Chapter 37

1063 Words
Ghoul High . Christian's Point of View "Pano mo nagawa yun?" Manghang tanong niya sa akin. "Hindi ko rin alam, basta bigla na lang pumasok sa isip ko." Kaswal na sagot ko sa kanya habang pinag mamasdan ang ibon na lumilipad na sakay ang walang malay na si Jehnny.  Pareho lang namin itong pinag masdan habang palayo ito sa amin. Muli akong tinapik ni Ace sa Balikat senyales na kaylangan na namin umalis. Tumango lang ako dahil mukhang alam ko na kung saan kami pupunta dahil pakiradam ko ay nakapunta na ako roon. Mukha nabasa naman ni Ace ang aking balak kaya naman tumango ito ay nanatiling malapit sa akin habang nakahawak sa aking kanang balikat. ibinuka ko ang aking pakpak at unti-unti kaming binalot ito upang dalhin kami sa lugar na dapat naming puntahan ang lugar kung saan susubugin ako bilang ang itinakda ng langit. Pag bukas ng aking mga mata ay tumanbad sa akin ang isang mala harden na kapaligiran. Maraming makikitang mga uri ng bulaklak. Iba't-iba ang  mga kulay at mga uri, ngunit ang kanilang halimuyak ay sobrang sarap langhapin. Humahalo ang amoy nila sa sariwang hangin. Maaliwalas din ang paligid dito kaya naman sobrang komportable dito. "Nandito na tayo." Bulalas ni Ace. Ginala koa ng aking paningin at nakita ang ala palasyong gusali, kulay Asul at Ginto ito na may dalawang maliit na tore sa mag bilang gilid. Labas  pa lang ay napaka elegante na ng desenyo. "Na saan tayo?" Manghang tanong ko sa kanya habang patuloy na lilibot ang aking paningin sa buong paligid. "Nadala mo ako dito gamit ang kapangyarihan mo pero hindi mo alam ang lugar na ito?" Nilingon ko siya at umiling. Napangiti na lang ako dahil tama naman siya sa kanyang mga sinabi. HIndi ko rin ala kung pano ko siya nadala dito sa lugar na ito, Basta ko lang sinunod ang isang tinig na bumubulong sa akin at ito na nga kami at nandito na sa isang mala paraisong lugar. Napailing na lang si Ace at lumipad paitaas saaking unahan. "Kung gayon, Maligayang pagdating sa paaralan ng mga Multo, Ang Ghoul High. Dito nag aaral ang mga multong may kakayahang maging multo. Dito tinuturo kung paano nila gagamitin ang kanilang kapangyarihan at kung ano ang tukulin ng isa anghel sa itaas." Paliwanag ni ACe sa akin. May ganito pa lang lugar dito pero hindi sinabi sa akin ni Jehnny. "Bakit kaylangan pang pag aralan ang pagiging anghel ng isang multo?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Lumingon ito sa akin at ngumiti. "Upang malaman kung anong klaseng anghel sila mabibilang." Ganito ba talaga ang mga multo hindi mahilig deretsuhin ang mga sinasabi marami pang ligoy ligoy. "Klase ng anghel?" Marahan namang tumango si Ace at lumapag. "Sa Itaas kasi na tinatawag niyong langit ay may apat na klase ng mga anghel," Panimula niya at ang simula na kaming mag lakad patungo sa kastillo na medyo may kalayuan sa aming kinatatayuan. "ITo ay ang mga , Norma, Servant, Warrior at ang Guardian." SAndali siya tumigil upang paalalahanan niya akong huwag gagamitin ang kapangyarihan ko dahil hindi daw pwede na malaman ng iba na ako ang itinakda dahil daw tuld sa ibang lugar na natutuwa sila sa itinakda, dito daw ay kaaway nila akong maituturing. " Ang Normal Angel o ang mga Norma, ay isang anghel walang kapangyarihan, sila yung mga mabubuti ang loob noong sila ay mabubuhay pa," Pag papatuloy ni Ace sa kanyang paliwanag tungkol sa mga Anghel. " Deretso na sila sa itaas dahil hindi na nila kaylangan subukin dahil sinubok na sila sa Mundo niyo pa lang." Tumango-tango naman ako bilang sagot. "Ang sunod naman ay ang mga servant, sila naman ang mga silbi sa tahanan ng kataas-taasan, dapat meron kang kakayahan sa pag luluto at pag sisilbi noong nabubuhay ka pa para mabilang ka sa kanila. Tinuturing na swerte ang pangkat nila dahil nakikita nila ng personal ang kataas-taasan." Sunod niya na napaliwanag sa akin. Nilingon ko siya ng may halong pag tataka. "Nakita mo na ba ang kataas-taasan?" Seryoso kong tanong sa kanya, umiling ito at ngumiti. "Isa akong Guardian, ang mga tulad namin ay hindi mapag kakalooban ng pag kakataong makita sita ng harapan kahit ang mga Guardian pa pinaka mataas na uri ng Anghel, kata kahit maging Anghel man ako ay hindi ko siya makikita." Paliwanag niya sa akin. Muli lang akong tumango-tango bilang sagot at muling nakinig sa kanyang mga pinapaliwanag. "Kaming Mga Itinakdang Guardian, ay ang may mga kapangyarihan na kontrolin ang Elemento. Sa ngayon ay lima kaming Guardian Ghost, kasama na dun si Jehnny at meron pang 3 na makikilala sa oras na makapasok ka na sa paaralan," Wika niya sabay turo sa akin ng maala palasyong lugar na aming pupuntahan. Muli ko itong pinag masdan at ako'y nakaramdam ng pananabik. "Sa oras naman na makaakyat na kami sa itaas ay mapapalitan na kami ng mga bagong Guardian, kung mapag tatagumpayan mong talunin ang Demon King na si Taitus." Muli akong napasilio sa kanyang gawi at napalunok ng laway. Meron na naman akong dagdag resposibilidad, nakakainis na huh!? "Wag kang mag alala, tutulungan ka naman namin na magawa mo ang iyong misyon dahol pareho naman tayong makikinabang." Sigurading wika ni Ace sa akin. Napangiti na lang ako ng pilit dahil sa sarili ko ako walang tiwala dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba talaga matalo si Taitus dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakaharap. "Anong klase pala ng mga Anghel ang mga Warrior?" Tanong ko sa kanya upang maiba naman ang usapaan. Sandali siyang napaisip. "Ah sila ba?" Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baba, at sandaling nag-isip. " Ah! Sila lang naman ang mga pumuprotekta sa itaas, malalakas ang kanilang pangangatawan kahit hindi sila gumamit ng kapangyarihan ay kaya nilang tumalo ng demonyon." Mapag malaking wika ni Ace habang umaaksyon pa ng parang nakikipag suntukan. Bahagya akong natawa dahil sa kanyang ginawa, aaminin ko mas magandang kasama si Ace kaysa kay Jehnny. Una pa lang ay maagaan na ang loob ko kay Ace kaya naman mabilis ko siyang makakasundo. Ilang sandali lang ay narating na namin ang tarangkahan ng paaralan. Sobrang laki nito at tila gawa ito sa ginto. Sobrang kintab nito kaya naman parang gusto mo na kang siya titigan kaysa hawakan. Nagulat ako ng biglang tumunog ang orasan at bumukas ang tarangkahan. "Tara Ililibok kita sa Loob."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD