#MOD 6

1933 Words
#MyObsessedDoctor _________ Pagkarating namin sa Mall ay agad ko nang pinark ang kotse at bumaba na. Pumasok kami ni Lana sa mga boutique na makikita namin. Mabuti naman at kasama ko to si Lana. Marami kasi tong alam pagdating sa mga damit. Fashion kuno. "Hindi ka ba pipili dyan Kee?" Tanong saakin ni Lana habang may hawak na ng damit. "Mamaya na muna, Tinatamad ako" Sabi ko sabay upo at pingmasdan siya. "Duh Kee! Ngayon ka pa tatamarin?! Mamaya na po yung party!" Anito. "Marami naman akong damit sa bahay in case na mashort ang time ko" Sabi ko at sumandal. "Aish bahala ka dyan! Kahit kailan ang boring mong kasama pagdating sa mga ganito!" Ibig sabihin nito ay pagdating sa mga shopping. Ngumise lang ako. "I'm not like you, girly Lana." Inirapan lang niya ako at tumungo sa fitting room. Sa totoo lang ay tinatamad talaga ako. Kung may gagawin lang sana ako sa bahay edi sana hindi na ako sumama sa babaeng to. Masyado pa naman tong wild pagdating sa mga ganito and we are different kaya't naiinis ito saakin. Pumikit lang ako habang hinihintay si Lana. Ang tagal pa naman nun pumili kaya umidlip muna ako. Nararamdaman ko ang mga tingin ng mga sales lady saakin. Sino ba naman ang tao ang matutulog dito? Oh wait. Im just take a nap quickly, not sleep. "I don't think so gabriel? You know I love this one. This is my kinda habbit. Like shopping yeah? Hahaha" "Really? Okay Im going to started to like this. Hahaha" Dumilat ako ng kaunti at bahagya ako nagulat na makita si Gabriel at yung babaeng maganda na kasama niya kanina at mukhang nagsasaya sila at enjoy na enjoy sa company nila sa isa't isa. "That's so sweet of you Gabriel!" Mahinhin na hinampas ng magandang babae ang braso ni Gabriel habang tawa ng tawa naman si Gabriel. Napapikit nalang ako at nagpretend na walang pakialam sa paligid. I hate this feeling. Parang nakakalungkot isipin na ang saya saya niya. Gusto kong pawiin ang mga ngiti niya sa labi niya! I hate that girly! Pero teka? Pakialam ko ba? "Aderal?" I know, since birth. Siya lang yung tumatawag saakin ng first name ko except my brother Rain, but it doesn't matter to me or meron lang talaga? Aish! Where the f**k you Lana? "Natutulog ba siya?" Naweirduhan na tanong nung babae ni Gabriel. "No—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Gabriel ng idinilat ko ng sabay ang mga mata ko at nagsalita. "If you guys want to talk about me, please not my front. You'd f*****g ruin my little nap." Mariin na sabi ko at umalis sa harap nila. I know ang babaw ng dahilan ko kahit iyon ba talaga ang dahilan kung bakit ako nainis? f**k. I don't know! Atsaka bakit ba ang tagal ni Lana magsukat ah?! Nangangalay na ako rito eh! Nakita ko pa yung dalawang iyon! I know that girl, klaro na ang itsura ng babaeng yun nung magtama ang mata namin kanina. She is Shasa Juamiendo, College student at pwede na siyang tawagin ate or maam. She is representative cheerleader of our school kaya't kilala ko siya. Base sa mukha niya ay masasabi mong bata pa talaga pero i don't f*****g know how old is she?? And I don't f*****g interested how old is she? She got that long blonde bouncy hair hanggang sa bewang at mas lalong lumitaw ang kagandahan nito. Okay she is really damn beautiful but i don't like her. She is obviously into girly. Nakadress siya at sandals pa with porch na hawak niya. At mas lalong nakaagaw ng atensyon ko ay yung kamay niya na nakapulupot sa braso ni Gabriel. Clingy eh? Girlfriend ba to ni Gabriel? If thats so, He got a nice taste huh. "Anong ginagawa mo dito Aderal? At sino kasama mo?" Tanong ni Gabriel saakin. Tumingin naman ako kay Sasha at nagtama ang mata namin. "Window shoppi—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may sumingit bigla. "Hala Gabriel? Bakit ka nandito?" Tumabi saakin si Lana habang ibinibigay nito ang sandamakmak na damit sa sales lady "Isa lang dyan ang kukunin ko hihihi" Rinig ko pang sabi nito. Tumango lang yung sales lady at umalis na. Humalikipkip ako. "Sino pala to?" Sabay turo ni Lana kay Shasa. Napangisi ako. "I mean, girlfriend mo Gabriel?" Nagtatanong na sabi ni Lana. Umiwas naman ng tingin si Gabriel at mukhang nahihiya pang sagutin ang tanong ni Lana. Napaiwas na rin ako ng tingin. Does Gabriel likes Shasa? Para akong binagsakan ng kung ano man na bagay sa isipan yun. Hindi naman siguro ata diba? "Okay nevermind Hahaha!" Awkward na tawa ni Lana. Napairap nalang ako. Kahit kailan talaga. "O siya! Babayaran ko muna ito" Sabay tingin sa akin ni Lana "Sasama ka ba Kee?" Tinaasan ko naman ng kilay si Lana. Anong akala niya saakin, magpapaiwan rito kasama sila? "Okay okay! Hahaha!" Mukhang nakuha ata niya pinapahiwatig ko at dumeretso sa counter. Lumingon pa ako kila Gabriel at nagtama ang mga mata namin. Ngumiti lang ako ng matipid sakanya at sumunod na kay Lana. "What do you think Kee? Nagdadate ba sila?" Pagkalapit ko sakanya ay agad na nagtanong saakin si Lana. "Maybe?" Patanong na tanong ko. Nakita kong nakabalot na ang mga pinili niya at binigay ito sakanya. "Ow..." Tumatangong tangong ani ni Lana habang nilalabas nito ang mga credit cards niya. "Siguro nililigawan ni Gabriel iyon, Ang swerte." Aniya habang nakangisi at binigay sa babae ang card nito. "Yeah..." Iyon nalang ang naisagot ko. Hindi naman maiwasan na tama ang hinala namin ni Lana kasi sinong lalakeng hindi maattract sa babaeng iyon? Pagkaswipe ng card ni Lana ay lumabas na kami sa boutique. Lumingon pa ako mula doon at pinagsisihan ko ito. Nakita ko silang nagtatawanan habang may hawak na hawak na damit si Gabriel na mukhang isinusukat kay Sasha. Boung umaga ay wala ako sa sarili habang kasama si Lana. Nasa isipan ko pa rin yung mga katanungan ko. Base naman sa mukha ni Gabriel kanina ay masayang masaya siya habang pinagmamasdan niya si Shasa. At kung nililigawan naman siya ni Gabriel so why not? Wala naman akong pakialam diba? "Sigurado ka bang wala kang bibilhin Kee?" Doon ko napansin ay patungo na kami sa Carpark. Umiling ako bilang sagot sakanya. "Ay ewan ko sayo Kee! Kanina ka pang lutang dyan." Nakakunot noong ani ni Lana habang pinagmamasdan ako. "Masakit lang ulo ko" Sabi ko habang papalapit na kami sa kotse ni Lana. Totoong sumasakit ang ulo ko at hindi ko alam. Siguro dahil sa kakaisip ko sakanila. Damn Kee. Get your ass out off them. Hindi muli umimik si Lana at hinatid na ako sa bahay. Im sorry Lana kung hindi mo naenjoy ang pagshopping mo. This is my fault and I don't know what happend to myself. ______ Pagkasapit ng six o'clock ay agad na ako nakapagbihis at nag ayos. Bigla ulit ako nakaramdam ng vibration mula sa bulsa ko. Paniguradong si Lana nanaman to. Kahit kailan hindi makapaghintay. Huli ulit ako tumingin sa salamin at bumaba na. Hindi ko na pinansin ang tawag ni Lana. Bahala siya. "What the hell are you wearing?" Ito agad na bumungad saakin ng kambal ko. Tumingin ako sa sarili ko at bumalik sakanya ang tingin ko. "What's the promblem?" Tanong ko sakanya. Pinagmasdan niya ulit ako. "Sigurado ka Kee? Baka maop ka lang dun? I am sure na ikaw lang kakaiba ang damit roon. Hindi yan pangparty." Anito. Napairap naman ako sakanya. Porket nakasout lang ako ng black adidas long sleeve na tinernuhan ng adidas rin na sapatos at hindi na pangparty? May basehan ba yan para masabi mong pupunta ka sa isang marangyang salo salo? "You instead look swag huh?" Nakangiwing ani ni Lee. "Whatever Lee. It's just a night party. Hindi tayo pupunta sa kasal." Naiinis na sabi ko at inunahan ko na siya palabas ng bahay. Invited kasi iyon eh at sympre siya yung magmamaneho. Ewan ko ba at wala iyon tiwala sa akin pagdating sa pagmamaneho. Lagi naman ako panalo sa racing diba? Napairap tuloy ako. Inilagay ko sa ulo ko ang black bonnet hat ko at narinig ko nanaman ang pagkaepal ng kambal ko. "I don't know what would I think of you if you are girl or guy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lee. "I don't know too Lee, what would I think of you if you tsismosa lang or just wondering?" Pabalang na sagot ko. Narinig ko ang buntong hininga niya kasabay ang pagpapaandar niya ng kotse. "Whatever Kee." Anito. Hindi na ako umimik pa at naghintay ng ilang minuto bago makarating sa bahay nila Kenn. Kita ko mula rito ang mga nakaparadang mga kotse lalo na ang ilaw na lumalabas mula sa bahay nila. Paniguradong sa labas ng bahay nila sila nagpaparty. Pagkaparada ng kotse ay bumaba na kami ni Lee at nagsimulang pumasok sa bahay nila. Nginitian ako ng guard nila at tumango lang ako. Pagkapasok namin ni Lee ay humiwalay na saakin ang kambal ko siguro para puntahan ang mga barkada nito. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at bigla ako nasilaw ng tumutok sa akin ang spotlight. What the f**k? "Omg Kee!!! You're here na! Kanina pa kitang tinatawagan!" Ani ni Gina habang mukhang nasa stage to at nagfefeeling Dj. Nang mawala na ang spotlight sa sarili ko ay napansin kong napatigil silang lahat. Pati si Lana na nasa gilid kasama sila Kenn ay napatitig sa damit ko. f**k. I know kung ano ang iniisip nila. Napansin ko rin na ako lang talaga ang naiiba rito. Lahat sila ay nakadress o kaya naman nakagown. Say what? What the hell? Ano naman mali sa sout ko right? Habang naglalakad ako papunta kila Kenn ay humalukipkip ako. Keep your cool Kee. It's none of their business. "Susko man Kee! Paulit ulit ako nagtatanong kung may gusto kang ibibili na damit dahil alam kong ikaw lang maiiba rito!" Bungad sa akin ni Lana habang pinagmamasdan ako. Napasimangot ako. "It's okay Lana, She more become cool." Nakangiting ani ni Kenn. Nagtama ang mata namin pero napaiwas naman ako. Mukhang wala lang sakanya noong nakaraan. Okay na ba siya? Hinatid naman kami ni Kenn sa mga upuan namin at dinala ng pagkain. As you know, hindi ako kumain sa bahay kaya't magtatakaw muna ako rito. Habang kumakain ako ay hindi pa rin nila lubusan iwasan ang mga mata ng mga tao sa akin. Who are the f*****g them ah? Visitor ba sila ni Kenn? Oh come on! Staring is rude bitches! Lalo na't kapag kumakain ako! Hindi ko nalang sila pinansin at nakipagkwentuhan nalang sa mga barkada ko. Natigil lang ang pagkukwentuhan namin ng biglang may pumasok at nakitang naglalakad patungo kila Kenn na mukhang ibibigay ang regalo. Omg. I forgot the gift! Dammit. "Shasa and Gabriel?" "Wow. Bagay sila huh?" "Ang ganda ni Shasa!" "Kaya nga. Bagay na bagay sila" "She's beautiful but Aderal Kee is more than beautiful, not only beautiful but coolest!" "Yeah coolest and beautiful but she has no brain! Hahaha unlike Shasa? Beautiful and kind pa! Bagay sila ni Gabriel" Humigpit ang fork na hawak ko sa narinig ko. Gusto kong tusukin ang mga naririnig ko mula sa paligid ko. Pero hindi ko nalang ulit pinansin at pinanood sila Gabriel at Shasa na nakapulupot nanaman sa braso ni Gabriel. s**t. They are right. Bagay na bagay sila. Litaw na litaw ang boobs ni Shasa lalo na't nakablack gown ito at may hawak na regalo. Nakakulot ang buhok nito ngunit napaghalataan ko na nagpagupit ito. But still, ang ganda niya pa rin. Napatingin naman ako kay Gabriel at bigla nagtama ang mata namin. He looks so handsome today parang nawala ang inis ko sakanilang magkapatid dahil sa pagkaamong mukha nito. Lumagpas ang tingin ko kay Gabriel sa likod niya at doon ko nakita si Talius na nakangiting or should I say na nakangisi..  Sa akin? _________ A/N: Sorry sa sobrang tagal ng update ko. Sorry talaga. Ang dami ko lang talaga ginagawa ngayon lalo na't papalapit na ang exam namin. Busy nanaman ulit. Im sorry. :(
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD