Hindi kailanman nagbago ang desisyon nito. At wala siyang choice kundi ang manatili doon. Wala na rin siyang kalayaang lumabas pa gaya noong mga nakaraang araw. Sinusiguro nitong hinding-hindi na siya makakabili ng pills sa labas. Kung ipipilit niya baka madamay ang anak niya. Kailangan niya munang maging sunod-sunuran sa ngayon. Ngunit hindi niya alam kung kailan sila makakaalis sa poder ni Treous. Nagbabalat siya ng apple sa may garden habang abala sa paglalaro ang bata. Nagulat na lang siya nang biglang tumayo si Daniel at tumakbo. Natataranta tuloy siyang sinundan ang anak. Natigil lang siya sa sala nang matanaw kung sino ang sinalubong ni Daniel sa main door. Si Treous pala. Niluluwagan nito ang necktie habang buhat-buhat sa kabilang braso ang bata. Isang linggo pa lang na ina-app