"Bakit hindi barbie ang hawak mo?"
Napatingala ako at ngumisi.
"Pake mo ba ah?"
Napanguso siya at tumabi sa akin.
"Ang sungit mo talaga!" Sumbat niya sa akin. "May ibibigay pa naman ako sayo" Nakangusong dagdag niya. Nawala ang iritasyon ko at napalitan ng saya.
"Really? Saan saan?" Galak na sabi ko. Lumapit naman siya lalo sa akin hanggang sa iharap niya sa akin yung pisnge niya.
"Kiss first."
Ngumuso ako at kiniss ko naman siya. Natuwa siya at pinakita sa akin yung supresa niya. Nawala ang ngiti ko at nainis.
"What's that?!" Sigaw ko sakanya. Kasi naman isang malaking manika na malaking mata rin! Ayoko niyan!
"B-Barbie. Ayaw mo ba?" Malungkot na tanong niya. Tinapon ko naman ang bigay niyang manika at sinamaan siya ng tingin.
"Ayoko niyan! Ayoko ng barbie! It's too girly! Ang bakla mo!" Sigaw ko sakanya sabay tayo.
"Ako bakla?!"
Pumeywang ako sa harap niya.
"Oo bakla ka! Why have you given me that?! It's so girly!" Malditang sabi ko at kinuha ang mga car toy ko.
"Hahaha tsk!"
Tumingin ako kay Gabriel na nakaupo lang sa tabi habang nanonood sa amin. Inirapan ko naman siya at sabay alis sa kambal na yun! Kainis kasi eh! Bakit manika pa? I hate it! I really hate it! Now, ayoko na kay Talius!
"Kee! Sorry na!"
Whatever.
"K-Kee naman eh!"
"Son! Why are you crying? What's the problem?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Tito Gabby.
"S-Si K-Kee. Galit..sa akin.."
Nanlaki ang mata ko at lumingon sakanya.
"I'm not mad!" Nakangusong sabi ko. Pero nakatingin ako kay Tito Gabby. Hihihi ang gwapo ni Tito.
"You threw your doll that I gave you" Naiiyak na sabi ni Talius. Pumeywang ako at mariin siya tinignan.
"I hate your doll! I'm not into doll!" Inis na sigaw ko sakanya. Humarang naman sa gitna namin si Tito Gabby. Hihihi nakahospital gown siya.
"Enough." Sambit ni Tito at tumingin kay Gabriel. "Comfort your brother, Gabriel" At tumingin naman sa akin si Tito. Ngumuso ako at yumuko habang nilalaro ko ang mga daliri ko.
"And you Kee, You should know how to accept the things given to you. Okay?" Tumango ako at umalis na sa pagitan namin ni Talius si Tito.
"Don't fight. I don't want you fighting" Mariin na sabi ni Tito bago umalis. Pagkaalis ni Tito ay tumabi ulit ako kay Talius.
"I'm sorry." Sabi ko.
"Sorry din." Sabi ni Talius habang nakayuko. Napabuntong hininga ako at naglaro nalang sa mga toy car ko. Matagal na ako naglalaro sa kambal na to at dito na lagi ako kumakain sa mga lunch at dinner. Nakakainis lang kasi si Gabriel hindi ako pinapansin at napakasungit kung sumagot. Magkaiba kasi ang ugali nilang dalawa. Si Talius kasi malambing sa akin eh samantala ang kambal niya...Nevermind. Tss!
"Tito Gabby is so handsome!" Sabi ko nalang habang naglalaro. Napatingin sa akin si Talius. Lumingon ako kay Gabriel na walang pakialam at nagbabasa sa tabi. Whatever!
"Crush mo si Dady?" Tumango ako at napahagikgik.
Ngumuso si Talius kaya napangisi ako.
"Why naman? Gwapo pa ako kay Dady eh" Nawala ang ngiti ko at umirap sakanya. Gwapo? Cute lang siya. Hindi gwapo.
Ngumuso ako sakanya.
"Because he's a doctor" Sabay hagikgik ko sakanya.
"Just becuase he's a doctor? Tsk!" Napalingon kami ni Talius na magsalita si Gabriel.
"Wag kang singit Gabriel! Si Talius kausap ko!" Iritang sabi ko pero di na siya sumagot at nagbasa lang. Ang pangit niya! Napairap tuloy ako.
"I can be a doctor if you want." Nakangusong bulong ni Talius sa akin. Nanlaki ang mata ko.
"You can't! You are not smart!" Sabay tawa ko. Pero kumunot noo siya habang nakanguso.
"I can be! If that was the reason for you to like me, then I will be a doctor soon." Nakangiting sabi niya habang titig na titig siya sa akin.
Binalewala ko iyon at ngumisi.
"Too long! Crop!" Sabay tawa ko at tumayo upang kumuha ng tubig. I don't believe he can. Duuuh!
"I'm serious Kee! I will do that!" Sigaw niya. Tumatawa lang ako habang kinakaway siya patalikod.
"Whatever! You can't be a doctor! You're a stupid! It's hard to be a doctor!" Natatawang sabi ko at umiling.
_______
#Prologue