ISABELLA “Alam ko nang mangyayari ito, hija.” Napatingin ako kay Inang Carmen nang sabihin niya yun. Nandito ako sa aking kuwarto at naghihintay ng update. Ngunit ilang oras na ang nakalipas hindi pa rin siya tumatawag. “Alam niyo po ang tungkol sa amin?” tanong ko sa kanya. Naupo siya sa kama at tumangin sa akin. “Hindi lang siguro napapansin ng mga magulang niyo dahil palagi silang wala at busy. Pero alam kong higit pa sa magkapatid ang turingan niyong dalawa. Pero hindi ko inaasahan na magagawa niyong magpakasal nang hindi man lang sinasabi sa mga magulang niyo ang totoo.” Nangilid ang luha ko hangang sa tuluyan na itong dumaloy sa aking pisngi. “Natakot po ako na baka ipakasal si Esrael kay Charry kapag hindi ako pumayag na pakasalan siya kaagad. At isa pa po…mahal ko si Esr