Chapter 41

2363 Words
Meeting Dale . . Christian's Point of View Sandali pa kaming nag lakad sa mahabang pasilyo at bahagyang lumiko at doon ang naging maliwanag ang nilalakaran namin pasilyo. Tumambad sa amin ang isang silid na tila sa isang normal na paaralan lang. May mga upuan at lamesa at meron ding pisara sa may unahan. "Ito ang silid aralan ng mga estudyate ng paaralan, dito hinuhubog ang kanilang interes sa isang bagay upang sa huling taon nila dito ay alam na nila ang kanila patutunguhan." Masiglang wika ni Akwa. Mukhang nag bago ang awra niya at nawala na ang takot na naramdaman niya kani-kanina lang. "Ganun katagal nag aaral dito ang mga multo bago sila makaakyat sa langit?" Tanong ko sa kanya at nilingon ang mga estudyante sa may bintana na nasa labas ng eskwelahan na masayang tumatawa at nag kakatuwaan. "Kung ikukumpara sa oras ng inyong mundo, ay inaabot lang ito ng 40 days o 4 na taon dito sa mundo namin." Paliwanag ni Akwa sa akin. Naalala ko naman ang tinatawag na 40 days sa mundo namin na nag papadasal ang mga kamag anak ng namatay sa sumapit ang ika-40 na araw.  "Ang ibig sabihin ay ganun din ako katagal mag aaral dito?" Tanong ko sa kanya. Lumabas kami sa loob ng paaralan at nag lakad sa isang malaking harden na maraming punong nakapaligid. Bahagyang umiling si Akwa at ngumiti. "Syempre hindi dahil ang tangi mo lang pag aaralan ay kung paano kontrolin ang iyong kapangyarihan at paano ito papalakasin." Muling paliwanag ni Akwa sa akin. Tumango-tango naman ako bilang sagot at tahimik na sumumod sa kanya sa pag lalakad. Ilang sandali lang din ay nakarating na kami sa isang ala-mansyon na gusali. "Nandito na tayo." Wika ni Akwa at saka tumigil sa pag lalakad. Napatigil din ako sa pag lalakad at napalingon sa isang mataas na gusali. Siguro ay nasa sampung palapag din ang taas nito. Kulay brown ito at may mga puno na nakapalibot din.  "Na saan na tayo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tumingala sa may gusali. "Nandito tayo ngayon sa domitory ng mga mag aaral ng Ghost High," Masiglang wika ni Akwa at saka muling nag simulang mag lakad. Sandali siyang tumigil sa kanyang pag lalakad at lumingon sa akin. " Tara, ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo." Tumango ako at saka nag simula na ring maglakad kasunod niya. Pag pasok namin sa gusali ay sumalubong sa amin ang isang babaeng taga bantay. Nag bigay galang ito kat Akwa at ngumiti. "Nandiyan pa ba siya?" Tanong ni Akwa, ngumiti naman ito at tumango. "Opo Sir Akwa." Ngiting sagot ng babae kay Akwa, tumango- tango naman si Akwa at muling nag simulang mag lakad. Sumakay kami sa isang elevator, namangha ako dahil meron din nito sa mundo nila. Pinindot ni Akwa ang numerong 7 na button at nag simula ng umakyat ang elevator. Habang umaakyat kami pataas ay napnsin ko na tanawin sa aming likuran, nilingon ko ito ay namanghan ako sa aking nakita. Isang Sapa! ang sa aking mga mata ay bumihag dahil sa nag niningning na ganda nito. Mukhaitng pamilyar sa akin, pakiramdam ko nakapunta na ako dito dati. "Ayan ang Sapa ng kahapon," BIgla akong napalingon kay AKwa nang bigla itong mag salita. " Kung may gusto kang malaman tungkol sa iyong nakaraan ay maaari mong malaman diyan." Dugtong niya. Muli akong napatingin sa sapa, payapa ito kung titingnan pero bakit wala yatang pumupunta doon. "Bakit parang wala yatang pumupunta doon?" Tanong ko kay Akwa habang pinag mamasdana ang kagandahan sa sapa. "Dahil takot silang malaman kung ano ang meron sa nakaraan nila." Tugon niya sa aakin, Takot malaman? "Bakit naman?" "Sa oras na mamatay ang isang tao ay nawawala na ang ala-ala nito bilang tao, kaya naman karamihan sa mga mag aaral dito ay gusto nilang malaman ang nakaraan nila ngunit karamihan nga sa kanila ay may mapait na ala-ala na pinag sisisihan nilang hindi na sana nila nalaman muli, kaya naman kinakatakutan nna ng mga mag aaral na puntahan ang sapang yan, may ilan-ilan pa rin namang pumunta pero bihira makita," Mahabang paliwanag ni Akwa sa akin. Sakto namang tumunog ang elevator at nag bukas na ang pintuan nito. Nandito na pala kami. Muli kong sinulyapan ang sapa sa huling pag kakataon dahil parang may nakita ako doon. Siguro ay guni-guni o lang yun. "Pwede mo naman puntahn ang sapa kahit anong oras kaya hindi mo kaylangan mangulila sa ganda niyan, " Napangiti ako dahil sa sinabi ni Akwa , tama nga naman siya. "Halika na hinihintay na tayo ng magiging kasama mo sa iyong kwarto." Bago ko siya lingunin ay nag buntong hininga muna ako at sak tumango. Muli kaming nag lakad patungo sa aking magiging kwarto. Ano kayang klaseng multo ang makakasama ko sa magiging kwarto ko? Hindi ko pa pala natatanong kay Akwa kung babae o lalaki ang magiging kasama ko sa kwarto pero siguro naman ay lalaki ito. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tapat ng pintuan ng kwarto. Sa itaas ng pintuan ay may nakasulat na numerong '777' at sa ibabang bahagi nito ay may mga pangalan. 'Dale & Christian' Kung gayon ay Dale pala ang pangalan ng magiging kasama ko sa kwarto, at pangalan ito ng isang lalaki hindi ba? "Ang iyong susi mahal na itinakda." Nagulat ako sa muling pag sasalita ni Akwa. Ngayon niya lang yata ako tinawag na ganun, at hindi talaga ako komportable sa ganung tawag. Tumango lang ako at nilabas ang susi na kanina ko pa hawak. Tinapat ko ito sa may pintuan dahil wala itong doorknob. Lumutang ang susi at may isang susian ang biglang lumabas at doon ito ay pumasok. Pag katapos nito ay bumukas ang pintuan paitaas at ang susi ay bumalik sa akin bilang isang kwentas na may maliit na susing pendant. Pag pasok namin sa loob ng kwarto at namangha ako dahil sobrang laki nito na para isang condo. Pag pasok mo pa lang ay tatambad sayo ang isang malaking sala, na kompleto sa gamit. At kunting lakad lang ay matatagpuan mo ang kusina na tila bar counter at sa likod nito ay isang malaking bintanang salamin at sa gilid na bahagi nito ay mag dalawang pinto na meron uling pangalan. Ang isa ay may pangalan ko at sa ang isa naman ay doon nakalagay ang pangalan ng aking makakasamang si Dale. "Ang ganda dito." Pabulong na bulalas ko at saka nilibot ang buong kwarto. "Nakakapag taka, wala rito si Dale, pero wala siyang klase ngayon," Napalingon ako kay Akwa na kasalukuyang tinitingnan ang kwarto ni Dale. Bumalik lang ako sa pag lilibot at tiningnan ang Refrigarator na nandito sa kusina. Punong-puno ito ng laman. Nakakamangha! Para lang akong nasa mundo namin dahil sa desenyo ng kwarto na ito. " Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo , kaylangan mong itago ang iyong crest." Wika ni Akwa, at mula sa kinatatayuan niya may isang kulay brown na bagay ang lumulutang papalapit sa akin, ito at dumikit sa aking kamay at tila isang himala na nawala ang aking Crest sa kamay. "Anong ginawa mo?" nag tatakang wika ko sa kanya habang pinag mamasdan ang aking kanang kamay. Saan napunta ang crest ko. "Pinasuot ko lang naman sayo Skin Gloves." Wika nito habang tila may hinahanap sa may kwarto. " Huh!? Skin Gloves?" Naguguluhang tanong ko sa kanya saka siya nilingon. Bakit inaangat niya yung sofa? "Ang skin gloves ay uri ng gloves na tila isang balat lamang na kapag sinuot mo ay parang wala kang suot ng gloves." Tugon niya sa akin at saka binaba ang sofa na hawak niya. Ang lakas pala ni Akwa. Bakit niya nga uli tinataas yun? " May hinahanap ka ba?" Muling tanong ko sa kanya dahil para siyang may hinahanap. Lumingon ito sa akin at ngumiti. "Hinahanap ko si Dale," Kaswal na wika nito. Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ba yun? bakit siya nag hahanap sa ilalim ng sofa. "Nakakapag taka lang dahil ang sabi ay nandito siya, kaya baka naman nag tatago lang siya." Wika ni Akwa at saka muling nag hanap sa kwarto. Muli namang nag bukas ang pintuam ng kwarto at niluwa nito ang isang babae, na nakasuot ng puting dress, mahaba ang kulay lila nitong buhok, sobrang puti niya na tila wala na siyang dugo sa katawan. Ay teka isa na nga pala siyang multo. Sobrang ganda niya at tila pamilyar ang kanyang itsura. " Pasensya na po Sir Akwa, " Hingal na wika niya. Napangiti naman si Akwa at nilingon ang babae. "Sa wakas nandito ka na Dale!" Masayang salubong ni Akwa sa babae. Teka Dale? Siya si Dale? Ang akala ko ay isa siyang lalaki. "Saan ka ba nanggaling?" Tanong pa nito sa babae at saka niya ito inakabayan at hinila papasok ng kwarto. "Ikaw si Dale?" Gulat na wika ko sa kanya. Humarap ito sa akin at ngumit. "Magandang araw sayo ako nga pala si Dale, ikaw si Christian hindi ba ang magiging kasama ko sa kwarto?" Pag papakila niya sa akin. Marahang lang akong tumango at pilit na ngumiti. Nilingon ko si Akwa at pinanlakihan ng mata. Bahagya lang siyang tumawa at inalos ang pag kakaakbay kay Dale at lumapit sa akin. "Christian, siya ang makakasama mo dito sa kwarto, si Dale isa siya sa mga kandetatong papalik sa akin bilang Guardian of Water," Pakilala ni Akwa kay Dale. Kandedato? Ang ibig sabihin ay sinasanay na siya bilang isang Guardian. " Sana ikaw na ang huling hahawakan namin na itinakda ng langit para makaakyat na kami sa itaas." Bulong ni Akwa sa akin. Napatingin lang ako sa kanya at bahagyang tumango. "At Dale ito naman si Christian ang pinaka unang kandedato sa pagiging Guardian of Spirit." Pakilala naman ni Akwa sa akin. "Nagagalak kitang makilala si Christian, kung ikaw ang pinaka unang Kandetato sa pagiging Guardian spirit ang ibig sabihin lang nun ay sobrang lakas mo." Kinuha ni Dale ang kamay ko ay nakipag kamay sa akin. Ang tamis niya kung ngumiti at sobrang inosente. Napangiti na lang ako at tumango dahil hindi ko alam ang isasagot ko. "Unang kadedato?" Nag tatakang tanong ko kay Akwa. Tumango ito ay ngumiti. "Dahil nga pihikan si Ace sa pag pili ng kandetato niya ay ikaw pa lang ang una, kaya sobrang swerte mo." Nangingiting wika niya sa akin. Hindi naman ang hinihingi kong sagot pero mukhang naiintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi nga pala pwede ipag sabi na ako ang itinakda. "Ahh Ganun ba?" Tugon ko sa kanya. Tumango-tango naman ito bilang sagot at muling ngumiti. "O siya sige , may tuturuan pa akong klase kaya maiwan ko na kayo, ikaw nang bahala kay Christian, ha Dale? Ilibot mo siya sa paaralan natin." Paalam ni Akwa at nag simula ng mag lakad palabas ng kwarto, aangal na sana ako ngunit naisara na niya ang pintuan. Kaya napabuntong hininga na lang ako ay nilingon si Dale, na kumakaway sa may pinto. Nilingon ko ang aming mga kamay na mag kahawak pa kaya naman inagaw ko ang aking kamay at tumalikod sa kanya. "Anong gusto mong gawin ngayon huh Christian? Wala akong klase mag hapon kaya pwede kitang ilibot." Masiglang wika niya sa akin. Gusto ko sana sabihin kay Akwa kung pwede palitan ang kasama ko dahil hindi ako sanay na kasama sa iisang kwarto ang isang babae. Nakakailang kasi sa pakiramdam, pero mukhang wala akong magagawa kundi ang pakisamahan siya dahil mukha naman siyang mabait. Hinarap ko siya at ngumiti. " Hindi ba't ikaw yung nakita ko kanina sa may sapa." Sandali naman siyang napaisip at ngumiti. Tumango siya bilang sagot. "Oo ako nga yung nasa sapa kanina, Gustong-gusto ko kasi sa sapa na yun dahil nakikita ko ang dati kong pamilya." Masayang wika niya, halata mo sa kanya ang saya niya dahil nag niningning ang kanyang mga mata. "Dati mong pamilya?" Tanong ko sa kanya muli namn siyang tumango at ngumiti. "Ayun sa sapa ay namatay ako dahil sa isang malubhang sakit, bago ako mag kasakit ay isa akong top student sa paaralan ko at isa akong model, galing din ako sa isang masayang pamilya kaya naman kahit maikli lang ang aking naging buhay ay masaya akong namatay, sobrang nalungkot ang pamilya ko sa aking pag kawala pero dahil alam nilang malulungkot ako kapag nakita ko silang malungkot ay pinipilit nilang maging masaya habang inaalala pa rin ako." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Sobrang swerte niya pala noong nabubuhay siya kaya naman sobrang bait niya. "Sobrang swerte mo pala." Ayokong sirain ang katuwaan niya naman ayun na lamang ang tangi kong nasagot sa kanya. "Sa susunod na araw ay pupunta uli ako dun upang makita ang ginawa nila noong kaarawan ko," Masayang wika niya. "Gusto mo bang samahan ako Christian?" Yaya nito sa akin, muli lang akong ngumiti at tumango. "Sige sasamahan kita." Tugon ki sa kanya. Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Mukha talagang pamilyar ang itsura niya. Para bang nag kakilala na kami noon pero hindi ko lang maalala. Pero talagang pamilyar ang kanyang itsura sa akin. "Teka, naaalala na kita, ikaw yung sikat na lalaki sa school natin, ikaw si Christian Chua, ang lagi kong kakompetensiya sa unang pwesto." Bigla niyang wika sa akin. Bigla naman akong napaisip, kilala niya ako? Kakompetensya? Ang ibig sabihin lang nun ay, "Ikaw yung lagin representative ng school natin lagi pag dating sa modiling," Pag aalala ko sa kanya. " Ikaw si Dale Chavez na namatay dahil sa leukemai." Napangiti ng mapait si Dale at bahagyang tumango. "Oo ako nga, buti na lang at naalala kita , siguro naman magiging komportable ka na sa akin dahil mag kakilala na tayo." Nangingiting wika ni Dale sa akin. Nahalata niya pala na hindi ako komportable sa kanya. Ganun ba talaga kahalata? Hindi lang kasi ako talaga sanay na naiiwan sa iisang kwarto kasama ng isang babae. Pero bakit noong mag kasama kami ni Jehnny sa iisang kwarto ay hindi ko ito nararamdaman. Siguro dahil mag kaiba si Jehnny at si Dale. " Bakit ka nga pala namatay?" Bigla akong nakaramdaman ng kaba dahil sa biglaan niyang tanong nilingon ko siya, hindi ko alam ang isasagot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD