"Good evening, Diamond," nakangiting bati ni Calix saka pinagmasdang mabuti ang hugis ng katawan nito sa suot na pink duster. Mukhang naalog nga yata ang utak n'ya dahil sa sobrang lakas ng sampal ng babae ni Sage. Ilang beses kasi nitong ikinurap ang mga mata pero mas lalo lamang gumanda sa paningin n'ya si Diamond. Tinimpi naman nito ang nararamdamang paghanga sa babae at sinubukang sundin ang utos ni Sage. Saglit tuloy siyang napapikit at itinatak sa isipan na hindi babae ang kaharap kung hindi isang binabaeng may lawit din tulad ng tinatago n'ya. At nang imulat nito ang mga mata, agad n'yang naramdaman ang mala-higanteng pana na bumaon sa kailaliman ng puso n'ya dahil sa inosenteng tingin ni Diamond. Anak ng lawit! Paano ito magmumukhang binabae sa paningin n'ya kung babaeng-babae