Chapter 57

3087 Words
Ang Muling Pagsasanay . . Christian's Point of View Pinaragasa ko ang katamtamang lamig ng tubig sa aking katawan. Muli kong naalala ang mga sinabi ni Sage sa akin at napatingin sa aking kanang kamay. Pano ko naman gagawin ang pinapagawa niya sa akin ? Ni hindi ko nga alam kung bakit nag karoon. Ng itim na hiyas sa aking crest dahil hindi ko naman iti nakikita. Hindi ko rin napansin na may kontroladi na pala si Jehnny at ang mga kaibigan ko ng kasamaan. Naging bulag pala ako. Dahil sa sobrang inis ko sa aking sarili ay nasuntok ki ang pader sa aking banyo, nagulat ako ng makagawa ito ng malaking crack. Napatingin ako sa aking kamay, mukhang ito na yung pinahiram sa akin ni Sage na kapangyarihan. Napangiti ako dahil dito. Agad kong tinapos ang aking pag ligo at agad na nag bihis muli ng aking uniporme. Bago ako lumabas ng pinto ay sinigurado ko na wala na yung hindi nakikitang pader dahil baka mauntog na naman ako. Tumungo na ako  sa hapag kainan at umupo. Ramdam ko na ang sobrang pag kagutom ko, mukhang hindi ako kumain kagabi. "Ayan marami akong inihanda na pagkain para sayo dahil hindi ka kumain kagabi dahil pag katapos ng klase nating kay Lady Freya ay nag paalam ka ng babalik ka sa kwarto natin at simula nun ay hindi ka na lumabas ng kwarto mo at nag lagay ka pa ng panangga na hindi basta-basta nasisira para hindi kamaistorbo." Bago ako sumubo ay napatingin ako kay Dale. Mukhang ginawa ni Sage yun para protektahan ako. "Ah Ganun ba?" Tugon ko sabay subo ng pagkain. Buti na lang ay magaling mag luto si Dale kaya naman hindi ako mamomblema sa pagkain. Umupi na rin sa aking tabi si Dale upang mag simulang kumain. "Nag luto ako ng isda, pamalit sa karne ng hayop dahil pinag babawal pa ito sa linggo ng oag aayuno, " Wika ni Dale sabay subo ng parang salad. " Kahapon ka pa kasi nag hahanap ng karne." Dugtong pa niya. Mahilig pala sa karne si Sage. Ano kaya ang pinag gagawa niya habang wala ako? Sana naman ay hindi siya gumawa ng kalokohan kahapon, nag aalala lang ako dahil ang weird ko lang kahapon. "Dale?" Tawga ko sa kanya, napatigil naman siya sa kanyang pagkain at saka lumingon sa akin. "Bakit?" Tugon niya sabay nguya ng salad. "May nagawa ba akong kakaiba sayo kahapon?" Tanong ko sa kanya. Sandali naman siyang napatigil at na paisip. Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot. "Wala naman," Tugon niya sa akin." Bakit?" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa kanyang sinabi. Umiling lang ako at muling sumubo ng pagkain. "Wala naman." Tugon ko at saka kumuha ng lutong isda, pagsubi ki nito ay lasa itong karne ng baboy ngunit isa itong isda. "Specialtty ko yan bilang isang Guardian of Water." Proud na wika ni Dale sabay subo muli ng salad. Sa totoo lang nag mumukhang kambing siya dahil sa kinakain niya. "Ganun?" Tugon ko at muling sumubo. "Masarap siya lasang karne siya ng baboy." Napangiti naman si Dale na abot tenga. "Talaga?" Hindi nakapaniwalang tanong niya, tumango naman ako bilang sagot at muling sumubo nito. " Buti nagustuhan mo." Ngumiti naman ako at saka muling kumain. Pagkatapos namin ni Dale ay agad akong nag paalam sa kanya na mauuna dahil may kaylangan akong asikasohin. Tumango lang ito at ngumiti dahil sa kapangyarihan niyang tubig ay madali niya lang malilinis ang aming pinag kainan. Nag pasalamat naman ako at tumungo na sa aking pupuntahan. Nag lakad na ako patungo sa opisina ni Ace. Habang nag lalakad ako ay naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante tungkol sa akin. "Di ba siya yung kahapon?" "Oo siya nga, " "Grabe medyo nakakatakot siya pero ang lakas niya at gwapo pa." Ilan lang yan sa mga sinasabi nila. Mukhang gumawa ng eksena si Sage kahapon. Nakakahiya naman dahil habang nag lalakad ako ay nakatingin sila sa akin. Teka, hindi ba't ganito rin noong nasa mundo oa ako ng mga tao. Dahil sa hinahangaan ako ng mga school mate ko ay madalas din akong pinag titinginan noon. Hindi ko lang alam kung bakit parang nakakahiya na ngayon at nakakailang. Binilisan ko na lang ang aking paglalakd upang makarating agad ako sa opisina ni Ace, hindi ko kasi pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko bilang itinakda kaya kaylangan ko mag lakad ng malayo para makarating doon. Pag karating ko sa kanyang opisina ay agad siya ang bumungad. Nakangiti ito habang naka upo sa kanya upuan. "Gising ka na pala... Christian," Ngiting wika sa akin ni Ace. Ngumiti lang ako pabalik sa kanya at umupo sa upuang nasa harapan niya. "Siguro naman nag kakilala at nag kausap na kayo ni Sage?" Serysong tanong niya sa akin. Tumango ako at tiningnan ang aking kanang kamay. "Oo sinabi niya sa akin ang lahat." Tugon ko sa kanya, habang tinitingnan ang aking kananga kamay.  "Alin dun?" Tanong sa akin ni Ace. Nilingon ko siya at seryosong tiningnan. "Mula doon sa mga pag subok na tatanggap ko, sa mga dapat kong lagpasan ang mga katangian ng mga hiyas, ang itim na hiyas sa aking kamay, at pati na rin ang tungkol kay Jehnny." Tugon ko sa kanya. Napataas naman ng kilay si Ace. "Anong sinabi niya tungkol kay Jehnny?" Tanong sa akin ni Ace sa akin. "Sabi ni Sage ay kontrolado ni Taitus ang isipan ni Jehnny kaya naman nagawa niya akong iligaw at pati ang mga kaibigan ko ay kontrolado niya," Tugon ko sa kanya, nag buntong hininga muna ako bago muling mag salita. "Ang sabi pa niya ay kaylangan kong gumawa ng paraan para maalis ang nababalot na kadiliman kay Jehnny at sa mga kaibigan ko." Bahagya akong napapikit at muling huminga. "Dagdag pa niya ay kaylangan ko ng mag handa at palakasin ang aking katawan at kapangyarihan sa oras na dumating si Jehnny." Dagdag ko sa akig sinabi. Napangiti naman si Ace at saka tumayo sa kanyang kinauupuan. Pumunta ito sa bintana na nasa kanyang opisima at tumingin dito. "Handa ka na ba para sa totoo mong pag sasanay mahal na itinakda?" Tanong nita sa akin habang nakatalikod sa akin. Huminga ako ng malalim at tumayo. "Oo handa na ako." Buong kompyansa kong wika kay Ace. Lumingon sa akin si Ace at  ngumiti ng malaki. "Sige mag simula na tayo.." Wika niya at lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kanang balikat at pumikit. Sa isang idlap ay napunta na kami sa isang malaking kwarto na tangi poste lang ang mga nakikita. Napatingin ako sa buong paligid dahil hindi ko pa nakikita ang lugar na ito dati. Napansin ko na may mga marka ng mga parang hiwa ang mga pader ngunit higit na mas malaki ito kung sa malapitan. Para bang may humiwa dito na isang malaki at matulis na bagay para mag ka ganito ito. Siguro ay sobrang tibay ng gusaling ito dahil kahit marami na ang mga hiwa at halos mawasak na ang mga pader ay hindi pa rin ito gumuguho. "Ito ang naging training room ng lolo mo dati noong kapanahonan pa niya,"  Wika ni Ace sa akin at pinag masdan din ang buong paligid. " Makikita mo sa bawat pader ang marka ng pag hihirap ng iyong lolo sa kanyang pag sasanay."  Kita sa mga mata ni Ace na inaalala niya ang nakaraaan kung saan si Lolo pa ang sinasanay nila. Napangiti ako dahil ramdam ko ang presensya ng lolo ko dito sa kwartong ito, pakiramdam ko ay ginagabayan ako ni lolo ngayon. Muli kong pinag masdan ang buong paligid, at dahan- dahamg nilibot ito. Pinuntahan ko ang bawat marka ng mga parang espada sa mga pader at hinawakan ito. Bawat hiwa sa pader ay iba-iba may mababaw at ang iba naman ay malalim, may malaki at meron din namang maliliit. Meron din mga hiwa sa kisame at meron din hiwa sa sahig. Sobrang hirap din siguro ng pinag daanan ni Lolo ng mapunta siya dito at mag simula siyamg mag sanay. Nilapitan ko ang isa sa pinaka malalim na hiwa dito sa buong kwarto. Hinawakan ko ito at nilapat ang aking noo. "Lolo gabayan niyo po ako." Pabulong na wika ko doon sa may hiwa. Hindi ko alam kung naririnig niya ako pero sana nga talaga at naririnig niya ako kung na saan man siya ngayon. "Nandito na pala kayong dalawa," Nagulat ako ng may bigla sumigaw sa loob ng kwarto ito. Ngayon ko lang napansin na wala ditong bintana o pintuan man lang. "Mag sisimula na ba tayo?" Si Freya pala yung sumisigaw. Napaka ingay niya talaga. Napalingon siya sa akin at napangiti. Lumapit ako sa kanila. Nandito pala silang apat, si Freya, Chichi, Akwaa at syempre si Ace. Tumayo silang lahat sa aking harapan. "Handa ka na bang mag sanay huh, Christ?" Mahinahon na wika ni Chichi sa akin, Tumango naman ako at huminga ng malalim. "Oo handa na ako," Buong loob kong wika sa kanila. Lahat sila ay ngumiti at tiningnan ako. Tumabi muna sila Akwa, Chichi at Ace, at ang natira na lang sa aking harapan ay si Freya na hawak ang kanyang nag aapoy na latigo at nakalagay ang kanyang kaliawang kamay sa kanyang bewang, pati ang kanyang buhok ay nag aapoy na rin, galit ba siya ? O sadyang excited lang dahil ngiting- ngiti siya sa akin. Napalunok ako dahil mukhang hindi maganda ang mangyayari kung si Freya ang unang mag sasanay sa akin. "Humanda ka na mahal na itinakda dahil ang unang mag sasanay sayo dahil ako rin ang susubok sa kakayahan mo," Wika niya sa akin sabay hagupit ng kanyang latigo. Nagulat naman ako kaya naman napatayo ako ng deretsyo. " At para sa una mong pag sasanay, dapat nating palakasin ang iyong pangangatawan upang makontrol mo ang iyong kapangyarihan at hindu agad mapagod ang iyong katawan sa tuwing gagamitin mo ito," Huminga ng malalim si Freya at bigla siyang lumutang sa ere. Muli niyang hinagupit ang kanyang latigo at bigla namang nag amoy ang paligid ng buong kwarto. Napatingin ako sa buong paligi dahil na papalibutan ito ng apoy, ang mga guardian ay nakalutang na sa ere upang hindi sila mapaso sa dalang apoy ni Freya. "Kaylangan mong takbuhin ang paikot ng buong kwartong ito ng isang libong ulit para sa una mong pag sasanay, " Wika ni Freya habang tinuro ang buong kwarto, nanlaki naman ang aking mga mata. Dahil sa kanyang sinabi. "Ano? Papatakbuhin mo ko ng isang libong beses sa kwarto ito? Eh sa laki nito baka bago ko pa mabuo ang isanh libong ikot ay patay na ako!"  Bulyaw ko sa kanya. Naningkit naman ang kanya mga mata at muling hinagupit ang kanyamg latigo. "Bakit ka nag rereklamo? Hindi ba't gusto mo lumakas para mapag higante mo ang iyong lolo?" Bulyaw niya pabalik sa akin. Teka pano niya nalaamn yun? "Oo gusto kong lumakas, pero hindi sa ganitong paraan!" Pinilit kong mag patigas sa kanya upang mapilitan siyang baguhin ang pag sasanay niya sa akin. "Walang ibang paraan Christian! Walang madaling paraan kung yan ang iniisip mo!" Muli niyang bulyaw sa akin, kita mo na sa kanyang mga mata ang galit at inis niya sa akin dahil sa pag mamatigas ko. " Kung gusto mo maging malakas, dapat mong pag hirapan yun!"  Bigla akong natahimik sa kanyang mga sinabi. Napayuko ako at napakagat ng aking ibabang labi. Tama naman siya sa sinabi niya sa akin. Hindi dapat ako mag reklamo, dahil alam ko noong si Lolo ang nasa posisyon ko ay hindi siya nag reklamo kaylan man. "Pasensya na," Mahinang wika ki habang nanatiling nakayuko ang aking ulo. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Freya kaya naman napatingala ako at napatingin sa kanya. "Wala yun, alam ko namang nahihirapan ka sa sitwasyon mo, pero dapat mag tiyaga ka lang, " Mahinahon na wika sa akin ni Freya. " Para sa iyo din naman ang ginagawa namin." Dugtong pa niya at muling nag buntong hininga. Napatitig ako sa kanya. Para siyang nanay ko na pag katapos akong pagalitam ay mahinahon niya akong pinag sasabihin. "Opo nanay," Pabiro kong wika sa kanaya upang gumaan ang sitwasyon. "Yan ganyang dapat, makinig ka sa nan--- Teka anong sabi mo!?" Bigla na naman siyang nag aapoy sa galit. Literal na nag aapoy sa galit. "Mukha ba akong nanay sayo huh!? Hindi pa ako ganun katanda!" Bulyaw niya sa akin. "Bakit ilang taon ka na ba??" Tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang mapatigil at biglang napaisip. Hindi ko sigurado kung tanda niya pa kung ilang taon na siya pero siguro naman ay hindi na niya ito tanda dahil sa tagal na niya dito.  "Hindi na mahalaga yun!" Bulyaw niya sa akin ng muli niya akong harapin, muli niya lang hinagupit ang kanyang latigo at bigla namang nag karoon ng pader na apoy sa akin unahan, kaya naman bahagya akong napaatras. "Para siguradong hindi ka mandaraya at alam mo kung paanong ikot ang gagawin mo, " Wika ni Freya , kita ko ang pagiging pader ng mga apot sa aking mag kabilang gilid kaya naman hindi ako mamakalabas ng parang maze na ito hanggang hindi ko pa natatapos ang isang libong ikot. Sana lang ay kayanin ko, sobrang laki kasi talaga ng kwartong ito para libutin ng ilang libong ulit. Siguro mauubusan ka na ng hininga bago mo pa matapos ito. "Takbo!" Kasabay ng pag sigaw ni Freya ay hinagupit niya muli ang kanyang latigo.  Kaya naman agad akong napatakbo ng wala sa oras. Nag sisimula pa lang ako ay ramdama ko na ang init ng buong paligid dahil sa apoy na nakaharang sa mag kabilang gilid. Nakakailang ikot pa lang ako ay pinag papawisan na ako ng grabe dahil sa sobrang init. Balak yata talaga akong patayin ni Freya nito dahil hindi ako sa pagod mamamtay nito kundi sa kawalan ng tubig sa aking katawan dahil init na nag mumula sa kanyang apoy.  Makalipas ang ilang ulit pang ikot ay nag sisimula ng bumagal ang aking pag takbo dahil nag uumpisa na akong makaramdam ng pagod. Nag sisimula na rin akong mauhaaw dahil sa dami ng pangis na lumalabas sa akin. Nanginginig na rin ang aking mga binti dahil sa tagal ng aking pag takbo. Gusto ko na tumigil pero ang layo ko pa target ko na ikot. Nakaka dalawang ikot pa lang ako ng bigla akong bumagsak sa sahid dahil sa sobrang pagod. Halos habulin ki na ang aking pag hinga dahil nauubusan na ako ng hangin pati na rin ng tubig sa akin katawan. Agad naman nilang pinahupa ang apoy na pader at agad akong nilapitan nila Chichi at Akwa upang bigyan ng tubig at malapatan ako ng lunas dahil kanina ay nag tamo ako ng mga ilang paso sa akin ilang parte ng akin katawan dahil sa pagod na ako kanina at napapalapit ako sa apoy na pader. Agad akong binigyan ni Akwa ng bolang tubig na maaaring inumin at inilapit ito sa aking bibig, bahagya niya akong ibinangon upang mainom ko ito. Habang gamit ang mga bulalak na nag mumula sa mga halaman ni Chichi ay nilalagyan niya ng lunas ang mga paso sa kanyang katawan. "Hindi na rin masama para sa unang pag subok na matapos ang isang libong ikot." Malamig na wika ni Freya sa akin. Napatingin naman ng masama si Chichi kay Freya dahil sa inasal nito. "Maging maingat ka naman sa kanya Freya, sinasanay natin siya hindi pinapahirapan," Kahit na mahihin ang pag kakawika nito ay halata ang galit ni Chichi. Napabuntong hininga lang si Freya at saka tumalikod. "O-okay lang ako Chichi, wala lang to." Nanghihingan tugon ko kay Chichi, nag buntong hininga lang din si Chichi at tinuloy ang pag gagamot sa akin. Nang bumalik na ang aking lakas ay muling sinubukan ang pag takbo sa loob ng pader na apoy, ngunit ngayon ay sinubukan ko ang kapangyarihan na natutunan ko mula kay Sage, unti- unting lumabas ang malamig na usok na nag mumula sa akin paanan at nag  sisimula na akong nakaramdam ng lamig sa aking  paligid. Nagsimula na akong tumakbo ng ilan pang ulit. Siguro kahit opapano ay maging epektibo ang pag gamit ki ng ice smoke habang tumatakbo sa pader na apoy dahil kahit papano ay nakaabot ako ng limang daang ikot. Nang muli na akong makabawi ng lakas ay muli kong sinubukan ngunit sa pag kakataon na ito ay mas pinalakas ko pa ang ice smoke, mas makapal ang naging usok na bumalot sa akin buong katawan kayaa naman mas malamig ito sa pakiramdam. Ika-labing tatlong subok ko ay nakaabot na ako ng pitong daan na ikot, konti na lang ay maabot ko na ang isang libong ikot. Mas lalo ko pang pinakapal ang ice smoke na tila na naging solid na ito dahil sa kapal. Ngunit ng makaabot ng ako ng siyan na raang ikot ay napansin kong mas lumaki pa ang apoy ng pader. Napatingin ako kay Freya nasa itaas, nakangiti ito ay tila nasisiyahan sa kanyang nakikita.  Gusto niya makipag laro, muli kong kinapalan ang ice smoke na bumabalot sa akin dahil unti-unti itong natutunaw. Nang malapit na ako makaabot ng Isang libong ikot at napansin kong may humahabol na sa akin na tila pader na apoy ngunit gumagalaw ito at tila hinahabol ako nito, hindi ako nag padaig sa mga ginagawa na pahirap ni Freya dahil pag katapos ng ilang ulit ay natapos ko ang pinapagawa niya. Pagod na pagod akong humiga sa may lapag  habang hinahabol ang aking hininga. "Mukhang handa ka na para harapin ang pag subok ko para sa iyo." Wika ni  Freya ng makalapit na siya sa akin. Nilingon ko siya at nag tatakang tiningnan. "A-ayon na yun?" Halos na hihirapan kong sabi dahil hindi pa rin ako makahinga ng maayos. "Oo, bakit may inaasahan ka pa ba?" Mayabang na tanong niya sa akin. Bigla ako nakaramdam ng pag kapagod dahil pakiramdam ko ay ang laking pag subok na ang nalagpasan ko. Huminga ako ng malalim upnag bahagya kong mahabol ang aking hininga. "Mag pahinga ka na muna dahil sa mga susunod na araw ay susubukin na kita kung karapat-dapat ka ba talaga sa hiyas ng apoy." Napangiti na lang ako dahil kanyang simabi. Wala akong pakialam kung nasa sahig ako nakahiga, basta ko na lang ipinikit ang aking mga mata dahil sobrang pagod na talaga ako. Ang huli kong nakita bago ko ipikit ang aking mga mata ay ang mag aalalaang mga mata ni Freya na nakatingin sa akin. "Pasensya ka na masyado yata kitang napahirapan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD