Chapter 38

2046 Words
Ang pag pasok sa paaralan ng mga multo . . Christian's Point of View "Kaming Mga Itinakdang Guardian, ay ang may mga kapangyarihan na kontrolin ang Elemento. Sa ngayon ay lima kaming Guardian Ghost, kasama na dun si Jehnny at meron pang 3 na makikilala sa oras na makapasok ka na sa paaralan," Wika niya sabay turo sa akin ng maala palasyong lugar na aming pupuntahan. Muli ko itong pinag masdan at ako'y nakaramdam ng pananabik. "Sa oras naman na makaakyat na kami sa itaas ay mapapalitan na kami ng mga bagong Guardian, kung mapag tatagumpayan mong talunin ang Demon King na si Taitus." Muli akong napasilio sa kanyang gawi at napalunok ng laway. Meron na naman akong dagdag resposibilidad, nakakainis na huh!? "Wag kang mag alala, tutulungan ka naman namin na magawa mo ang iyong misyon dahol pareho naman tayong makikinabang." Sigurading wika ni Ace sa akin. Napangiti na lang ako ng pilit dahil sa sarili ko ako walang tiwala dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba talaga matalo si Taitus dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakaharap. "Anong klase pala ng mga Anghel ang mga Warrior?" Tanong ko sa kanya upang maiba naman ang usapaan. Sandali siyang napaisip. "Ah sila ba?" Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baba, at sandaling nag-isip. " Ah! Sila lang naman ang mga pumuprotekta sa itaas, malalakas ang kanilang pangangatawan kahit hindi sila gumamit ng kapangyarihan ay kaya nilang tumalo ng demonyon." Mapag malaking wika ni Ace habang umaaksyon pa ng parang nakikipag suntukan.  Bahagya akong natawa dahil sa kanyang ginawa, aaminin ko mas magandang kasama si Ace kaysa kay Jehnny. Una pa lang ay maagaan na ang loob ko kay Ace kaya naman mabilis ko siyang makakasundo. Ilang sandali lang ay narating na namin ang tarangkahan ng paaralan. Sobrang laki nito at tila gawa ito sa ginto. Sobrang kintab nito kaya naman parang gusto mo na kang siya titigan kaysa hawakan. Nagulat ako ng biglang tumunog ang orasan at bumukas ang tarangkahan. "Tara Ililibot kita sa loob." Wika ni Ace na may halong ngiti at pananabik.  May halong pag kamangha naman akong nag lakad papasok ng paaralan. Harden. Pa lang ay nakakamangha na. Para itong harden sa isang palasyo na napapanood ko sa mg disney princess. Kahit lalaki ako nanonood ako ng mga disney princesses nakakapulutan kasi ng mga magagandang aral. Sobrang sariwa ng hangin rito at tahimik ang kapaligiran, tanging huni lang ng ibon ang iyong maririnig. Napaka payapa rito at mukhang masarap din mag aral dito. Kung ilalarawan ang harden dito ay maituturing itong malawak dahil sa sobrang daming halaman at puno na nakatanim, may iba't- ibang bulaklak at puno na nag bibigay ng lilim at sariwang hangin. Kung mag aaral ako rito lagi akong nandito sa harden na ito dahil mainam dito mag pahinga. "Huwag ka na muna masyadong mamangha, dahil sigurado akong mag babago pa ang isip mo at makakakita ka pa ng lugar na pwede mong tawaging pahingahan mo," Napalingon ako kay Ace dahil sa kanyang sinabi. Nababasa niya ba ang iniisip ko? "At oo nababasa ko ang nasa isip mo kaya wag ka nang mag taka." Na ngingiting wika niya sa akin.  Kung gayon pala hindi tulad ni Jehnny na kapag nasa loob lang siya ng crest saka niya lang nababasa ang aking isipan, si Ace naman ay kahit nasa labas ay kaya niyang basahin ang nasa aking utak. "Basta malapit ako sayo kaya kong basahin ang lahat ng nasa isip mo," Paliwanag ni Ace sa akin. " Sa aming 5 meron pang  may kakayahang makabasa ng isipan mo kahit na nasa malayo ka." Seryosong wika ni Ace sa akin. Pumasok naman kami sa main entrance ng parang palasyo na gusali at muling nag lakad sa isang mahabang pasilyo. "Kakaiba ang koneksyon mo sa aming tatlo kaya naman nagagawa naming basahin ang isipan mo at makipag usap gamit din ang iyong isipan, pero iba't- iba ang antas ng kakayahan namin sa lahat ng bagay tulad na lang nag pag babasa ng iyong isipan, meron kaming kahinaan at kalakasan na kaylangan mong alamin upang maging mapaki-pakinabang kami sa iyo. " Muling paliwanag ni Ace sa akin. Muli ko siyang nilingon na may halong pag kagulo. Napaka hirap pala ng tungkulin kong ito dahil hindi basta basta ang pag papalakas na gagawin ko. "Wag ka masyadong mag alala, tutulungan ka naman naming apat, hindi ko na isasali si Jehnny dahil alam kong hindi naman siya makakatulong sa amin." Napatango naman ako dahil sa kanyang sinabi. Tama naman ang sinabi niya dahil mukha wala sa tamang katinuan si Jehnny ngayo at nito ko lang ito na realize, para bang ang pag dating ni Ace ang nag pamulat sa akin para makita ang totoo kay Jehnny. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Jehnny na malaman ko ang totoo pero alam ko na may itinatago pa siya sa akin hanggang ngayon. "Salamat Ace." Tugon ko sa kanya. Bahagya siyang napatawa at lumingon sa aming daanan. "Sinabi ko naman sayo, hindi ka pa dapat mag pasalamat dahil wala pa akong nagagawa para sayo." Napangiti na lang ako at napailing. Hindi niya lang alam na malaki na ang naitulong niya sa akin. Nabalot ng katahimikan ang pagitan namin ni Ace, habang nag lalakad sa isang mahabang pasilyo. Tulad nga ng inakala ko sobrang ganda dito para kang nasa fantasy world. Oo nga pala, nasa isang mundo ako kung saan naninirahan ang mga Multo, Anghel at  Demonyo. Mukhang nasanay na ako sa mundong ito, ayoko mang mamalagi sa mundong ito dahil wala dito ang buhay ko pero parang may isang tinig na nag sasabi na kaylangan kong mag-stay sa mundong ito. Dahil siguro gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari kay Lolo sa mundong ito. Ang dami ko pang gusto malaman bago ako bumalik sa mundo namin dahil mukhang hindi ako papatulugin ng mga kaisipan na ito. "Wag kang mag alala, kung may gusto kang malaman itanong mo lang sa akin at sasagutin kita ng maabot ng aking makakaya," Wika ni Ace, agad naman akong napayuko upang mag isip ng unang itatanong sa kanya.  " Gusto mo ba na sagutin ko kung ano ang tunay na nangyari sa Lolo mo?" Muli naman akong napalingon sa kanya dahil siya na mismo ang nag tanong sa sarili niya. "May alam ka sa nangyari sa kanya?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito ay nalungkot ang kanyang mukha, bigla akong kinabahan dahil dun, mukhang hindi maganda ang nag yari. Kay Lolo. "Pero wag mo sanang mamasamain kung hindi ko masasagot ang katanungan mo sa ngayon, dahil hindi ka pa handa para malaman ang nangyari sa lolo mo." Seryosong wika niya at huminto. Napahinto rin ako sa aking pag lalakad at tinitigan siya. "Anong ibig mong sabihin?" Medyo inis kong tanong sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ako sagutin. "Dahil sa oras na malaman mo baka umatras ka na lang sa iyong misyon at pang hinaan ng loob." Bigla namang kumabog ang aking dibdib dahil sa kanyang sinabi. Nanginig ang aking buong katawan at kinilabutan. Hindi ko alam kung bakit pero kahit hindi naman talaga sinagot ni Ace ang tanong ko ay tila kinilabutan na agad ako sa kanyang sinabi, paano pa kaya kung nalaman ko ang totoo? Baka hindi ko nga kayanin tulad ng sinabi ni Ace. "Si-siguro nga sa susunod ko na lang sayo tanungin ang bagay na yun." Nangingig na wika ko. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Humugot ako ng hangin at ibinuga ito kaya kahit papano ay kumalma ang aking sistema. "Kapag dumating ang oras ay siguradong handa ka na tanggapin ang lahat, dapat mo lang ihanda ang iyong emosyonal at pisikal para sa oras na iyon," Tumango naman ako bilang sagot at muling nag buntong hininga. " Halika ililibot na kita sa paaralan." Muling wika ni Ace at binuksan ang pinto na nasa aming harapan. Hindi ko napansin na may pinto pala dito. Pag bukas ng pinto ay agad na tumanbad ang isang malaking aklatan. Bagamat maraming nilalang ang nasa paligid ay ubod naman ng tahimik dito. Sandali kong nilibot ang aking paningin dahil na mamangha ako sa mga multo na lumulutang upang kumuha ng libro sa pinaka itaas ng bahagi ng aklatan. Tulad sa labas ng paaralan dito ay kulay ginto at asul din ang mga haligi at gamit. Maraming lamesa at upuan ang nasa paligid at maraming mga shelft ng mga libro na sobrang tataas. Meron din mataas na hagdanan na ang tawag yata ay grand stair case.  "Sabi ko naman sayo na pwede pang mag bago ang isip mo sa oras na makita mo ang loob ng paaralan," Nagulat ako ng may mag salita sa aking isipan, napalingon ako kay Ace na kasalukuyang nakamasid din sa paligid at nakangiti. Boses niya pala ang naririnig ko sa aking isipan. "Hindi pwede mag ingay sa lugar na ito dahil ayun ang patakaran dito kaya naman dapat lang tayo mag usap sa ating isipan tulad ng mga multo dito." Dagdag pa niya at saka lumingon sa akin. "Ang ibig sabihin ang mga multo dito ay nag uusap sa kanilang isipan lang kaya ubod ng tahimik dito?" Tugon ko sa kanya sa aking isipan sabay taas ng kilay. Tumango naman siga at muling tumingin ang mga multo na nasa paligid namin. "Isa sa mga tiruturo rito ay kung paano makipag usap gamit ang isip lamang," Paliwanag niya sabay yaya sa akin muli upang mag lakad. Tumango-tango naman ako bilang sagot at sumunod sa kanya sa paglalakad. "Tulad ng sabi ko sayo kanina hindi mo pwedeng gamitin ang kapangyarihan mo ng pagiging anghel kaya naman papahiramin ka namin ng aming kapangyarihan hanggang masanay ka na sa pag gamit nito at maangkin mo ito bilang sayo." Muli niyang paalala sa akin. Tumango naman ako bigla sagot Umakyat kami sa malaking hagdan upang tumungo sa kanilang opisina kung na saan ang iba pang Guardian dahil sabi nita ay pinapatawag na raaw kami doon. Saka na lang niya uli ako ililibot sa buong paaralan kapag nag kausap na kami ng mga Guardian. Muli kaming dumaan sa isang mahabang pasilyo ngunit this time sa isang kulay pulang pasilyo na may mga kakaibang simbolo ang bawat poste na nadadaanan namin. Sa bandang dulo ng pasilyo ay meroon akong naaninag na isang liwanag at habang papalapit kami ay lalo pa itong lumiliwanag. Sa hindi malaman dahil ay bigla ako nakaramdam ng kaba ng makita ko ang liwanag sa dulo ng pasilyo. Bawat yabag ko ay tila bumibigat at gustong tumigil ng aking mga paa sa pag lalakad. Nakakaramdam na rin ako ng takot, naririnig ko ang bawat pag kabog ng aking puso na tila mas mabilis pa sa takbo ng kabayo. Noong malapit na kami sa liwanag ay bigla akong napatigil sa aking pag lalakad at napatitig sa aming pupuntahan. Ilang minuto lang akong panatitig doon. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang pag hawak sa akin ng isang kamay. Nilingon si Ace na may halong pag aalangan. Ngumiti lang ito sa akin lumingon sa aming patutunguhan. "Hindi ka dapat matakot sa kanila, wala silang balak saktan ka o dalhin ka sa ikakapahamak mo tulad ng ginawa sayo ni Jehnny," Mahinahong wika ni Ace sa akin. "Sigura nga't nasira ni Jehnny ang pag titiwala mo, pero sigurado akong hindi namin gagawin yun sa iyo, sa amin ka dapat mag tiwala." Sandali akong napapikita upang pag isipan ang kanyang sinabi. Bahagya kong nakagat ang aking ibabang labi. Muling minulat ang aking mga mata at lumingon kay Ace tumango lang ako bilang sagot at nag patuloy na muli kami sa pag lalakad. Pag dating namin sa dulo ng pasilyo ay sumilaw sa aking mga mata ang isang liwanag kaya naman napatakip ako ng aking mga mata. Segundo lamang ang lumipas at tumambad sa aming harapang ang isang malakimg gintong pinto na sobrang kumikinang ang desenyong nito ay katulad ng aking Crest sa kamay. Ang Pentagram crest na kompleto ang kulay. Sobrang laki nito na halos sakupin na ang buong pinto. "Handa ka na ba makilala ang iba pang mga guardians?" Napalingon ako kay Ace, tumango ako at muling tumingin sa may pinto. Tinapat ni Ace ang kanyang kamay sa may pinto at bumukas ito ng malaki upang nakapasok kami. "Uggh... Lady Freya... Wag diyan... Ugh... "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD