Kabanata 8

1559 Words
Mapapagalitan ba siya? O baka mapatalsik pa? Sinisikap niyang huwag ma-late at sobrang aga niyang mag-in araw-araw. Dahil natakot siyang baka matanggal siya. Tapos iyong tungkol lang pala sa elevator ang magpapahamak sa kaniya. Tama nga si Evangeline. Ang tanga-tanga niya nga talaga. Dapat sumunod na lang siya sa mga utos ng kaibigan. Sana nakinig na lang siya. Di bale nang mahuli siya. Napapailing si Vange sa tuwing nagkakasulubong sila. Problemadong mukha ang nakapaskil parati sa kaniya habang nagtatrabaho. Sana man lang umabot siya ng kinsenas para may makuha naman siya kahit kaunti sa pinagsikapan niya. Para may magamit pa siyang pera kapag nag-apply siya sa iba. “Patay kang bata ka. May kasalanan ka pala!” Humalakhak si Roda nang magkita sila. Sobrang tuwa pa ni Roda sa nabalitaan tungkol sa nangyari kahapon. Ito malamang ang unang bubunghalit ng tawa kapag napatalsik na siya mamaya. Panay na lang siya lingon sa gawi ng manager nila tuwing bababa siya para ihatid ang laundry sa laundry house sa baba. Hindi rin siya makakain ng maayos noong break time. Pinagdarasal niya na lang na sana ay hindi na ulit siya papalpak ngayon. ..... Tahimik na nagkakape si Treous sa may pool side. Sa likod lang iyon ng hotel. Pabalik-balik siyang nagda-dive mula sa kabilang side. Tumunog ang phone niya nang makaahon siya. Pinasadahan niya ng daliri ang basang buhok at pinindot ang phone para masagot. May babaeng panay sulyap sa gawi niya kanina pa. The girl is wearing a red thong and lacey bra. With a bronze skin color and towering height. Pangmodelo ang dating. Kung ibang lalaki ay baka nahipnotismo na siya. Pero siya si Treous Elagrue. Girls kneels for him, not him. Ang mga ganitong ganda at charisma ay hindi na bago sa kaniya. Hindi niya na maramdaman ang excitement sa usapang s*x. “Boss, sumakay na ng eroplano via New York ang target na'tin,”balita ng tauhan niya sa kaniya. Umigting ang panga niya sa narinig. “How about your men?” “Nakasunod na siya, boss. Iisa na sila ng eroplanong sinasakyan ngayon.” Sumimsim siya ng kape niya bago nagsalita. “Pasabugin ang eroplano.” “P-Pero may mga madadamay, boss-” “Do I have to care?”putol niya sa natameme na tauhan niya. “Make sure na mabalitaan ko mamaya sa tv ang pagsabog.” Binaba niya ang phone at nagpatuloy sa pagsimsim ng kape. Bakit ba tila naninibago pa rin ang tauhan niyang iyon? Hindi pa ba sanay ang mga ito? Ganoon na siya dati pa. Napansin niya ang babaeng panay sulyap sa gawi niya. Sumenyas siya gamit ang kamay at agad sumulpot sa gilid niya ang tauhan niya. “Give that girl a f*ck. She need that.” Tinuro niya ang nagpapapansin na babae. Napalunok ang tauhan niya pero halatang gustong-gusto rin gawin ang iniutos niya. Halata sa mukha ng babae ang excitement, dahil inakalang siya ang gagamit dito. Not him, but his body guard. Pagod siya ngayon kaya hindi niya mapagbigyan ang kahit na sinong lalapit sa kaniya. Umupo na siya sa sun lounge nang mapansin ang maliit na babaeng tila nagmukha nang pagong dahil sa binubuhat na mga labahin sa likuran. Paano niya makakalimutan ang itsura ng babaeng ito? Ito lang naman ang babaeng kauna-unahang nandedma sa kaniya sa elevator. Ang babaeng mahilig gumamit ng guest elevator at ilang beses niya nang nakita. Napatingin siya sa fire exit na hagdan. Halatang doon dumaan ang babae imbes na sa likuran. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang natawa ng mahina. Kung spy man ang babaeng ito ay mukhang napahirapan ito ng husto dahil sa assignment nito. Pero mukhang hard working naman at napanindigan nga ang pagiging kunyaring room girl. Nag-enjoy siya sa panonood. “Salome...” Biglang namutawi sa bibig niya ang pangalan ng babae. Nabasa niya ang name tag nito sa damit noong magkasabay sila sa elevator. Sounds old for a cute girl like her. “Lalapit ka rin sa akin.” May kasiguraduhan sa boses niya. Sinundan niya ng tingin ang babae hanggang sa narating nga nito ang laundry house. Hinatid niya ito ng tingin hanggang sa umakyat ulit ang babae sa fire exit. ..... Nakahinga ng maluwag si Salome nang umabot ng out sa trabaho at hindi pa rin siya pinapatawag ng manager. Hindi niya alam kung naireklamo na siya ng may-ari. Sana naman makalimutan na iyon ng owner. Dumating ang pangalawang pay roll nila mula noong unang pasahod. May matatanggap na rin siya. Isang buwam na at sa bilis ng panahon ay hindi namamalayang makakatanggap na siya ng unang sahod niya. Ito na ang pinakamalaking pera na mahahawakan niya. “Sus! 2k lang ang tatanggapin ko. Iyang 2k, itabi mo iyan o 'di kaya'y gumala rin kayo ng anak mo. Aba! Day off mo ngayon. Bukas balik trabaho na naman ulit,”ani Nanay Lolita. Hindi niya akalaing hindi tinanggap ni Nanay Lolita ang buong 4k na buwanang isasahod niya dito para sa pagbabantay kay Daniel. May pangbayad pa siya sa bahay at pagkain nila. May pang-gala pa. Sumama sila kay Evangeline sa day-off niya. Mas gamay ni Vange ang lugar at mas mag-e-enjoy sila kung may kasama silang may alam sa pupuntahan nila. Nabilhan niya rin sa wakas ang anak niya ng laruang sasakyan. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita ang mangha sa mga mata ng kaniyang anak habang hawak sa kamay ang kauna-unahang laruan nito. “Sa susunod bibigyan kita ng mas maganda pa dito. Sa ngayon, ito muna, ha?” Hinimas niya ang ulo ng anak na hindi matanggal ang mata sa laruang hawak. Pumasok sila sa kilalang fast food chain. Kumain ng mga pagkaing hindi nakain ng anak niya noong nasa bundok pa lang sila at kapos pa lang sila sa pera. Ngayon pwede niya nang bilhin ang ano mang gustuhin ng anak. At para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Ang gaan sa kaniyang pakiramdam. Kumakain sila ng fries ni Evangeline habang tinatanaw nila si Daniel na pinapatakbo ang laruang sasakyan sa sahig ng mall. “Alam mo, Salome? Parang pamilyar ang mukha ng anak mo,”biglang naisatinig ni Evangeline. “Ha? Anong pamilyar?” “Para kasing nakita ko na ang kamukha niya...” Saglit na nag-isip si Vange. Napangiwi ito at napapailing. “Imposible naman iyon. Malayo ang agwat niyo ng lalaking iyon. Mahirap maabot iyon kaya imposible talaga.” Kunot noong pinagmasdan niya lang si Vange. Hindi niya rin maintindihan kung anong pinagsasabi nitong kaibigan niya. “Hindi naman common ang features ni Daniel. Pero nakapagtataka talaga na magkapareho sila ng itsura.” “Sino bang tinutukoy mo, Vange?” Parang kinakausap lang ni Evangeline ang sarili. Nandiyan naman siya pero pinili pang kausapin ang hangin kaysa siya ang harapin. “Wala. Huwag mo nang isipin iyon. Nag-o-over think lang siguro ako.” Nag-change topic na rin agad ang kaibigan niya. Napansin niyang tumakbo papunta sa kaniya si Daniel. Nakangisi na habang hawak ang toy truck sa kabilang kamay. “Mama!” Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. Pinagmasdan niya ang mukha ng anak. Lahat ng features mula sa mata hanggang sa bibig. Nakuha lahat ng bata sa ama. Walang pinagkaiba ang itsura sa ama nito. Kaya kung sino man ang namumukhaan ng kaibigan niya sa anak niya ay imposible talaga. Dahil ang ama ng bata ay mahirap maabot at napakahirap lapitan. Imposibleng makaharap nito ang isang Treous Elagrue. Pagod na pagod si Daniel nang umuwi. Tulog agad ang bata nang makauwi. Pero yakap nito sa kabilang braso ang kanina pa nilalaro na toy truck. Sa kabila ng pait na sinapit niya sa kapatid niya ay may mga taong nandiyan para gabayan siya. Hindi siya pinagkaitan ng tulong at pagmamahal mula sa taas. Kung sino pa iyong mga taong hindi niya kaano-ano ay ito pa ang tutulong sa kaniya sa oras na gipit na gipit na siya. Samantalang ang pinakamamahal niyang kapatid ay siya pang nanghamak sa kaniya. Pero sa kabila ng lahat ay pinagdarasal niyang sana bumalik na ang katinuan ng kapatid niya. Gusto niya nang buohin ang pamilya niya kasama ni Agnes. Gusto niyang ibalik ang lahat-lahat sa dati. Kinabukasan ay balik trabaho na ulit. Medyo magaan ang araw niya kahit medyo dagsaan ang guest sa araw na iyon. Pagod na pagod na siya pero masaya pa rin. Dumaan na lamang siya sa elevator ngunit hinding-hindi na sumagi sa isip niyang sumakay sa guest elevator. “Buti naman,”ani Evangeline. Nang mapansin na nilampasan niya ang elevator. Magkasabay silang tutungo na ngayon paakyat sa fifth floor. At habang padaan sila sa guest elevator ay tila nag-slowmo ang lahat. Dahil habang papasara ang guest elevator ay unti-unting natatakpan ng pinto ang itsura ng binata na seryosong nakatayo sa loob ng elevator. Tila nabato siya sa kinatatayuan nang makita ang itsura ng lalaking matagal niya nang iniiwasan. Si Treous Elagrue. “Hindi...” Naiusal niya sa kawalan. “Salome?” Kunot ang noo no Vange nang balingan si Salome sa likuran. “Wag na kasi diyan sa elevator na yan. Baliw ka talaga!” At hinila ni Evangeline ang wala sa sariling si Salome. Inakala ng kaibigan niyang balak niya na namang sumakay sa elevator ng mga guest. Pero hindi. At hinding-hindi niya iyon gagawin. Hinding-hindi siya lalapit kay Treous. Pero bakit nga ba nandito ang lalaki? Sana lang ay hindi ito totoo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD