Chapter 28 ENRICO Sinundo ako ni Manong Lito sa mansion nang makausap ko siya. Dali-dali na akong sumakay sa sasakyan na dina-drive ni Manong. Nagtungo na kami sa paaralan ni Ruby Rose, dito lang pala siya sa malapit nag-enroll. Hindi pa labasan ng mga estudyante at sabi ni Manong Lito, dito sa parking area na ito siya naghihintay kay Ruby Rose. Hindi na ako bumaba sa sasakyan at gusto ko surpresahin si Ruby Rose. Ilang minuto pa ang lumipas sinabihan na ako ni Manong na lumabas na ang mga kaklase ni Ruby Rose. Tinanong ko si Manong kung saan ang silid ni Ruby Rose at itinuro niya naman ito sa akin tanaw kasi ang silid ni Ruby Rose sa puwesto namin ni Manong. “Manong, bakit puro lalake ang lumalabas sa silid na iyan? Sigurado ka ba na ‘yan ang silid ni Ruby Rose?’’ nagtataka kong tano