Alam nitong maari siyang mahuli ng awtoridad dahil may konting tama na ito ng alak habang nagmamaneho. Kaya naman, ingat na ingat si Calix hanggang sa makarating siya ng condominium unit. Kung hindi ba naman kasi napasarap ang usapan at kalokohan ng QUATRO habang nilalantakan ang pinabaon sa kanyang pagkain ni Diamond tiyak maaga siyang nakauwi at hindi kung saan-saan napupunta ngayon ang isip n'ya. Ilang beses din itong napailing sa kinatatayuan at sinubukang pawiin sa isipan ang payo ng kaibigan dahil kahit anong gawin nito ay alam n'yang paninindigan ni Diamond ang desisyon nitong mananatili lamang sila sa kanyang puder hanggang sa maisagawa ang bone marrow transplant para kay Cali. "Diamond? Anong ginagawa mo dito?" laking pagtataka n'yang tanong. Hindi nito inaasahan na makikita n