◄Zandro's POV► Nandito ako sa harapan ng pintuan ng suite nila. Kanina pa ako pindot ng pindot ng doorbell, pero wala namang nagbubukas. Alam ko na nandito sila dahil nakita ko ang mga bantay niya sa ibaba at sa hallway ng floor na ito na palakad-lakad. Muli kong pinindot ang doorbell at sinasabayan ko na rin ng pagkatok. Pero hanggang ngayon ay walang nagbubukas. Nakatayo lang ako dito, nakangiti ako at nakatingin sa peephole. Alam ko na may tao na nakatingin dito at pinagmamasdan ako. Hindi ako aalis hangga't walang nagbubukas ng pintuan. Muli kong pinindot ang doorbell, panay din ang katok ko. Ang mga bantay ay napapatingin lang sa akin pero hindi nila ako nilalapitan at hindi rin naman nila ako pinipigilan. Humugot ako ng malalim na paghinga at pilit kong pinapakalma ang dumadagund