#MyObessedDoctor
_________
Badtrip talaga oh! Halos mapatalon talon ako para lang maabot yung zipper ko sa likod. Letseng dress na to! Bakit ang iksi iksi! Dammit!
"Aderal! Dalian mo!" Sigaw ni Kuya Rain sa akin. Tangina.
"Wait lang! Malapit na ako!" Inis na sigaw ko at halos mapamura ako na hindi ko talaga maabot ang zipper na nasa likod ko. Shet! Bakit ngayon pa?! Bwisit!
"LEE! PUMUNTA KA DITO!" Sigaw ko sa kambal ko at halos mabali ko na ang braso ko kaabot. Punyeta talaga! Nakakabeast mode!
"Ano kambal?! Anong nangyare sayo?!" Narinig kong katok ni Lee sa labas. Pota talaga.
"Pumasok ka tanga! Hindi yan nakalock! Bwisit!" Sabi ko habang mababako na ako sa kakaabot ng zipper. What the f**k?!
"Anyare sayo Kee?!"
Bigla naman ako nainis ng nakasilip lang sa akin yung kambal ko.
"Itaas mo nga ang zipper! Isarado mo! Tangina! Kanina pa ako dito! f**k!" Pagmumura ko dito sa punyetang dress na to. Kasalanan to ni Tita Fara eh. Kung sana fitted jeans nalang ay pwede pa! Pero kung hindi lang sa familly dinner. Tangina never ko itong susuotin!
"Ang laki ng problema mo Kee!" Sabi ni Lee habang tinataas nito ang zipper. "Oh tapos na! Bumaba ka na! Ikaw nalang ang hinihintay! Paespesyal ka pa!" Aba't.
"Kung hindi ka lang lalaki matagal na kitang sinapak! Bwisit ka!" Galit na sigaw ko sakanya. Ngumisi lang ang kambal.
"Edi condelence sayo dahil lalake ako." Sabay halakhak niya at lumabas. Edi pakamatay ka rin! Sarap sabihin! Letse! Napangitngit kong kinuha ang porse at padabog na lumabas sa kwarto.
Bumaba ako at nakita ko ang mga kuya ko na nasa sala habang sila Mommy at Daddy ay nag uusap usap.
"Oh ayan na pala si Aderal. Let's go." Sabi ni Kuya Rain na makita ako.
"Wow anak! Dalagang dalaga ang prinsesa namin ah?" Sabi ni Daddy habang pinagmamasdan ang sout ko.
"Dalagang my ass Dad!" Sabi ko at naunang lumabas sa bahay. Narinig ko pang tinawag pa ako ni Mommy at nila kuya. Whatever!
Umupo ako sa pinakalikod at sinalampak ko sa tenga ko ang earphone habang hinihintay ko silang pumasok dito. Now. Sino paespesyal?! Ang tagal nila ah!
"Aderal, Remove your earphone" Nakita kong bumuka ang bibig ni Kuya Rain kaya napakunot noo ako at tinanggal ang isa kong earphone.
"What?!"
"I said remove your earphone! Hindi magandang tignan kapag nakaearphone ka. Brat." Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi ni Kuya.
"And so? Ikaw ba ako?" Mataray na tanong ko kay Kuya Rain. Lumingon sa akin si Lee.
"Shut up Kee! Ang bibig mo!" Umikot lang mata ko sabay sabing whatever. Kainis. Hindi ko naman sosoutin sa loob ng resto ah?
Bwisit.
"Aderal. Your mouth. Pwede bigyan ng oras?" Sabat naman ni Mommy. Gosh. Ano ba problema sa mouth ko? Masyado na ba akong bastos?
"Fine. Im sorry" Sabi ko sabay irap sakanila. Napahalakhak naman si Dad kaya mas lalo ako napairap. Pinagkaisa nila ako. Poor me!
Nakarating kami sa mamahaling resto kaya bumaba na kaming lahat. Nakita ko pa ang kotse ng mga lopez at nila Tita Fara. Pumasok kami at nakita namin nakahilera sila Tito Gabby pati ang kambal at sila Tita Fara.
Naparoll eyes ako. Akala ko ba Family dinner? Bakit kasama sila? Gosh!
"Kee!"
Bagot na tinignan ko si Talius na tinawag ako. Problema nito?
"Dito ka umupo!" Sabi niya sabay tap sa tabi niya. Ngumisi ako at sinabing asa. Hindi ako diyan uupo. Tumabi ako kay Lee at wala na akong katabi. Pero ang kaharap ko naman ay si Gabriel na tahimik at si Talius na nakangiting nakatitig sa akin. Whatever.
