akin sinabi!" "H-Hindi naman sana ako sasama Kee kaya wala ng kwenta pa kung sasabihin ko pa iyon sayo noon pa! Pero.." Natigilan ako. "Pero ano?!" Napaiwas siya ng tingin at huminga ng malalim. "Gusto ko maging doctor..." Tumulo muli ulit ang luha ko at natawa ng sarkastiko. "Bakit sa canada pa? Hindi ba pwede dito?! Talius naman! A-Ayaw mo ba akong makasama?" Umiling uling siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Hindi sa ganun Kee, Pangarap iyon sa akin ni Daddy at Mommy sa akin Kee. Sana maintindihan mo." Iniwas ko ang kamay ko sakanya at kahit sobrang sakit na ay bigla nalang lumabas ito sa bibig ko. "Maghiwalay nalang tayo." "K-Kee." Nagulat ako ng bigla tumulo ang luha ni Talius. "K-Kee.. Wag mo yan sa akin sabihin." Napaiyak nalang ako ng gumaralgal na ang boses nito. "T-Talius.." Niyakap niya ako ng mahigpit at umiling iling. "Di mo ako bibitawan Kee. Mahal mo ako diba? W-Wag mo ako hiwalayan. Mahal mo ako at mahal kita kaya wag mo sa akin yan sasabihin!" Bakas na sa boses nito ang sakit. "Iiwan mo ako rin—" "Hindi kita iiwan! Hindi kita iiwan Kee!" Tumitig ako sakanya ng luhaan. Ang mga mata nito ay luhaan na rin ngunit malabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang tumutulo. "Kung hindi mo ako iiwan ay dito ka lang. Wag mo ako iwan." Base sa boses ko ngayon ay nagmamakaawa na ako. "B-Babe please..." Napapikit siya at nahihirapan siyang tumingin sa akin. "K-Kee, I love you but I can't do that." Nahulog ang mga kamay kong nakahawak sa balikat niya. Napasinghap ako at napatitig sa kawalan. "Iwan mo nalang ako dito." Parang pinaghahati ang mga puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Sa tuwing naalala kong aalis siya. Iiwan niya ako. Hindi ba pwedeng dito nalang siya? Bakit ang hirap naman? Bakit ang dami pang sakripisyo para lang sumaya ka? Bakit sa tuwing nagiging maayos na ang lahat ay may pagsubok naman ang humahadlang? "Kee.. Babalik ako. Tandaan mo yan. Mahal kita. Mahal na mahal. Just hold on. Wag mo ako bibitawan okay?" Aniya habang nagmamakaawa. Tumango nalang ako kahit masakit. "K-Kakayanin ko." ________ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD