Chapter 58

2031 Words
Ang Pagbabalik ni Jehnny? . . Christian's Point of View Makalipas ang ilang ulit pang ikot ay nag sisimula ng bumagal ang aking pag takbo dahil nag uumpisa na akong makaramdam ng pagod. Nag sisimula na rin akong mauhaaw dahil sa dami ng pangis na lumalabas sa akin. Nanginginig na rin ang aking mga binti dahil sa tagal ng aking pag takbo. Gusto ko na tumigil pero ang layo ko pa target ko na ikot. Nakaka dalawang ikot pa lang ako ng bigla akong bumagsak sa sahid dahil sa sobrang pagod. Halos habulin ki na ang aking pag hinga dahil nauubusan na ako ng hangin pati na rin ng tubig sa akin katawan. Agad naman nilang pinahupa ang apoy na pader at agad akong nilapitan nila Chichi at Akwa upang bigyan ng tubig at malapatan ako ng lunas dahil kanina ay nag tamo ako ng mga ilang paso sa akin ilang parte ng akin katawan dahil sa pagod na ako kanina at napapalapit ako sa apoy na pader. Agad akong binigyan ni Akwa ng bolang tubig na maaaring inumin at inilapit ito sa aking bibig, bahagya niya akong ibinangon upang mainom ko ito. Habang gamit ang mga bulalak na nag mumula sa mga halaman ni Chichi ay nilalagyan niya ng lunas ang mga paso sa kanyang katawan. "Hindi na rin masama para sa unang pag subok na matapos ang isang libong ikot." Malamig na wika ni Freya sa akin. Napatingin naman ng masama si Chichi kay Freya dahil sa inasal nito. "Maging maingat ka naman sa kanya Freya, sinasanay natin siya hindi pinapahirapan," Kahit na mahihin ang pag kakawika nito ay halata ang galit ni Chichi. Napabuntong hininga lang si Freya at saka tumalikod. "O-okay lang ako Chichi, wala lang to." Nanghihingan tugon ko kay Chichi, nag buntong hininga lang din si Chichi at tinuloy ang pag gagamot sa akin. Nang bumalik na ang aking lakas ay muling sinubukan ang pag takbo sa loob ng pader na apoy, ngunit ngayon ay sinubukan ko ang kapangyarihan na natutunan ko mula kay Sage, unti- unting lumabas ang malamig na usok na nag mumula sa akin paanan at nag  sisimula na akong nakaramdam ng lamig sa aking  paligid. Nagsimula na akong tumakbo ng ilan pang ulit. Siguro kahit opapano ay maging epektibo ang pag gamit ki ng ice smoke habang tumatakbo sa pader na apoy dahil kahit papano ay nakaabot ako ng limang daang ikot. Nang muli na akong makabawi ng lakas ay muli kong sinubukan ngunit sa pag kakataon na ito ay mas pinalakas ko pa ang ice smoke, mas makapal ang naging usok na bumalot sa akin buong katawan kayaa naman mas malamig ito sa pakiramdam. Ika-labing tatlong subok ko ay nakaabot na ako ng pitong daan na ikot, konti na lang ay maabot ko na ang isang libong ikot. Mas lalo ko pang pinakapal ang ice smoke na tila na naging solid na ito dahil sa kapal. Ngunit ng makaabot ng ako ng siyan na raang ikot ay napansin kong mas lumaki pa ang apoy ng pader. Napatingin ako kay Freya nasa itaas, nakangiti ito ay tila nasisiyahan sa kanyang nakikita.  Gusto niya makipag laro, muli kong kinapalan ang ice smoke na bumabalot sa akin dahil unti-unti itong natutunaw. Nang malapit na ako makaabot ng Isang libong ikot at napansin kong may humahabol na sa akin na tila pader na apoy ngunit gumagalaw ito at tila hinahabol ako nito, hindi ako nag padaig sa mga ginagawa na pahirap ni Freya dahil pag katapos ng ilang ulit ay natapos ko ang pinapagawa niya. Pagod na pagod akong humiga sa may lapag  habang hinahabol ang aking hininga. "Mukhang handa ka na para harapin ang pag subok ko para sa iyo." Wika ni  Freya ng makalapit na siya sa akin. Nilingon ko siya at nag tatakang tiningnan. "A-ayon na yun?" Halos na hihirapan kong sabi dahil hindi pa rin ako makahinga ng maayos. "Oo, bakit may inaasahan ka pa ba?" Mayabang na tanong niya sa akin. Bigla ako nakaramdam ng pag kapagod dahil pakiramdam ko ay ang laking pag subok na ang nalagpasan ko. Huminga ako ng malalim upnag bahagya kong mahabol ang aking hininga. "Mag pahinga ka na muna dahil sa mga susunod na araw ay susubukin na kita kung karapat-dapat ka ba talaga sa hiyas ng apoy." Napangiti na lang ako dahil kanyang simabi. Wala akong pakialam kung nasa sahig ako nakahiga, basta ko na lang ipinikit ang aking mga mata dahil sobrang pagod na talaga ako. Ang huli kong nakita bago ko ipikit ang aking mga mata ay ang mag aalalaang mga mata ni Freya na nakatingin sa akin. "Pasensya ka na masyado yata kitang napahirapan." Nakangiting wika ni Freya sa akin. Napangiti lang ako at saka ipinikit ang aking mga mata upang mag pahinga. . . "Mahal ko, gising na," Bakit naririnig ko ang boses niya? "Ang lalim na ng tulog mo Mahal ko," Nanaginip yata ako. "Ace ano ba kasing ginawa niyo kay Christian, mukhang pagod na pagod siya!?" Napaka-ingay naman nila, nakakaistorbo sila. "Nag sanay siya para sa pag subok ni Freya," Sino ba ang pinag uusapan nila? At sino ba ang mga ',to? Dahan-dahan kong pinulat ako ang aking mga mata. "Gising na pala siya," Pag dilat ko ng aking mga mata ay agad kong nakita si Ace na nakatayo sa tabi ng aking kama. Tila asar ang itsura niya. Bakit kaya? Nadako naman ang aking paningin sa babaeng nakaupo sa tabi ng akin kama. Agad akong napabalikwas ng makita ko ang babaeng nasa aking tabi. Agad akong tumalon paalis ng aking kamay upang lumayo sa kanya. "Jehnny?" Gulat na tanong ko sa kanya. " Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti lang ito at saka lumipad palapit sa akin at saka ako niyakap. Napatingin ako kay Ace dahil nag tataka ako kung bakit niya hinahayaang makalapit sa sa akin si Jehnny. "Wala ka daapt ika takot Christ dahil ang Jehnny na nasa harap mo ay ang totoong Jehnny na," Wika ni Ace sabay upo sa may kama. "Anong ibig mong sabihing totoong Jehnny?" Tanong ko sa kanya habang pilit na inilalayo si Jehnny sa pag kakayakap sa akin. "Napag alaman namin na ang Jehnny na nag dala sayo dito ay ang clone na ginawa ng mga tauhan ni Taitus upang tapusin ka," Paliwanag ni Ace sa akin. Clone lang? Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Marahas kong itinulak si Jehnny kaya naman napaupo siya sa may kama. Bahagya naman itong napa aray dahil laks ng pag kakatulak ko sa kanya. Nilingon ko si Ace,mukha namang seryoso ang sinasabi niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay pano siya nakakasigurado na ang jehnny na nasa harapn namin ay ang totoong Jehnny na talaga. "Hindi kita maintindihan Ace," Bahagya muna akong huminga dahil nag sisimula na namang maguluhan ang aking utak. " Ang sinasabi mo ay ang kasama kong Jehnny noon ay isa lang clone at ang nasa harapan ko ay ang totoo?" Pag uulit ko sa mga sina bi niya. Tumango naman siya at saka tumingin sa aking mga mata. "Oo, ayun nga ang gusto kong sabihin sayo." Tugon niya sa akin. Bahagya akong napakmot sa ulo at napatingin sa Jehnny na nasa harapan ko na nakangiti sa akin habang nakatingin. "Pano ka naman nakakasigurado na ito nga si Jehnny?" Muli kong tanong sa kanya. Sandali siyang natahimik at ngumti. Hindi ko na naman alama ang nngyayari. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi ni Ace o Hindi. Ang Mas na bubuong tanong sa aking isipan ay , may mapag kakatiwalan pa ba ako? kasi hindi ko na alam kung may dapat pa ba akong pag katiwalaan dahil sobra na kong naguguluhan, sobra ng nalilito ang isip at hindi na kung ang pag kakatiwalaan. " Sagutin mo ako Ace." Malamig na wika ko sa kanya. Napabuntong hininga si Ace at saka ako nilapitan. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking mga balikat. "Alam kong naguguluhan na ang utak mo sa nangyayri Christ pero sana mag tiwala ka lang sa amin." Marahang wika ni Ace sa akin. Sandali ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata at umaasang mababasa ko ang kanyang isipan, ngunit blanko ito kaya hindi ko malaman kung totoo ba ang mga sinasab niya. MArahas kong hinawi ang kanyang mga kamay at tiningnan si Jehnny. Nanatiling nakangiti ito habang pinag mamasdan ako, siya ba talaga ang tunay na Jehnny? Ang hirap kasing maniwalaan. Nang dahil sa inis na aking nararamdaman ay napasabunot na lamang ako sa aking buhok at napaupo sa sahig. Sobraang gulo na ng utak ko , wala na akong naiintidihan sa mga sinasabi ni Ace. Gusto ko maniwala tulad ng gusto ni Ace pero hindi ko magawa dahil wala akong maisip na rason para mag tiwala sa kanya. Lalo na kay Jehnny. Sinabi niya rin noon na mag tiwala ako sa kanya pero ang rason ko para mag tiwala ako ay siya rin palang sisira sa tiwala ko. Lahat ng sinabi ni Jehnny noon ay parte lang pala ng isang palabas. Pinaniwala niya ako upang pabagsakin. Ngayon ay sinasabi ni Ace na ang Jehnny na nakasama ko noon ay hindi totoo at isa lang pala itong clone? Pero hindi masagot ni Ace ang tanong ko n kung sigurado ba siya sa sinasabi niya , ang gusto niya lang ay ang mag tiwala ako sa kanya. Sobrang gulo na, hindi ko na alam kung ano ang dapat ko pang maramdaman dahil maski ang damdamin ko ay naguguluhan na rin. GUsto kong mag tiwala pero baka sa uli hindi rin pala ito totoo, baka lalo lang gumulo ang lahat. Muli akong napalingon kanila Ace at Jehnny. Pareho na silang nag aalala sa akin. Bigla ko naman naalala ang sinabi sa akin noon ni Lancelot, ang lalaking dapat mag tuturo sa akin kung paano gumamit ng espada. Naalala ko ang mga sinabi niya na may rason kung bakit nag tatago ng sekreto ang mga tao, pwede ang dahilan nito ay nakakabuti rin sa atin kaya dapat mag tiwala lang. Pwede kaya na hindi sinasabi sa akin ni Ace kung ano ang basihan niya na totoo talaga si Jehnny dahil pinoprotekhan niya lang ang damdamin ko? Napatingin ako kay Ace, Na kasalukyang nangiti sa akin. Tama ba ako ng hinala sa dahilan ni Ace? Napatingin naman ako kay Jehnny na nangingiti. Kung clone niya ang nakasama ko noong nakaraan lang ay para na ring siya yun. Nandun pa rin ang damdamdamin niya, ang pag mamahal niya sa akin. Kahit na naging kasangkapan siya ni Taitus nandun pa rin yung damdamiin niya, gusto niya lang akong protektahan, hindi niya ako nililihis ng landas dahil sinusubuka niya pa ring palakasin ako na lingid sa kaalaman ni Taitus. Unti-unti ay nalilinawan ang aking isipan. Bahagya ring nawala ang galit na naramdaman ko noon kay Jehnny sa nagawa niya sa akin dahil alam ko na ginaw niya ang lahat ng yun para protektahan ako kahit na siya lang ang clone ni Jehnny at inaalala lang ako ni Ace kaya hindi niya muna sa akin sinabi ang tungkol sa pag kakaroon ng clone ni Jehnny dahil alam niya na mas lalo lang akong magugulahan. Iniisip lang nila ang kapakanan ko kaya nila nagagawang mag lihim at mag tago sa akin ng isang bagay. Siguro niya ay masama mag tago ng isang sekreto pero kung ito naman ang makakabuti sa lahat. Nauuna lang ang galit na nararamdaman natin kaya hindi natin nakikita ang kasagutan. Kahit papano ay naliwanagan na ko. Huminga ako ng maalalim at bahagyang ipinikit ang aking mata. Pinakalma ko ng tuluyan ang aking isipan upang makapag isip ako ng mabuti. Oo, medyo naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, pero sana unti-unti ay maintindihan ko na ang lahat ng ito. Marami pa akong gusto malaman kaya hindi dapat ako basta-basta nag papaepekto sa ganitong sitwasyon dahil hindi ko alam kung ano mga malalaman ko. Gusto ko kapag dumating na yung oras na masasagot na ang lahat ay kalmado lang ang isip at puso ko. Pipilitin kong huwag unahin ang galit upang makapag isip akong ng mabuti at maayos. Pag dilat ko ng aking mga mata, nagulat na lang ako ng bigla muli akong yakapin ni Jehnny sabay bulog; "Nakapasa ka sa pag subok,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD