Chapter 21 RUBY ROSE Hindi na muna ako pumasok kinabukasan sa pangalawang subject ko dahil nagtungo ako sa banko para ideposito ang pera sa aming account ni Papa. Baka mamaya lalo pang tumaas ang pera na hihingiin sa akin ng mga taong pinagkautangan niya. Wala na akong magawa kundi ibigay sa kanila ang hinihingi nila. Matapos kong mag-deposito ng pera ay tinawagan ko ang number ng taong pinagkakautangan ni Papa. Agad din naman nito sinagotb ang tawag ko. “Ano na, Miss? Nahulog mo na ba ang pera?’’ agad na tanong sa akin ng lalakie. “Oo, sabihin mo kay Papa na puwede niya na ma-widraw ang pera sa banko. Siguraduhin niyo lang na pakawalan ninyo si Papa at hindi ninyo siya sasaktan,” paninigurado kong sabi sa lalaki na kausap ko sa kabilang linya. “Walang problema basta kompleto ang per