Kabanata 8 - Kakapit Hanggang Sa Mapagod

1932 Words
Napahugot ng malalim na hininga si Audric habang nakatingi sa kawalan. Wala siyang nakikita kahit isang liwanag. Puro kadiliman ang namamahay sa kaniyang mata at inaamin niyang napupuno ng galit ang kaniyang puso. Una, para sa taong gumawa nito sa kaniya. Pinapahanap niya ang taong ito pero hanggang ngayon walang balita mula sa kaniyang Ama at Ina kung nasaan na ang taong ito. Hinding-hindi niya mapapatawad ang taong iyon! Pangalawa, ang kaniyang ex-fiancee na pinili siyang talikuran nang malaman na bulag na siya. Ang buong akala niya ay magpapakasal pa rin ito sa kaniya sa kabila ng kaniyang kapansanan pero nagkamali si Audric. At ang pangatlo, kay Ffion. "Good morning! Kumusta kayo?" Napalingon siya sa kanang bahagi ng bahay kung saan narinig niya ang malambing na boses ni Ffion. Wala siyang nakikita pero nakikita niya sa kaniyang isip kung ano ang ginagawa nito. Alam niyang mahilig sa mga halaman at hayop ang babae kaya hindi na siya nagtataka. "What kind of bird is it?" nakuha niyang itanong. Dalawang buwan na silang magkasama sa Villa na ito at ito pa lang ang unang pagkakataon na tinanong niya ang asawa. "L-love birds." Napatango siya at muling binalik ang tingin sa unahan. Hindi na siya muling nagtanong. Dinama niya ang preskong hangin ng San Mateo at pinuno ang kaniyang dibdib. Napangiti si Audric nang sumagi sa isip niya ang alaala nila ni Ivony. Ang mga masasayang alaala nilang dalawa sa lugar na ito. Dalawang beses na silang nagpunta rito ni Ivony at puro masasayang alaala ang ginawa nila sa bawat sulok ng bahay. Pagmamay-ari ito ng Villanueva family. Isang beses sa isang taon lang sila nagpupunta sa Villa na ito at nagbabakasyon. Dito rin siya pinanganak at naging kasama si Manang Minda noon. Nung tumuntong siya ng labing-dalawa, lumipat sila sa Maynila at doon na tuluyan nanirahan. "Ang ganda naman ng mga bulaklak mo..." Muli siyang napalingon sa dereksyon ni Ffion. Nakikita niya sa isip na nakaharap ito sa isang bulaklak. Her sweet Ffion. Mapakla siyang natawa at napakuyom ng kamao. Nagagalit siya sa tuwing nakikita niya sa isipan ang mapupungay na mata nito na parang handang iiyak. Ibang-iba ito kay Ivony. Ivony is wild, hot and dangerous. While Ffion, is sweet, innocent and fragile. Mga katulad ni Ffion ang babaeng hindi niya nagugustuhan pero exemption ito dahil matalik na kaibigan niya ang babae at kababata. Niligtas siya nito noon mula sa isang malaking aso na muntikan siyang kagatin. He's 12 years old that time at 7 years old ito. Baguhan pa sa Maynila at wala pang kaibigan. Si Ffion ang humarap sa aso at sinabihan nito ang aso na umuwi na at huwag siyang saktan. Himalang nakinig ang aso at tumakbo ito papalayo sa kanilang dalawa at simula noon, naging magkaibigan sila. Simula rin noon, naging attached sa kaniya si Ffion. Iisang school sila ng pinapasukan at palagi ito sa kaniya tumatakbo 'pag may nambubully rito. Siya ang naging sandalan at takbuhan ng lahat ng babae at sa kaniya rin ito unang nasaktan. "Huwag kang mag-alala, araw-araw ko kayong aalagaan dito. Hindi ko kaya hahayaan na may isang malalanta." "Ffion—" Natigil sa ere ang kaniyang sasabihin nang mag-ring ang telepono sa sala. "A-ako na ang sasagot!" "No, ako na." Hindi niya na hinintay na sumagot ang babae. Tumayo siya at tinungo ang sala. Memoryado niya ang sulok ng bahay kahit puro kadiliman ang kaniyang nakikita. Panay ring pa rin ang telepono nang damputin niya ito. "Punyeta! Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko babae ka?!" Boses ito ng kaniyang Ina. Matagal siya bago nagsalita. "If you are looking for my wife, Mom, she's busy." "Audric, son? Oh goodness!" Biglang naging maamo at malambing ang boses nito. Napailing na lamang si Audric at akmang ibaba ang telepono. "We found you a donor!" Natigilan si Audric. Pangatlong donor. Napailing siya. Hindi niya kailangan ito ngayon. Para saan? Kapag naibalik niya ang kaniyang dalawang mata, babalik din ba si Ivony sa kaniya? Walang saysay ang magkaroon ng paningin kung ang babaeng nag-iisang liwanag sa kaniyang buhay ay tinalikuran din siya. Lalo at palpak ang naging unang cornea transplant niya. Mayaman ang pamilyang Villanueva pero hindi kayang takpan ng pera ang sakit na kaniyang nararamdaman ngayon. Kahit naman maging success ito ay hindi pa siya handa. "Don't bother, Mom." "Wait, son!" Binaba niya ang telepono at bumalik sa veranda. Muli niyang dinama ang preskong hanging probinsya nang makaupo siya sa rattan na upuan. Hindi siya magpapa-opera ng mata. Magpapaopera lamang siya kung handa na siyang harapin ang ginawang sakit ni Ivony at mahuli ang taong gumawa nito sa kaniya... "Yes babe, I can't really wait to see you." Ang lawak ng ngiti ni Audric nang sabihin niya ang katagang ito sa long-time girlfriend, na ngayon ay fiancee. Nalalapit na ang kanilang kasal, isang linggo na lang at magiging kaniya na ang dalaga. Hindi siya makapaghintay na magsasama sila sa iisang bahay at matutulog sa gabi na kasama ito. "Same here, babe. Pipirmahan ko lang 'yong contract ko rito sa Paris at aayusin ang mga schedule ko then uuwi na ako diyan sa araw mismo ng wedding natin." Napabuntong-hinga si Audric sa sinabi ni Ivony pero hindi na siya umimik. Ganito niya kamahal ang babae kaya lahat ng gusto nito, nasusunod. Pwede itong hindi magtrabaho dahil kaya niyang ibigay lahat ng mga gusto nito pero wala siyang magagawa. Nagmahal siya ng Model. Mahilig ito sa spotlight at isa sa gusto nito, laman lagi ng internet. "Babe, I love you so much! Don't worry, kapag kasal na tayo. Hihinto ako sa modeling ko for 1 year para makasama ka." Napangiti naman siya. "Really?" "Yes!" Natawa siya sa matinis na boses ng babaeng mahal niya. "Okay-okay, babe. I will call you later, ha? Papunta ako sa office ni Dad ngayon. pinapatawag niya ako. Baka babalaan niya akong huwag ituloy ang pagpapatali ko sa'yo." Ang lakas naman ng halakhak nito sa kabilang linya. "Silly! I love you more, Audric." "I love you everyday, Ivony." And he meant it. Totoong mahal niya ito sa bawat araw-araw. Si Ivony ang sentro ng kaniyang buhay kaya hindi niya maiisip ang buhay niya 'pag wala ito. Binaba niya na ang kaniyang phone at nagseryuso sa pagmaneho. Nakapaskil pa rin sa labi niya ang ngiti na tanging si Ivony lang ang nakakagawa. MATAPOS makausap ang kaniyang Ama sa opisina nito, deretsong tinungo ni Audric ang kaniyang sasakyan sa parking lot. Inanyayahan siya ng kaniyang Ama na bumisita sa bahay nila sa San Simon at hinahanap siya ng kaniyang aguela at aguelo. Nangako siya sa Ama niya na bibisita siya ro'n sa bukas bago ang kaniyang kasal. Ayaw niyang magtampo ang mga ito. Eksaktong pagpasok niya sa kaniyang bagong sasakyan nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang pangalan ni Ffion sa registered number. Nagdalawang isip siyang sagutin ang tawag ng dalaga pero sa huli ay pinindot niya ang answer button. "Adi!" Napailing si Audric sa matinig na boses nito. Ffion was his bestfriend. 'Was' for past tense. Kababata niya ito at matalik na kaibigan. Nag-away sila ng dalaga dahil sa hindi pagkakaintindihan. Pinutol nito ang kanilang pagkakaibigan at hindi ito nagpakita sa kaniya ng dalawang buwan. "Yeah?" "Sorry for messing up with you." Napabuntunghinga siya. "Where are you? Isang linggo na lang kasal ko na. Tatanggapin ko lang 'yan sorry mo kapag nagpakita ka sa araw mismo ng kasal ko." Mahabang katahimikan ang namagitan bago sumagot ang dalaga sa kabilang linya. "Yep-yep! Kasal ng best friend ko iyon kaya dapat present ako that time." "Good." Napangiti na siya. Sinimulan niyang paganahin ang makina ng kaniyang sasakyan. Dadaanan niya pa sa Mall ang kaniyang Ina kasama ang mga kaibigan nito. Nag-absent ang kanilang family driver at ayaw nitong mag-taxi. "Adi..." "Oh?" "Sure na ba talagang magpapakasal ka?" Napabuntunghinga siya. "Iyan ka na naman Ffion. I thought you like Ivony for me?" Tumawa naman ito sa kabilang linya. "Yeah, yeah. I'm just messing your mood. I miss you!" "I miss you too." "And I'm sorry..." seryusong saad nito. "Ha?" "I'm sorry kung naging selfish ako. I promise magpapakita ako sa kasal niyong dalawa." Natawa naman siya. Nawala ang pagtatampo niya sa dalaga at sa dalawang buwan na pang-iiwas nito sa kaniya. "Okay-okay. Asahan ko 'yan, ah?" "Yes." Saka ito nawala sa kabilang linya. Napailing na lamang si Audric na nilagay sa dashboard ang cellphone. Spoiled brat ang dalaga at nasanay na siya sa pagiging matigas nito ng ulo pagdating sa kaniya. Matanda siya rito ng limang taon kaya siguro ganito ito umasta sa kaniya. Pero mabait ang dalaga. Sweet and innocent ang dating nito sa ibang tao pwera sa kaniya. Hindi alam ni Audric na iyon na ang huling araw na makikita niya lahat ng kagandahan ng mundo. Hindi niya namalayan ang taong kanina pa nakasakay sa likuran ng kaniyang sasakyan at bigla nitong binombahan ang kaniyang mata ng malakas na uri ng chemical. Napasigaw siya sa sakit pero kasunod niyon ay isang malakas na palo sa kaniyang ulo para mawalan siya ng ulirat. *** NAPATINGIN si Ffion kay Audric. Alam niyang kausap nito ang donya. Gusto niyang tanungin ang lalaki pero pinili niyang huwag. Magagalit lang ito sa kaniya. "Ffion?" Napaigtad siya sa kaniyang kinatatayuan. "S-sorry!" Agad niyang binawi ang kaniyang tingin. Sandali niyang nakalimutan na ayaw ng lalaki na tinitigan ito. "Never pick the phone next time." "Ha?" Nagulat naman siya at muling napatingin dito. "B-bakit?" "Because I said it. Never pick the phone start from now on. Hayaan mong mag-ring nang mag-ring ang telephone." "O-okay..." Napatango siya. "P-pero magagalit ang Ina mo s-sa'kin." Hindi ito kumibo. Nakagat na lamang niya ang kaniyang labi. Ibig-sabihin ng hindi pagkibo ni Audric ay ayaw nitong magtanong siya ng iba pang bagay. Muli niyang hinarap ang kaniyang mga halaman. "Ako ang asawa mo. Kaya sa'kin ka makinig," marahang saad nito. Parang may kung anong sumikdo sa puso niya nang sabihin ni Audric ang linyang iyon. Asawa siya nito? Hindi niya mapigilan mapangiti. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinabi nitong asawa siya siya. Nararamdaman niyang umuusad ang kanilang relasyon kahit minsan ang hirap intindihin ni Audric. Tulad ngayon, maganda ang pakikitungo nito sa kaniya at mamaya nito ay bigla na naman itong maging lion. "S-sige hindi ko sasagutin 'pag tumawag si Tita." "Good." Hindi nawala ang kaniyang ngiting hinarap niya ang mga halaman. Mas lalong naging masaya ang kaniyang araw sa isipin good terms sila ngayon ng lalaki. HINAYAAN ni Ffion ang telephone na panay ang ring sa sala. Kahit kating-kati na siyang sagutin ito at baka importante ay hindi niya ginawa. Ang kaniyang asawa pa rin ang masusunod sa pamamahay na ito. Napahinga siya nang maluwang nang matigil ang ring. Pwede na siyang umalis at sumama kay Manang Minda. Ngayon sila pupunta sa lungsod para bumili ng groceries at kahit anong magustuhan niyang bilhin. Nasa veranda si Audric nang magpaalam siya rito. "Aalis muna kami ni Manang Minda papuntang palengke. B-babalik din kami agad mamaya..." "Mas masaya ako kung hindi ka na babalik." Ngumiti siya ng pilit. Alam niyang sasabihin ito ni Audric. Hindi na siya dapat pa na maapektuhan pero ewan at bakit nasasaktan pa rin siya. "B-babalik ako, dahil asawa mo ako." Umungol lang ito at hindi na muling nagsalita. Pinuno naman niya ng hangin ang kaniyang dibdib saka siya umalis sa harapan nito at kinuha sa garahe ang wrangler jeep na pagmamay-ari nito. Isang sulyap muna ang kaniyang binigay sa lalaki saka siya tuluyan umalis. Hinding-hindi siya aalis sa buhay nito kahit ilang beses siya nitong itulak palayo. Kakapit at kakapit siya hanggang sa mapagod ito sa kakatulak sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD