Chapter 40

2106 Words
Ring of Water . . Christian's Point of View "Gusto kong malaman bakit sinasabi niyong nilayo ako sa inyo ni Jehnny?" Tanong ko sa kanila. "Dahil dapat simula pa lang na pamunta ka rito ay dapat na dinala ka na agad niya dito sa paaralan pero gumawa siya ng paraan para ilayo ka sa amin at isa na dun ay ang pag sama sa mga kaibigan mo rito sa mundo namin," Paliwanag naman ni Freya. " Siguro ay nalaman niya na may mga tungkulin ang mga kaibigan mo rito sa aming mundo kaya naman kahit hindi pa ito ang panahon ng kanilang pag punta rito." Dugtong pa niya. "Ang ibig sabihin, lahat ng sinabi sa akin ni Jehnny ay kasinungalingan?" Inis na tanong ko sa kanila. Tumango naman si Akwa bilang sagot. "May posibilidad din na ang iba naman at totoo pero ang halos lahat ng sinabi niya sa iyo ay kasinungalingan dahil base sa sa crest mo ay hindi pa niya napag kakaloob sayo ang kanyang kapangyarihan." Wika ni Ace sa akin. Napatingin naman ako sa aking kanang kamay kung na saan nakalagay ang crest. Bumalik naman ang mga ala-ala simula ng una kaming mag kita ni Jehnny noong bata pa ako hanggang sa nakarating kami sa mundong ito. Bigla akong nakaramdam ng galit at puoot sa kanya dahil sa pag sisinungaling sa akin hindi ko alam kung ano na ang totoo sa mga sinabi niya sa akin noon pero sa akin wala na akong pakialam kung totoo ba ang mga sinabi niya sa akin o hindi. "Siguro makalipas ang ilang araw dito sa paraiso ay darating din dito si Jehnny upang bawiin ka, hindi namin alam kung ano ang balak niya pero hindi kami papayag na makuha ka niya sa amin." Seryosong wika ni Ace. Sandaling tumahimik ang lahat dahil sa sinabi niya. "Nakakainis talaga ang babaeng yun!" Basag ni Freya sa katahimikan. Sabay hampas ng kanyang kamay sa lamesa. "Hindi na ako natutuwa sa kanya." Dugtong niya sabay de-kwatro ng paa at pinag-cross ang kanyang mga braso. "Hindi natin alam kung bakit ginagawa ito ni Jehnny, habang nandito si Christian ay dapat nating alamin ang totoo balak niya at mapigilan ito." Wika ni Akwa sa kanila. Agad naman silang nag tanguan bilang tugon sa sinabi nito. Serysong lumingon sa akin si Ace at tumayo. "Sa mga araw na dadaan, ay dito ka mamalagi upang sanay at tanggapin ang mga pag subok ng iba pang Guardian Christian," Wika ni Ace habang nag lalakad siya paikot sa amin. " Bibigyan ka namin ng matitirhan dito, mamalagi ka sa isa sa mga kwartong itinakda para sa mga estudyante ng paaralan." Dugtong pa nito,bigla namang may lumapit sa aking lumulutang na gintong susi. Lumapag ito sa mga kamay. "Ayan ang susi ng magiging kwarto mo, asahan mong may makakasama kang isa sa mga estudyante ng paaralan dahil ang bawat kwarto ay pwede okopahin ng dalawang estudyante," Tugon naman ni Akwa sa akin na siya pala ang nag abot ng susi ng kwarto sa akin. " Ako ang pumili ng makakasama mo sa kwarto kaya naman sigurado akong  makakasundo mo sa pamamalagi mo dito sa paaralan." Buong pag mamalaking wika ni Akwa sa akin. Tumango naman ako at pinag masdan ang susi. Kulay ginto ito at kumikinang meron din itong kulay asul na bato sa mismong hawakan nito na mas lalo pang nag papaganda rito. Siguro kung ibebenta ito sa mundo namin ay malaki ang halaga nito. " Yan ang wag na wag mong gagawin Christian, mahigpit na pinag babawal ang pag dadala ng mga materya na bagay na sa galing sa paraiso sa inyong mundo." Napatingin ako kay Chichi na sa wakas ay muling nag salita. "Bakit naman hindi pwede?