Chapter 7 -Italyana nga naman- ?

2528 Words
◄Zandro's POV► Pagkarating namin ng penthouse ko ay tahimik lang siya. Nakikita ko na matindi ang takot niya sa akin kaya kailangan kong gumawa ng paraan upang mapanatag ang kalooban niya at magtiwala sa akin. "Jocelyn, makinig ka sa akin ha. Hindi kita dinala dito para saktan ka. Nandito ka sa lugar ko para lamang makausap ka. Huwag kang masyadong mag-isip dahil hindi 'yan makabubuti sa ipinagbubuntis mo. Isipin mo na lang na kaya ko ito ginagawa ay para matulungan ka. Ligtas ka sa akin at ang magiging anak mo basta magtiwala ka lang. Wala akong intensyong masama sa'yo. Kung gusto mo ay mananatili lang ako dito at hindi kita lalapitan." Napatingin siya sa akin. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang takot at pag-aalala. Marahil ay dahil sapilitan ko siyang dinala dito. Kailangan kong gawin ito dahil ipinagbubuntis niya ang anak ko. Hindi ko man masasabi sa kanya na ako ang ama ng dinadala niya, at least sa pamamagitan ng pag-aalaga ko sa kanya ay masusuklian ko ang pagkukulang bilang ama ng bata. "Bakit mo ba ito ginagawa? Hindi mo naman ako kakilala. Bakit ba ganuon na lang ang interes mo na matulungan ako?" Hindi agad ako nakakibo. Naghahanap ang aking isipan ng pwede kong sabihin sa kaniya na hindi niya ako pagdududahan. "Jocelyn, after hearing everything you have been through, I can’t help but feel deeply connected to the challenges you’re facing." Alam ko na napakahirap ng pinagdadaanan mo lalo pa at hindi mo kilala kung sino ang ama ng iyong ipinagbubuntis. I want to be there for you during this pregnancy, to support you in every way I can, kahit na alam kong weird para sa'yo ang gusto kong mangyari. Let me help you find the best doctor to ensure you and the baby receive the highest level of care, kasi iyon ang kailangan mo ngayon upang makaiwas ka sa stress at hindi ka malugmok sa kalungkutan. Kailangan ka ngayon ng iyong anak kaya kung kinakailangan na magpanggap ako bilang tatay ng ipinagbubuntis mo ay gagawin ko, pumayag ka lang na matulungan kita. I want to provide everything you need, whether it’s medical attention, comfort, or anything else that might make this journey easier for you. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari. Itong penthouse ko na ito, walang nakakaalam na pag-aari ko ito, pwede kang pumunta dito everyday kung gusto mo ng isang lugar na tahimik para makapag-relax ka. May pool ako diyan, lahat ng kakailanganin mo ay mayroon ako dito. Please, Jocelyn, allow me to stand by your side and help you through this. Iyon lang ang hinihiling ko sa'yo." Nagulat siya sa sinabi ko at pinakatitigan niya ako. Hindi ko naman alam kung ano ang idudugtong ko sa sinabi ko. Natahimik na lang ako at nakatitig lang din ako sa kanya. Alam kong naguguluhan siya dahil isa akong Hendrickson. Alam ko na nagtataka siya kung bakit ko ito ginagawa. "Pero bakit? Bakit parang concern ka sa amin ng ipinagbubuntis ko? Mister. Zandro Ajur Hendrickson. Titigan mo ho akong mabuti at sabihin mo sa akin kung ano ang maganda sa pagkatao ko ang nakikita ninyo para magpakita kayo sa akin ng ganyang uri ng concern." Ngumiti ako sa kanya at ilang hakbang papalapit ang ginawa ko sa kanya. Bahagya siyang umatras pero ipinagpatuloy ko lang ang paghakbang ko. Huminto ako sa harapan niya at humugot ako ng malalim na paghinga. Inalis ko ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing sa mukha niya at muli akong ngumiti. Nakikita ko ang pagkailang niya, nakikita ko na naaasiwa siya na makita ko ng malapitan ang kanyang mukha. "When I look into your heart, I feel like I’m seeing the true essence of who you are. There’s a beauty in you that goes beyond the surface, something deeper and more profound that I can’t quite put into words. Sa tuwing nakikita ko ang iyong mukha, I’m reminded of what real beauty means, something pure, genuine, and completely captivating. Hindi ko kayang maipaliwanag kung bakit ganito ang sinasabi ko sa'yo ngayon at kung bakit ganito ang nararamdaman ko, but it’s the truth that stirs within me. I know I might seem foolish to you, but I’m simply speaking from the depths of my heart." Nagulat siya sa tinuran ko, pero mas higit akong nagulat. What the fuuuck am I even saying? Nababaliw na ba ako? Nagulat ako ng bigla niyang sinalat ang noo ko at ang leeg ko. Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang dalawang kilay ko. Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito? Bakit niya sinasalat ang noo at leeg ko? "Wala ka namang lagnat, pero bakit para kang nagdidiliryo at kung ano-ano na lang ang pinagsasasabi mo diyan? Okay ka pa ba? Kasi kung hindi, ako ang maghahanap ng magaling na doktor para sa'yo. Para kasing mas ikaw ang nangangailangan ng kalinga ng magaling na doktor." Bigla akong natigilan sa tinuran niya. Kumibot-kibot ang labi ko, pagkatapos ay bigla akong bumunghalit ng malakas na tawa sabay atras ko ng bahagya upang makaupo ko sa malapad at malambot na sofa. "Damn! You really got me with that one, big time. I can't stop laughing. You’ve absolutely made my day. Seriously, I’m laughing so hard, and I can barely catch my breath. That was just too good!" Sagot ko kaya inirapan niya ako. Humawak pa ako sa aking dibdib at pilit kong pinapayapa ang aking kalooban upang makausap ko siya ng maayos. "Well, anong masasabi mo sa offer ko? Halika dito sa tabi ko, maupo ka dito dahil buntis ka. Gusto kitang alagaan at hayaan mo lang ako." Hindi siya kumibo. Alam kong ang weird lalo na para sa kanya, pero ako ang tatay ng dinadala niya na hindi ko naman masabi sa kanya kaya kailangan ko siyang alagaan habang buntis ito. Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kailan ko ito maitatago sa lahat na ako ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. "Halika dito sa tabi ko, huwag kang matakot sa akin." Ani ko. Ngumiti naman ako sa kanya para makita niya na wala naman akong gagawing masama. Gusto ko lang siyang makatabi para makausap ko siya ng maayos. Napangiti ako ng naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko. Hindi na siya nag-atubili at naupo siya sa tabi ko. Natawa ako ng bigla niya akong nginusuan. Bakit hindi pangit ang nakikita ko sa kanya? Oo at malalaki ang ngipin niya dahilan kaya medyo nakausli ang nguso niya, pero wala akong makitang pangit sa kanya. Maaaring ang panlabas niyang anyo dahil makakapal ang dalawang kilay niya, may malaki siyang nunal, may malaki siyang suot na salamin pero nakikita ko naman na wala itong grado. Ang kutis niya ay maitim at ang buhok niya, parang walis tambo sa tigas pero gayunpaman, para sa akin ay hindi siya pangit. Matangos naman kasi ang ilong niya. Actually, there's something incredibly attractive about her nose. It's delicately pointy and perfectly small, adding a unique charm to her face na hindi niya kayang itago. Hindi lang pansinin ang maganda niyang ilong dahil agaw pansin ang malaki niyang nunal sa mukha. But overall, it’s her eyes that truly captivate me. They’re so stunning that it seems like she’s trying to downplay their beauty by hiding them behind her eyeglasses. But why? Hindi ko maunawaan kung bakit itinatago niya ang magaganda niyang mga mata sa pag-gamit ng eyeglasses. There's a certain mystery in the way she does it, at alam ko na alam niya kung gaano kaganda ang kanyang mga mata. Ang mahahaba niyang pilikmata na nagdadagdag ng kaakit-akit sa kanyang mga mata kaya parang laging namumungay ang mga ito. Damn, so pretty! Inangat ko ang kamay ko. Hinawakan ko ang temples ng kanyang salamin sa mata upang tanggalin ito, pero tinanggal niya ang kamay ko. "Gusto ko lang makita ang mga mata mo. Hindi ka ba aware na napakaganda ng mga mata mo? Ang kulay ng mga mata mo, kakaiba at hindi purong Filipino. May lahi ka ba?" Kinunutan niya ako ng noo at nginusuan ako bago ito nagsalita. "Oo may lahi ako. Italyana kaya ako." Nagulat ako sa isinagot niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na may lahi nga pala siya, kaya ang ganda ng kanyang ilong at ang ganda ng kanyang mga mata. Pero bakit maitim ang kulay ng kanyang balat? "Wow! Talaga?" Bulalas ko. Tawang-tawa naman siya sa akin kaya napakunot noo ako. Ano ba ang nakakatawa sa tanong ko? Pero ang ganda niyang tumawa, kahit may malaki siyang problema ay nagagawa pa rin niyang tumawa. "Oo nga Italyana ako. Half Ita, half Ilocana, Italyana! Oh 'di ba?" Napabunghalit naman ako ng tawa. Hindi ko ine-expect ang sagot niya. Ang bubbly lang ng babaeng ito, parang napaka-easy lang ng buhay para sa kanya kahit na ba may kinakaharap itong malaking problema. "Uhm, pwede ba akong magtanong ng medyo personal tungkol sa buhay mo?" Napatigil siya sa pagtawa, pagkatapos ay umiling ito kaya pilit akong napangiti sa kanya. Gusto ko lang naman sanang alamin ang tungkol sa kanyang mga magulang. Narinig ko kasi nuon na hinahanap niya ang kanyang ama, baka lang makatulong ako, pero mukhang wala siyang interes pag-usapan ang personal niyang buhay. "Ang sabi mo ay tutulungan mo lang ako dito sa batang ipinagbubuntis ko. Sa totoo lang ay hindi pa ako handa na maging isang ina, pero dahil kaloob ito sa akin ng panginoon ay tinatanggap ko ang hamon. Palalakihin kong mag-isa ang anak ko at sigurado ako na magiging kasing ganda ko ito." Bigla akong nasamid ng sarili kong laway kaya sunod-sunod na ubo ang nagawa ko. Masamang titig naman ang ipinukol niya sa akin kaya tawa ako ng tawa ng makahinga na ako ng maayos. "Hindi ka ba naniniwalang maganda ako?" Napatitig naman ako sa kanya dahil sa tanong niyang 'yon. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko, at ewan ko kung bakit ko hinaplos ng likod ng aking palad ang kanyang mukha. "You are beautiful, inside and out." Wika ko sa kanya kaya bigla siyang natigilan. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa ibang direksyon pagkatapos ay bigla itong natawa. "Bulag pala ang mga Hendrickson, ngayon ko lang nalaman." Sabi niya kaya simple akong natawa. Sumandal ako sa sandalan ng sofa at saka ko hinila ang kanyang balikat upang mapahiga siya sa aking dibdib. Gulat na gulat naman siya. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Siguro nga ay talagang nasisiraan na ako ng bait, pero kahit anong utos ko sa aking sarili ay hindi ko maiwasang hindi dumikit sa kanya. Am I falling in love with her kahit alam kong pangit siya? I’m not sure. But I can’t deny this feeling that, despite her ugly appearance, I find myself genuinely happy every time I see her. There’s something about her that brings me joy, something beyond appearances, and it’s that feeling I can’t seem to shake. Damn, naguguluhan na ako. "Uhm, anong ginagawa mo?" Tanong niya. Pero hawak ko pa rin ang ulo niya at nakadiin ito sa dibdib ko para hindi siya makatayo. "Ewan ko Jocelyn. Nababaliw na yata ako. Anyway, ano ba ang pinaglilihian mo?" Natahimik naman siya. Hindi ko alam kung ayaw lang niyang magsalita o nag-iisip lang siya ng malalim. "Wala pa sa ngayon. Basta lagi lang akong inaantok. Kaibigan ko ang nakapuna sa akin na lagi daw akong tulog ng tulog. Tapos ayoko ng amoy ng kumukulong sinaing. Nasusuka ako at talagang naglalagi ako sa banyo. Bumili siya ng pregnancy test, tatlo 'yun at duon na namin nakumpirma na buntis nga ako." "Anong naramdaman mo ng malaman mo na buntis ka? Hindi ka ba natakot?" "Natakot ako. Umiyak nga ako ng umiyak pero pinapatawa akong pilit ng kaibigan ko. Huwag daw akong umiyak kasi magiging pangit daw ang anak ko, sayang naman daw kung hindi nito makukuha ang ganda ko. Kawawa daw ang baby ko kapag naging pangit ito na kamukha ng kanyang ama." Bigla akong umubo ng sunod-sunod na halos hinahabol ko na ang paghinga ko dahil sa tinuran niya. Hindi ako makapaniwala na iniisip nila na ako ang pangit. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa ubo ng ubo. Baka may sakit ka tapos mahahawaan mo pa ako. Buntis kaya ako at bawal sa akin ang magkasakit." Bigla naman akong natahimik. Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa kanyang sinabi. "Pumapayag ka na ba na bibigyan kita ng access dito sa penthouse ko? Kapag gusto mong mag-relax ay pumunta ka lang dito. Mas mapapanatag ang loob ko kapag nalaman ko na naglalagi ka dito. Kapag malaki na ang tiyan mo at gusto mo itong itago, dito ka lang lagi. Huwag kang mag-alala, pwede kang mag-research tungkol sa pagkatao ko. Mabuti akong tao Jocelyn at hindi kita sasaktan." Tumingin siya sa akin at saka ito nagsalita. "Babaero naman." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi yata at nag-research na siya tungkol sa akin samantalang kanina pa lang naman ako nagpakilala sa kanya. "Huwag kang magtaka. Nag search ako sa internet tungkol sa mga Hendrickson, ang sabi ay numero unong babaero ang mga Hendrickson." Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na nagkaroon siya ng interes na saliksikin ang katauhan naming mga Hendrickson. "Sige pumapayag ako. Gusto ko rin ng isang lugar na mapupuntahan ko, 'yong malayo sa mga mata ng mapanuring tao. Lalo na sa paglaki ng tiyan ko, sigurado ako na pagtatawanan nila ako. Puro na nga panlalait ang nangyayari sa akin dahil sa hitsura ko, sigurado ako na mas lalaitin nila ako kapag nakita nila na unti-unti ng lumalaki ang tiyan ko. Pero may kondisyones ako." Ngumiti ako sa kanya, pero may galit akong nararamdaman sa mga taong nang-aalipusta sa kanya dahil lamang sa pangit ang panlabas nitong anyo. Ngayong pumayag na siya ay sisiguraduhin ko na magiging maayos ang pagbubuntis niya. Na maaalagaan ko siya habang unti-unting lumalaki ang kaniyang tiyan. Pero ano ang kondisyon niya? "Go ahead and tell me what conditions would need to be met for you to accept my offer. I’m eager to understand what it would take to make this work for you." "Walang susunod sa akin. Kahit na isang tao ay hindi ako susundan sa mga lugar na pupuntahan ko. Kung gusto mong gawin ko ang gusto mo, dapat sumunod ka rin sa kondisyon ko. Hindi mo rin hahalungkatin ang personal kong buhay, hindi 'yon kasali sa pagtulong mo sa akin. Salamt at iyon lang po ang gusto kong sabihin." Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Pero kailangan kong sumunod sa kondisyones niya kung ito ang gusto niya. "Okay. Makakaasa ka na hindi kita pasusundan kahit na kanino. Magiging malaya ka na gawin ang lahat ng gusto mo." Ngumiti siya sa akin at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Damn, bakit ganito ang naramdaman ko? Bakit nasasarapan ako sa pagkakayakap niya sa akin? Nababaliw na nga talaga ako. "Hala, sorry, po!" Wika niya sabay bitaw sa akin. Natawa na lang ako ng mahina at tumayo ako. "Halika, ituturo ko sa'yo ang magiging silid mo. Ipapamili na rin kita ng mga damit na masusuot mo." Ngumiti siya sa akin kaya tinulungan ko na siyang tumayo upang dalhin siya sa magiging silid niya. Bakit ako ganito kasaya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay sobrang saya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD