-Continuation- ┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "I know, and don't worry kung kakailanganin ko ng tulong mo ay hindi ako magdadalawang isip na lapitan ka. Sa ngayon ay may gusto muna akong hanapin, kapag talagang mahihirapan ako, asahan mo ang pagkatok ko sa iyong pintuan." Sagot ni Zandro. "Babae? Mahal mo? Kung babae at mahal mo, hindi ba dapat ay gawin mo ang lahat upang makamit mo ito?" Napangiti si Zandro sa tinuran ni Dazzle. Muli namang sumulyap si Dazzle sa kinaroroonan nila Marcus. Malakas na nagtatawanan ang mga ito lalo na si Marcus kaya ang lahat ay napatingin sa kanila. Muling humarap si Dazzle sa kanyang pinsan. Naniniwala ito na may dinaramdam ang kanyang pinsan at hindi lang ito lumalapit sa kanila. Gusto niyang alamin, pero kailangan niya ng permiso ni Zandro bago siya makialam sa buh