#MOD 5

1494 Words
#MyObsessedDoctor _________ Pagkapasok na pagkapasok ko sa car racing ay bumungad sa akin ang mga kotseng nagpapaharurot. Bigla may nagtap sa balikat ko. "Bumalik ka Kee?" Tanong sa akin ni Lemiar. Siya si Lemiar na bumabantay sa mga kotse ko. Since isa rin siyang racer ay hindi naman niya kayang pabayaan ang kotse ko. Magkatropa kami nito eh. "May problema lang" Maikling sagot ko habang pinapanood ko ang mga taong nagsisigaw na. Paniguradong nagpupustahan sila. "Lagi ka naman may problema Kee eh." Sabay halakhak niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil ka nga" "Okay, Ano ba problema mo at two weeks ka nang nawala dito? Himala ata?" Tanong niya. "Ang kambal kasi.." Bulong ko dahilan para sapat na marinig niya. "Seryoso? Yung kambal na lopez na yun? Bakit may gusto sayo?" Napatingin ako sakanya at nakita kong nakangising aso siya. Sinuntok ko naman ang braso nito. "Yang ngisi mo. Para kang aso" Sabay ismid ko sakanya. Tumawa lang siya at inakbayan ako. "Parang hindi ka na sanay na wala nagkakagusto sayo ah?" Sabi nito. "Ay ewan, basta ayaw ko sakanila" Sabi ko. "Woooooh! Ang galing!" "Hoy pusta ko!" "Si Kee ba yun?" "Hala, Andito si almighty Kee natin!!" "Oww.. okay? So mukhang tinatawag ka na ng mga fans mo. Ano? Sasali ka?" Ngumisi ako at tumango. Since wala akong ginagawa ngayon ay magpapalibang muna ako. Napatingin ako sa wrist watch ko at mag aalas dyes na ng gabi. Napalingon ako ng inabot saakin ni Lemiar ang helmet ko. Agad ko itong sinout at lumabas na sa opisina ni Lemiar. "Waaah si Keeeee!" "Almightyy Keee!" Hindi ko na pinansin ang mga sigawan ng mga tao. Diretso lang ang lakad ko at pumasok na sa sport car ko. Kitang kita ko ang hiyawan ng mga tao lalo na't marami rin kami magpapatakbo. Tumingin ako sa babaeng parang kinapusan ng tela at binaba nito ang bandila senyales na magsisimula na. Agad ko naman pinatakbo ang saakin at pinaharurot ito. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasan isipin ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. At dahil iyon kay Talius. Gusto kong kalimutan ang lahat na pinagsasabi niya sa akin pero bakit mas lumala pa siya? Umaabot na ako sa puntong gusto ko na maglayas mula sa pamamahay ko upang hindi lamang siya makita. Ilang minuto ako wala sa sarili. Isunubo ko ang lahat ng atensyon ko sa kalsada at inalis sa isipan ko si Talius. Ilang minuto ay nanalo ako. Alam kong sa ginagawa kong ito ay napakadelikado at illegal. Pero masisisi niyo ba ako na ito ang pangarap ko sa buhay ko? Maliban sa pagiging medisina. Pagkalabas ko ng sport car ko ay sumalabong sa tenga ko ang pangalan ko. Iba't ibang sinasabi na hindi ko maintindihan. Nakita ko si Lemiar na patungo sa direksyon ko. "As expected Ms. Aderal Kee Shue." Sabay ngisi nito sa akin. Gumanti rin ako ng ngisi at hinagis sakanya ang susi. "The prices are now in your bank acount" Tumango ako at kinawayan siya patalikod. Senyales na uuwi na ako. Hindi naman ako gaya ng iba na magtatagal pa rito at manonood pa. Sa totoo lang hindi naman ako natatakot kung sakaling maaksidente ako dahil kampante ako na walang sira ang mga kotse ko. Papasok sana ako sa kotse ko ng maanig ko ang isang bulto ng tao na nakasandal sa di kalayuan. Kahit madilim ay nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi ko magalaw ang kamay ko na nakahawak lang sa pintuan. "Hi Kee." Nang marinig ko ang boses nito ay parang nalusaw ang mga tuhod ko sa panginginig. Tatlong araw ko siyang pinagtataguan at ngayon ay nakita niya ako. Lumapit sa akin si Talius at agad na sinakop ang mga labi kong nakaawang sa gulat. "T-Talius..." "Hmmm..." Nakamulat pa rin ang mata ko sa gulat at napatingin sakanya na nakapikit at sinandal agad ako dahilan upang matauhan ako. Agad ko siyang natulak at mas lalo ako nagulat sa napagtanto. Hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako! "Walang hiya ka! Bakit mo ako hinalikan?! Why did you kissed me?!" Hysterical kong sigaw sakanya. Hindi ako makapaniwala na basta lang niya ako hahalikan! "Ang sarap pala ng labi mo..." Ani nito habang nakatitig ito sa akin ng malalalim. What the?! "f**k you! Isa ka talagang hayop!" Nanginginig na sigaw ko sakanya at aakmang papasok sa kotse ko na hinila niya ang braso ko paharap sa sakanya. "Gusto mo ipakita ko sayo kung gaano ako kahayop sayo ah? Kee.." Lumapit siya sa tenga ko at bigla ako kinilabutan ng dumampi ang labi niya sa tenga ko. "Gusto mo ba Kee.." Malambing na ani nito sa akin. Sinipa ko naman ang p*********i nito at umawang ang labi nito sa sakit. "What the f-f**k Kee?!" "Iyan ang mapapala mo! Hayop!" Sabi ko at agad na pumasok sa kotse at pinaandar ito. Napapailing ako habang humihingal na nagmamaneho. Paano niya nalaman na andun ako?! Sinundan ba niya ako? Pero paano?! f**k! Nakakainis! Iyon na nga ang pagkakataon kong makatago ay nalaman pa ng gagong yun! Tapos hinalikan niya ako! Ang kapal kapal niya! Wala talaga siyang modo! Kaya ayaw na ayaw ko sakanya eh! Wala na ngang siyang kwenta, wala pang modo na nilalang! Nakarating agad ako sa bahay at agad ko pinarking ang kotse sa garahe. No worries, nasa akin ang susi ng garahe. Tumungo ako sa garden at umakyat gamit ang bakod namin. Pagkaakyat ko sa terrace ko kung saan ang kwarto ko ay doon ko lang nakita ang kotse ni Talius na paparating palang. Bigla kumulo ang dugo ko at sinarado ko ang glass window ko at tumungo sa kwarto ko. Ang kapal talaga ng kumag na yun! At siya pa kumuha ng first kiss ko? f**k HIM. _____ Kinabukasan ay bigla ako nagising sa ringtone ng phone ko. Kinuha ko ito habang nakapikit pa mata ko. ["Kee! I have good news to you! May party tayo mamaya! Punta ka dito 6pm okay?"] Bigla naman ako napabangon at napatingin sa paligid. "W-Where?!" ["Sa bahay nila Kenn!"] Sagot ni Lana. Bigla ako natigilan. "Bakit siya nagpaparty?" Tumawa naman sa kabilang linya si Lana. ["Ano ka ba naman Kee! Parang hindi ka kaibigan eh?"] Napakunot noo na ako. "Ano ba kasi iyon?!" Inis na tanong ko. Ang dami pa niya kasi sinasabi eh. ["Birthday niya po ngayon!"] Sarkastikong sagot ni Lana. "Aaah. Ganun ba? Okay..." Sabi ko nalang. Naalala ko kasi ang pinag usapan namin noon ni Kenn. Pagkatapos nun ay halos hindi kami magpansinan nun kaya medyo pansin din ng mga kaibigan namin na may nangyayaring hindi maganda sa amin. ["So pupunta ako sainyo at magshoshopping tayo? Okay?"] "Hindi kasama si Gina?" Tanong ko. ["Hindi daw eh. May dress na daw siya at tutulong daw siya kila Tita mag ayos ng events."] Napatango nalang ako. "Okay, Hintayin nalang kita" Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Naligo na rin ako at nag ayos. Nakasout lang ako ng V neck tshirt at short shorts na nakavans pa. Parang magjojogging lang ako. Bumaba ako at nakita ko si Lee na kumakain habang nagbabasa ng libro. Napairap nalang ako. "Good morning Kambal." "Morning too" Sagot ko sakanya. Napaupo ako at nagsimula kumain. "Where's dad and mom?" Tanong ko habang busy na kumakain. "Hospital." Napatango nalang ako. Napatingin ako sa libro na binabasa ni Lee. It's anatomy thingy. Napabuntong hininga nalang ako habang napapailing. Halos lahat kami ay hindi mawawala sa amin ang pagiging doctor o medisina. Kahit ako rin ay kukunin kong kurso ay medicine. Pero paano yan? Isa akong bobo at walang alam kundi maging pabigat kina mommy. Nakakahiya nga kasi ako na nga yung walang maiutulong pero ako pa itong nagiging pabigat pa sakanila. "Oo nga pala Kee, Ginagalaw ka ba ng kambal Lopez na yun?" Tanong agad saakin ni Lee. Umiling lang ako bilang sagot. Naalala ko tuloy ang panghahalik saakin ni Talius. Tsk, Ayaw kong isipin iyon dahil baka masira pa ang araw ko ng dahil sa halik na yun. "That's good. Pinagsabihan ko rin ang dalawang iyon na iwasan ka." Sabi ni Lee at tumingin sa kin. "Mukha ka kasing takot na takot ka nun at ayaw kong makita kang ganun." Dagdag pa ni Lee. Napailing nalang ako sa halip na ngumiti. Pero sa totoo nagpapasalamat ako na andyan si Lee para bantayan ako at protektahan. Siguro nga minsan nagiging masama ako sakanya pero mahal ko naman ang kambal ko kaya okay lang. Natapos kami na kumakain at nagpaalam na rin ako ako kay Lee na pupunta rito si Lana. At speaking of Lana ay nandito na nga siya. "Hi Lee! Good morning." Bati ni Lana kay Lee. Ngumiti lang si Lee kay Lana at sumagot rin. "Hihiramin ko sana kambal mo. Pwede ba?" Nakangising tanong ni Lana. "Sure!" Napairap nalang ako at hinila si Lana. "Bakit kailangan mo pa magpaalam ah?" Tanong ko sakanya. "Wala eh. Ang gwapo lang ng kambal mo." Sabi niya sabay kagat ng labi niya at pinungay pa nito ang mga mata. Hinampas ko naman siya. "Ang landi mo!" "Uy hindi ah! Sadyang kaakit akit talaga siya." Malanding dagdag pa niya. "Walang hiya.." Bulong ko nalang. Grabe rin ang kaharutan nito nuh? Susko. Pinaandar ko na ang kotse ko at bigla kami napadaan sa bahay ng mga lopez kung saan ko natanaw si Gabriel na may kausap na magandang babae sa harap ng bahay nila. Parang nanigas ang mga daliri ko sa nakita ko at napakagat sa labi. Parang may tumusok na kung ano sa kalooban ko. Parang ang bigat. ________ Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD