"Hindi mo ba babatiin ang kapatid mo at si Christine?" Tanong ko kay Damian matapos kong ibalita sa kanya na magkakababy na ang dalawa. Excited pa naman akong ikwento sa kanya dahil akala ko ay matutuwa ito, lalo pa at best man niya si Mark sa kasal namin, tapos naikwento ko din ang ginawa ni Christine tungkol sa gown ko kaya ako naghahanap ng ireregalo rito. "I'll just text him later." Sagot niya at ininom ang wine na dinala ko para sa kanya. "You know it will make them happy if you congratulate them personally." Napatingin ako sa direksyon ng mag-asawa. Ilang mga pinsan nalang ngayon ang nasa paligid nila Mark at Christine na binabati pa din sila. Nagkanya kanya na kasi ng kwentuhan sila mama Alice, papa Sebastian at ang mga tita ni Damian na hanggang dito sa pinupwestuhan namin ay ri