"Zron bro!"
Napatingin kami na nagyakapan si Daddy at si Tito Gabby na akala mo ngayon lang nagkita. Pati si Tita Fara ay nakipagkwentuhan na kay Mommy. Napabuntong hininga ako at nalungkot. May naalala tuloy ako. Sabi nila Mommy, May Ninang pa daw ako pero nasa langit na daw siya.
"This is surprising Gabby! Bakit mo pa kami ininvited? Family dinner niyo to ng mga anak mo" Rinig kong sabi ni Daddy.
"Yeah. Ahm. I don't think so kung pwede niyo naman kami sabayan? You know what happend right? This is not family dinner-"
"Gabby..."
Nakita kong paano lumungkot ang ekspresyon ni Tito Gabby and that's how Im curious. Ano kaya yun? Okay nevermind.
"Ilang years na Gabby, move on" Sabi ni Mommy pero halata kay Mommy yung pangungulila. Napasimangot tuloy ako. Para saan tong dinner? A drama o kakain?
Letse.
"Okay okay. Andito tayo para magkamustahan." Sabay tawa ni Tito Gabby at tumingin sa amin ni Lee at Kuya Rain. "Mukhang malalaki na ang inaanak ko ah?" Nakangising sabi ni Tito sabay tingin kay Daddy. "May isusunod pa ba?" Natawa naman si Daddy kay Tito Gabby at inakbayan si Mommy.
"Oh well, depends on her" Ngising ngising sabi ni Daddy. Napatingin ako sa pagkain at nilaro iyon. Ang boring.
"Tse! Hindi mo ako madadala Zron!" Rinig ko pang sabi ni Mommy dahilan magtawanan ang lahat. Okay?
"Eh mga anak mo Gabb? May mga girlfriend na ba iyan?" Natatawang sabi ni Tita Fara at tinignan sila Gabriel at Talius. "Wala ba silang naging girlfriend sa canada?"
"I don't know with them, Because I see them playing and reading alot of books without leaving the house." Napatingin naman ako sa kambal na Lopez at nabaling ang atensyon ko kay Talius na nakatitig sa akin. Ano nanaman ang problema nito?
"And napagdesisyunan ko na dito nalang sila mag aaral"
So saan sila mag aaral? Wag naman sa paaralan ko. Ayaw kong makita ang dalawang to. Nabwibwisit ako. Ayos lang kung doon na sila tumira sa canada pero bumalik pa sila. Okay ang sama ko pero naiinis ako dito sa kambal eh. Ewan ko ba.
"That's nice. Sapat na ang anim na taon sa canada ang pagbabakasyon niyo doon!" Sabi naman ni Tito Adam habang katabi nitong si Nico na speacial child.
Nagpatuloy sila magkamustahan habang ako ay kumakain ng paunti unti dahil hindi naman ako gutom. Sadyang nababadtrip ako ngayong araw.
"Kee, A-Ang ganda mo." Napatingala ako at nakita ko si Talius na namumula. Natawa naman ako at ngumisi.
"Talaga? Ang ganda ko na nuh?" Pagmamayabang ko sakanya. Nahihiyang tumango siya at napahalakhak ako. Tsk! Stupid.
"Gumanda nga, Plato naman ang hinaharap" Awtowmatiko akong napatingin kay Gabriel na magsalita ito. Medyo ata iba ang nadinig ko. Plato? Plato ang hinaharap?!
Nangigigil kong tinapakan ang paa niya sa ilalim kaya napahiyaw agad siya dahilan para maagaw ang atensyon ng mga magulang namin. Ha! Kulang pa yan sayo! Bwisit!
"Are you okay son?"
"Y-Yes, Tay."
Tumingin sa akin ng masama si Gabriel kaya nginisian ko siya. Gusto mo isa pa? Hindi lang sa paa abutin mo! Pati sa pagkalalake mo! Letse!
"Enough na Gabriel." Awat ni Talius. Isa pa to. Akala mo kung mahiyain na titiklop pero tanga naman.
Hindi na muli nagsalita ang kambal pero ngumiti naman sa akin si Talius. Inirapan ko siya at naghintay ng nakakabagot na usapan nila mommy para matapos na kung ano man iyon ay wala pa rin.
Nakakainis talaga!
"Valedictorian si Talius sa elementary sa canada at halos hindi siya pakawalan ng mga teachers doon" Nabaling naman ang tenga ko sa sinabi ni Tito Gabby. Valedictorian? Si Talius? Agad ako napatingin kay Talius na malaki ang ngiti nito sa akin.
Laglag ang panga ko na nakatitig sakanya. Alam kong lagi ko siyang nasasabihang tanga at stupido noong mga bata pa kami pero hindi ko inaakala na ganun pala siya katalino.
"At running ulit siya sa valedictorian sa highschool pero lumipat kami dito sa pilipinas so that's it" Explain ni Tito Gabby. Napalunok ako at pinagmasdan ang kambal na nasa harap ko.
Alam kong may magbabago sakanilang dalawa at pati si Gabriel na akala kong forever mataba na ay hindi ko inaasahan na ganito siya kapatayat ngayon at matikas ang pangangatawan nito na halos magkapareho ang mukha ni Talius at Gabriel ngayon. Masasabi kong kambal nga talaga itong dalawa. Noong mga bata kami ay hindi masyadong magkamukha ang dalawa pero what happend? Bakit halos pati kurba ng mga mata nila ay parehong pareho? Dammit. Mukha silang mga diyos na bumaba sa lupa.
Ang gagwapo nila. Their perfect jaw how they move when they speak. Parehong pareho parin! Their eyes are deep and aggressive. Pero iyon ang pinagkaiba. Ang nababasa ko sa mata ni Gabriel ay malalalim at walang emosyon samantala si Talius ay madaling basahin at alam mong may masayang mata. Dati ko na itong natuklasan pero mas umangat ang kagwapuhan nila. Damn.
Napakagat nalang ako sa labi at nakinig sa mga sinasabi ng mga Tito ko.
"Mag-gagrade 10 din ang kambal ko" Sabi ni Tito Gabby habang kumakain. So pareho pala kami?
"Nakaenroll na kayo ni Aderal, Arenax?" Tanong ni Daddy kay Lee. Umiling naman ang kambal ko.
"That's great! Gabriel and Talius" Tawag ni Tito sa kambal. "Sumabay kayo sa pag-enroll kila Kee" Sabi ni Tito. Napasimangot naman ako at napabuntong hininga. Letse. Kung napaaga sana ako mag enroll edi sana makakasama ko pa ang mga barkada ko. Bwisit.
"Okay Dad."
That's it.
Sumubo nalang ako ng isang pakpak na manok at kung ano ano pa.
"Baka tumaba."
Napaangat ako ng tingin na marinig ko ang salita ni Gabriel. Inirapan ko lang siya. Mabuti at punong puno ang bibig ko ng pagkain.
"Kee, hinay lang" Sabi naman ng kambal ko habang hinihimas niya ako sa likod. Tinabig ko naman ang kamay niya at tumawa lang siya.
Bwisit.
"Anyway, Ano pala ang course ang kukunin ng kambal mo Gabb?" Rinig kong tanong ni Mommy kay Tito.
"I think Talius is medicine" Bigla ako napaubo at napatingin silang lahat sa akin. Kinuha ko agad ang tubig at uminom.
"Slowly honey." Tumango naman ako kay Mommy at nagpaumanhin.
"Wow. Medicine din? Mabuti iyan! Tama ang kinuha mo Talius." Sabat naman ni Daddy. Edi wow.
"Yes po. I want to be a doctor because I promise to myself and to someone that I will be successful as a doctor." Nakangiting sabi ni Talius sakanila. Naparoll eyes ako at sumandal sa kinauupuan ko.
"Wow. Your son impressed me Gabby. He got a nice choice!" Sabi ni Daddy. Edi siya na! Kunin niyo na siya Dad! Nakakainis. "Who is someone you are talking about?" Nakangising dagdag ni Daddy.
Napatingin ako kay Talius at nagulat ako na mataman ito nakatitig sa akin at bumaling kay Daddy. Bigla may dumaloy na kung ano sa sistema ko.
"Someone past po."
Napangisi nalang ako.
"Oww. I think it's a girl right?" Halakhak ni Tita Fara.
Hindi na umimik si Talius pero nabaling ang atensyon ko kay Gabriel na tahimik na kumakain.
"How about you Gabriel? Ano kukunin mo?"
"Business administration po" Maikling sagot ni Gabriel. Nakita ko kung paano magulat ang ekspresyon ni Tito Gabby at mga magulang ko.
"Why Gabriel? Bakit hindi mo kunin ang medicine? Para pareho kayo ng kambal mo" Sabi ni Daddy. Umiling naman si Gabriel at tumingin sakanila.
"I'm the last to be the inheritance of Deven and I will hold the rest of their company. Ako nalang ang pag asa ni Lolo sa kompanya nila. And I would like to be CEO like my father before."
__________
Updated.