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Marahang umiling si Chichi at seryoso akong tiningnan. "Dahil ang susi yan ay gawa sa mga yaman mineral na matatagpuan lamang sa mundo ng paraiso, kaya sa oras dalhin mo yan sa inyong mundo ay pinag aralan ng mga matatalinong tao sa inyo ay aalamin din nila kung saan ito nanggalin at kung matatagpuan nila ang mundong ito at magugulo ang serkolasyon ng Buhay at Kamatayan." Tila binigyan ako ng kilabot ni Chichi sa kanyang mga sinabi. Kahit simpleng pag dadala ko lang ng susing ito sa mundo namin ay pwede nang mag ugat sa isang malaking kaguluhan at kung mangyayari man yun maraming tao ang mapapamak kaya naman dapat kong ingatan ang bawat kilos ko. Muling bunalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nanatili akong tahimik habang tinitingnan ang magarang susi na hawak ko. Kumikinang ito na tila ba nangaakit. Buti na lang ang hindi ako yung tipo ng tao na ibebenta ang ganitong bagay dahil kung hindi ay tapos na ang buong mundo. "Buti na lang talaga ay ikaw ang napili na itinakda, kahit na medyo kakaiba ang nangyari dahil kaylan man hindi pa nag kakaroon ng dalawang mag kasunod na itinakda na konektado sa isa't-isa , tanging ikaw ay ang lolo mo pa lang," Tila bang nasiyahan ang aking mga tenga sa aking narinig dahil pakiramdam ko ay napaka espesyal kong tao. Narinig ko ang mahinang pag tawa nilang apat kaya naman bigla na lang akong napalingon. "Mag pag kahambog ka rin pala," Natatawang wika ni Freya. "Dugtong pa niya. Tiningnan ko lang siya na may halong pag tataka. Ilang sandali lang ay naalala ko pala na kaya nilang basahin ang aking isipan dahil konektado sila sa akin. Bigla naman ako nakaramdam ng konting hina dahil dito dapat pala mag ingat ako sa iisip ko. "Hanggang dito muna ang ating pag uusap, kaylangan mo ng mag pahinga Christ dahil bukas na bukas din ay sisimulan mo na ang pag sasany mo para sa iyong unang pag subok." Tikhim na wika ni Ace at saka tumigil sa kanyang pagtawa. "Ako ang unang susubok sayo bata kay a magpahinga ka na baka hindi mo kayanin ang pag sasany na ibibigay ko sayo." Muli kong nilingon si Freya at pilit n ngumiti sa kanya upang tumunagon.. "Ako na ang mag hahatid sayo sa kwarto mo para sigurado akong tama. Ang aking kalkolasyon." Presentang wika ni Akwa at saka tumayo sa kayang kina uupuan. Tumango naman ako at saka sumunod sa kanya sa pag lalakad. Nag lakad kami sa pasilyo kung saan kami dumaan ni Ace papunta sa kwartong ito. Noong unang pag lalakad ko kanina dito ay may kakaibang kaba akong naramdam pero ngayon nawala na yun, siguro dahil yun sa ilusyon na naka handa sa akin sa pag pasok namin ni Ace sa kwarto. "Pag pasensyahan mo na kanina si Freya, sadyang pilya lang talaga yun." Wika ni Akwa sa akin, bahagya niya akong nilingon at ngumiti. "Wala yun nagulat lang din ako kanina." Seryosong wika ko sa kanya. Tumango-tango naman si Akwa at muling ngumiti. Tamihik lang kaming dumadaan sa isang mahabang pasilyo na kanina nga'y dinaanan namin ni Ace. Tanging mga yabag lang ng aming mga  paa ang aking naririnig. Sobra laki ng ala-palasyong paaralan na ito, ano kaya ang meron sa bawat kwarto na nandito? "Hindi ka pa nga pala naililibot sa buong paaralan, " Biglang wika ni Akwa sa akin. Hindi na dapat ako magulat dahil nababasa nila ang aking iniisip. " Bago tayo makarating sa kwartong naka laan sayo ay may madadaanan tayong mga silid." Dugtong niya. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Sa ngayon ay wala akong gana mag salita muna dahil na rin sa pagod na nararamdaman ko. Ang sabi ni Akwa ay may kasama raw ako sa kwarto na siya mismo ang pumili. Sana naman ay makasundo ko siya at hindi siya makulit at matanong dahil maiinis lang ako kung ganun. Narinig ko ang bahagyang pag tawa ni Akwa. Mukhang nabasa niya ang aking sinasabi sa aking utak. Medyo naiinis na ako sa ganito gusto ko malayang makapag-isip na walang kahit sinong mag babasa nito. Bigla namang tumigil si Akwa sa kanyang pag lalakad kaya naman napatigil rin ako. Nilingon ko siya ng may parang kumikislap sa kanyang kamay. " Nabasa ko ang iyong isipan, hindi namin nais na hindi ka maging komportable sa amin kaya naman ipag kakaloob ko sayo ang aking korona," Wika sa akin ni Akwa, ang ilaw na nasa kanyang kamay ay biglang lumapit sa akin ay pumunta sa akin kamay. Itinaas ko aking kanang kamay at nakita ko na meron nang dalawang singsing sa akin daliri. Isang kulay ginto at kulay asul, ang kulay ginto ay galing kay Jehnny at ang kulay asul naman ay galing kay Akwa. Parang mga alon sa dagat naman ang desenyo nito na sa tingin ko ay sumisimbolo sa kapangyarihan na hawak ni Akwa. " Ang singsing na yan ay proteksyon para hindi mabasa ng kahit sino ang iyong isipan, kahit na kaming mga guardian." Napalingon ako kay Akwa habang nag papaliwanag siya at muling tiningnan ang singsing na aking hawak. "Ano naman ang ibig sabihin ng singsing na ibinigay sa akin ni Jehnny?