Chapter 13 RUBYROSE Hindi ko sukat akalain na sa pagmamagandang loob ko kay Ma’am Stella, nalagay sa piligro ang trabaho ko. Galit na galit si Sir sa akin. Hindi ko naman inaasahan na magagalit siya na sinamahan ko si Ma’am Stella sa pag-swimming. Firs time kong maligo sa swimming pool at akala ko pagkakataon ko na makaligo sa ganoong paliguan. Ang ibinigay na swimsuit sa akin ni Ma’am Stella, ang isinuot ko. Nagagandahan nga siya sa akin, pero ang akala ko may kapangyarihan siya sa bahay na ito dahil girlfriend naman siya ni Sir. Matapos sabihin ni Sir na pinapalayas niya ako sa bahay niya hindi ko alam kung susundin ko ba ang utos niya. Saan naman ako pupunta kung aalis ako rito? Wala na rin si Tita at si Papa may kinakaharap pang malaking problema. Nang umalis si Sir kasama si Ma’am