"May masama bang nangyari sa'yo, Calix? Bakit ang tahimik mo?" Bumuntong-hininga na lamang si Calix saka mabilis na nagkibit-balikat sa tanong ni Sage, nanatili ang mga mata nito sa screen ng kanyang laptop kahit pabalik-balik lang naman ang mga pictures na inaasikaso nito simula kanina. Maaga nitong natapos ang trabaho n'ya, sadyang ayaw lang nitong makisali sa usapan ng tatlo dahil hindi pa rin ito maka-move on mula sa bangungot na naranasan n'ya kahapon. "What the hell are you doing, Bastard? Don't tell me you're having a porn marathon in your office? Damn!" nanlilisik ang mga matang bulyaw ni Knight sa kanya. Mabilis na humakbang ang kaibigan papunta sa kinaroroonan nito kaya naman wala siyang nagawa kung hindi tumingala at titigan ito. Gusto nitong magsalita at ipagtanggol ang s