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko na matandaan kung bakit nasa akin ang singsing na ito. "Ang singsing na yan ay simbolo ng proteksyong pisikal," Wika ni Akwa at muling nag simula mag lakad. " Sa tuwing nasa kalagitnaan ka ng kapahamakan ay darating si Jehnny para tulungan ka." Habang nag lalakad ay napalingon ako sa gintong singsing na nakasuot sa aking gitnang daliri. " Sa totoo lang ay mali ang pwesto ng singsing na yan, dahil nandyan dapat ang pwesto ng singsing na ipag kakaloob sayo ni Ace," Dugtong niya at bahagya akong nilingon. " Kung mababasa ko lang ang isipan ni Jehnny ay malalaman ko kung bakit niya ginawa niya, ngunit sa ngayon ang masasabi ko lang ay dahil nasa gitnang daliri siya ay hindi maibibgay sayo ni Ace ang kanyang korona at kontrolado ka pa rin ni Jehnny." Makahukugang wika ni Akwa. Gusto talaga akong kontrolin ni Jehnny pero ano kaya ang dahilan niya? Kung ano man yun ay hindi ako natutuwa sa kanya. " May paraan ba para mailagay 'to tamang pwesto?" Desperadong tanong ko sa kanya. Muli akong nilingon ni Akwa at tila naging seryoso ang kanyang itsura. " Si Jehnny lang ang pwedeng mag lipat ng singsing na yan, peri meron pang ibang paraan." Tugon sa akin ni Akwa. Bahagyang naningkit ang aking mga mata dahil bigla akong na curious kung sa kanyang susunod na sasabihin. "Anong paraan?" Muling tanong ko sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ako sagutin. "Isa yung pinag babawal na paraan dahil kaming mga Guardian ay hindi pwede kumontrol ng ibang elemento bukod sa elementong hawak namin," May halong takot na wika ni Akwa. " Kapag ginawa namin yun ay maaari kaming matanggal sa pagiging Guardian namin at alisin ang aming kapangyarihan sa oras na umakyat na kami sa itaas ay magiging isa na lang kaming norma." Dugtong pa niya, kung ganun ang kalagayan namin ay ang magagawa ko lang ay hintayin na si Jehnny mismo ang mag lipat ng singsing sa tamang pwesto nito. Sandali pa kaming nag lakad sa mahabang pasilyo at bahagyang lumiko at doon ang naging maliwanag ang nilalakaran namin pasilyo. Tumambad sa amin ang isang silid na tila sa isang normal na paaralan lang. May mga upuan at lamesa at meron ding pisara sa may unahan. "Ito ang silid aralan ng mga estudyate ng paaralan, dito hinuhubog ang kanilang interes sa isang bagay upang sa huling taon nila dito ay alam na nila ang kanila patutunguhan." Masiglang wika ni Akwa. Mukhang nag bago ang awra niya at nawala na ang takot na naramdaman niya kani-kanina lang. "Ganun katagal nag aaral dito ang mga multo bago sila makaakyat sa langit?" Tanong ko sa kanya at nilingon ang mga estudyante sa may bintana na nasa labas ng eskwelahan na masayang tumatawa at nag kakatuwaan. "Kung ikukumpara sa oras ng inyong mundo, ay inaabot lang ito ng 40 days o 4 na taon dito sa mundo namin." Paliwanag ni Akwa sa akin. Naalala ko naman ang tinatawag na 40 days sa mundo namin na nag papadasal ang mga kamag anak ng namatay sa sumapit ang ika-40 na araw. "Ang ibig sabihin ay ganun din ako katagal mag aaral dito?" Tanong ko sa kanya. Lumabas kami sa loob ng paaralan at nag lakad sa isang malaking harden na maraming punong nakapaligid. Bahagyang umiling si Akwa at ngumiti. "Syempre hindi dahil ang tangi mo lang pag aaralan ay kung paano kontrolin ang iyong kapangyarihan at paano ito papalakasin." Muling paliwanag ni Akwa sa akin. Tumango-tango naman ako bilang sagot at tahimik na sumumod sa kanya sa pag lalakad. Ilang sandali lang din ay nakarating na kami sa isang ala-mansyon na gusali. "Nandito na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD