ISABELLA Imbis na bumalik sa kuwarto ay patakbo akong lumayo. May natanaw akong mini bar at walang pagdadalawang isip akong bumili ng alak. Mabuti na lamang at hindi sila mahigpit sa pagbebenta. Hindi ako sanay uminom pero kaya ko naman ang sarili ko. Nang makabili na ako ay nagtungo ako sa tree house malayo sa kanila. Para itong mini cottage na nasa gitna ng katawan ng puno. May kuwarto din ito sa loob na puwedeng pagpahingahan. Ipinangalan ko kay papa ang lahat ng bills ko. Sigurado akong susundan ako ni kuya doon sa kuwarto ko kaya minabuti kong mapag-isa at magtago na lamang. Kahit paulit-ulit niyang sinasabi na wala silang relasyon. Paulit-ulit pa rin akong nasasaktan. Pinahid ko ang patuloy na pagtulo ng aking luha. Habang tinutunga ang alak sa babasagin na bote. Kahit anong p