Halos tatlong oras nang naghihintay si Calix na pagbuksan ito ng pinto ng kaibigang si Knight. Kung hindi ba naman kasi ito baliw, kanina pa sana sila nakapag-usap na dalawa pagkatapos ng board meeting na hinarap nito. Masuyo siyang naghintay dito ngunit bigla na lang siya nitong binulyawan at pinagsarhan ng pinto kanina. "What are you doing here, Calix? Hindi ba dapat nasa laboratory ka na ngayon para malaman ang result ng DNA Paternity Test ninyo ni Cali?" Humugot siya ng malalim na hininga at naupo na lamang sa visitor's chair na nasa harapan ng mesa ni Knight. Itinukod nito ang siko sa ibabaw ng mesa saka napakalumbaba. "Ahm. Hinahanda ko pa ang tite ko, Dude. Alam mo na, warm up muna bago ang sakuna." Para namang may bumagting sa tainga ng kaibigan at mabilis siya nitong tinitigan