"Damian, ginulat mo naman ako!" Sita ko, pero mabilis na ibinalik ang tingin sa mga bulaklak na dala niya. It's red roses. "San mo naman nakuha to?" Tanong ko at tinanggap ang mga iyon. Base sa itsura ng mga tangkay nito ay bagong pitas lang ang mga ito at mukhang mano mano pa ang pagpitas dahil hindi pantay-pantay. "My grandma had a rose garden she personally tends to, hindi ko alam na pinagpatuloy alagaan ng mga hardinero even though it's been years since she passed away. Nadaanan ko habang papunta rito, and I thought you'd love it." Paliwanag nito. "They're beautiful..." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "Thank you." Inamoy ko ang mga rosas, at napakabango ng mga ito. "E pero teka bakit ka nandito?" Tanong ko sabay check sa phone ko para tingnan ang oras. "Halos wala pang isang o