"Damian, hawig na hawig kayong dalawa ng lolo mo." Pagpasok sa beach house na pagmamay-ari niya ay bubungad kaagad ang malaking wedding photo ng lolo at lola nito. The patriarch and matriarch of the Vladimir clan. "I heard that a lot, pero mas gwapo pa din ako." Pagyayabang nito. Naparolyo nalang ako ng mga mata dahil sa kahanginan nito, though totoo naman. "We should also have our wedding photoshoot, para mapalitan na natin ang larawang yan jan." Suhestiyon nito. "Bakit naman natin papalitan ang picture ng grandparents mo?" Sumunod ako sa kanya and a spacious living area welcomed me. The interior of the beach house is similar to the ancestral house. The ground floor is elevated and the walls are made of limestones. Pinaghalong modern at traditional ang disenyo ng beach house, at ting