Celestine’s Point of View I couldn’t believe this is happening. Hindi ko magawang tumingin nang diretso sa mata ni Soul dahil sa takot na baka malunod ako rito at hindi na makaahon pa. Natatakot ako na tuluyang maakit at ibaba ang aking mga depensa. Hindi ko maipaliwanag, pero ganoon na lang ako ka-nanghihina sa presensya niya. Tila ginigiba ng presensya niya ang katatagan ng pader na itinayo ko sa pagitan naming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang hila ng init na nagmumula sa kanya. His eyes are so tantalizing; so captivating. Napalunok ako at pilit na iniiwasan ang mapang-akit niyang mga mata. Pero tila magnet nitong hinihila ang atensyon ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil alam ko sa sarili kong mali itong ginagawa namin kahit saang anggulo man tingnan. “Cea...” tawag niya. Na