"Sorry ma'am, pero hindi po nakikipagkita si Mr. Damian Vladimir kung wala pong appointment. Pwede ko kayong iset ng appointment sa kanya, pero sa busy schedule nito ay baka sa susunod na dalawang buwan pa siya magkaroon ng vacant time." Ani ng babaeng nasa front desk na lumabas para kausapin ako na nagpakilalang secretary niya.
"Sinabi mo ba sa kanya kung sino ako, miss?" Tanong ko. Pano iba ang feeling ko sa babaeng to. Kung makatingin kasi sa akin akala mo ay may ginawa akong malaking kasalanan sa kanya.
"Yes." Sagot nito na para bang naiinis na nagtanong pa ko.
Hindi na ako nakipagtalo pa and left the Majestic Centre office building. Kasalanan ko rin naman because I got too c*cky by thinking na haharapin ako ni Damian kapag nalaman nitong gustong nakipagkita ni Felicity Romero-Ortega sa kanya. I thought macucurious ito kapag nalaman niyang nasa office building niya ang anak ng kakompitensya niya sa negosyo.
Now I have to think of some other ways to meet him. Wala na akong masyadong oras. Ilang buwan nalang ay ikakasal na ako kay Alec. Though I already broke off the engagement, siguradong gagawa si papa ng paraan para matuloy ang kasal. Reputasyon at alyansa sa negosyo niya ang nakataya sa kasalang iyon kaya tiyak kong hindi ito basta basta susuko at tanggapin nalang ang sinabi ko na hindi na ako magpapakasal. Isang proweba doon na hindi niya ako tinitigilan sa pagtawag at pagmessage.
Sunod kong plano ay ang bumili ng bagong phone dahil hindi ako tinatantanan ng pagmessage pati na ni Alec. Tinatanong nito kung bakit bigla kong ayaw ng magpakasal sa kanya. Hula ko ay hindi pa sinasabi ni papa ang tungkol rito sa mag-asawang Tan dahil hindi naman nila ako kinocontact at tinatanong tungkol rito. Ibig sabihin nalaman ni Alec ang tungkol rito sa ibang tao, and obviously that person is Samantha.
Iboblock ko na sana ang number niya, pero nang mabasa ang pinakabagong message nito ay hindi ko muna ito blinock.
'You know that tomorrow's event is very important. Kailangan nating pumunta na magkasama sa business summit na iyon para ipakita ang matibay na alyansa ng mga pamilya natin. If we have a problem, pag-usapan nating dalawa Fel. Hindi yung ganito. You know that we've been preparing for this event.' Pagbasa ko sa text nito.
This is it! I almost forgot about this event! Dadalo rin si Damian sa summit na to. I remembered it dahil naging center of attention ito noong nangyari to sa nauna kong buhay. He attended at agad na pinagkaguluhan ng mga datihan at baguhang negosyante para makadaupang palad ito. Natatandaan ko pa kung panong nagalit si papa at daddy ni Alec dahil inagaw ni Damian ang atensyon ng lahat sa halip na pag-usapan ang tungkol sa pagmemerge ng dalawang pamilya, ang Ortega at Tan.
Dali dali akong nagready ng masusuot dahil bukas na ang event na to. Hindi ako nagreply kay Alec dahil wala akong balak na pumunta at sumama rito. Alam kong sooner or later ay kailangan ko rin itong harapin, but not now. Kailangan ko munang masigurong magtagumpay ang mga plano ko bago ako makipagkita rito at harapang sabihin na hindi na ako magpapakasal pa sa kanya.
Kinabukasan, pumunta nga ako sa event. Nakakuha ako ng invitation sa secretary ni papa. Siguro ay iniisip nito na pupunta ako para makipag-ayos sa ama ko kaya binigyan niya ako ng isa at walang kahit na anong tinanong.
Katulad na katulad ang event sa memoryang meron ako. Everything is indeed like it was in my first life. Never kong naisip na mararanasan ko ang bagay na ito sa ikalawang pagkakataon. Kahit tanggap ko na na bumalik ako sa nakaraan, nakakamangha pa rin ang mga nangyari.
Umiling ako at kinundisyon ang sarili. This is not the time to be amazed. Kapag hindi ko nabago ang mangyayari sa hinaharap at nakasal kay Alec, mararanasan ko nanaman ang lahat ng panglolokong ginawa nila sa akin.
Para hindi nila ako makilala ay iniba ko ang ayos ko. Unlike my stepsister, Samantha, who is more daring, classy naman ang style ko na medyo old fashion kaya halos balot kapag may mga ganitong event na pinupuntahan, but not this time.
Dahil mayroon akong kailangan kay Damian, I have to at least make an effort na tingnan niya ako. So I dressed up the way his exes dressed. Sexy at revealing, maiksi but still sophisticated. I also wore a black fascinator with see through fabric para pwede kong itago ang mukha ko sakali mang makita ko sila papa at pamilya ni Alec.
At tulad nga ng inaasahan ko, naroon silang lahat sa event. The object of my revenge. Parang gusto kong hablutin ang barìl ng security at pagbab*rilin nalang silang lahat. But to see them die in an instant is not enough. Kailangan nilang mahirapan at masaktan tulad ng ginawa nila sa akin.
Nang makarinig ako ng tilian at medyo nagkakagulo ang ibang mga negosyante ay alam ko na kaagad kung ano ang nangyayari. He's here. Damian has arrived.
Syempre hindi ako lumapit rito. I just observed from afar, and seeing my father's displeased face habang nakatingin sa pwesto ni Damian is so satisfying. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mukha nito kapag nalaman niyang pakakasalan ko si Damian. I'm looking forward to seeing the look of betrayal in his face.
Binalik ko ang tingin kay Damian. I'm being too confident, hindi ko pa nga napapapayag ang isang to. Pero sa pag-iimagine ng ikababagsak ng papa ko at ng pamilya ni Alec nalang kasi ako kumukuha ng lakas ng loob para mabuhay. Kailangan kong makitang masaktan at bumagsak lalo na si tita Gina, Samantha, at Alec.
Nang matapos ang event ay kaagad kong inambush si Damian Yvañes-Vladimir habang papalabas ito sa pinagdadausan ng summit gamit ang ibang exit parking area.
"It's okay." Senyas nito sa mga body guards niya. Though halatang naiinis ito dahil hindi nagawa ng maayos ng security niya ang trabaho at may nakalampas na isang maliit na babaeng tulad ko.
Well, I'm just 5'4 in height, and seeing him this close, tingin ko ay lampas 6ft tall siya, making me look small standing beside him.
"What can I do for you," Natigilan siya at sinuri ako mula ulo hanggang paa. "Felicity Ortega. Am I right?" Dugtong nito.
Kilala nya ko? Well I guess dahil dun sa nakaraang charity event?
"I have something to offer, Mr. Vladimir." Diretso kong sabi para makuha agad ang atensyon niya.
"If that's a business proposal, then get an appointment at my office. I'm busy." Sagot nito at aktong lalapit na sa sasakyan niya.
"No, I'm here to ask you if pwede bang ako nalang ang piliin mong maging asawa." Pagkasabi ko ay agad siyang natigilan at napatingin sa akin.
"Hahaha!" Tumawa ito. "I didn't know Mr. Ortega's daughter is a funny woman." Parang manghang mangha talaga ito sa sinabi ko. "I'm sorry but I have no time listening to your jokes. Go bother someone else." Dugtong nito na ngayon ay seryoso na ang mukha.
"Hindi ako nagbibiro." Seryoso kong ring sabi sa kanya.
"Cut the crap." He warned. Halatang wala itong balak na tanggapin ang sinabi ko sa kanya.
But I didn't come here empty handed. Alam ko namang hindi niya tatanggapin ang sinabi ko na ako ang piliin niya na maging asawa, so I prepared something.
"Ibibigay ko sayo ang lupang pagmamay-ari ni Mrs. Romero sa Tagaytay na gusto mong makuha. That is, kung pakakasalan mo ko." Pagkasabi ko nun ay agad kong nakita ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Damian.
Lumapit siya sa sasakyan niya at binuksan ang pinto. "Get in." Inalok niya akong pumasok sa loob.
Hindi ako nagsayang ng oras at agad na pumasok sa loob ng sasakyan nito. Tumabi siya sa akin at inutusan niya ang driver niya na magdrive, at base sa lugar na sinabi niya rito, it's a hotel nearby.
I knew he'll be interested if I mentioned the property in Tagaytay. It's a 30 hectare beach resort na pagmamay-ari ni mama na kasalukuyang naka on sale sa merkado. Though he contacted the representative of the Romero's, hindi nito alam na sa akin nakapangalan ang property na iyon. I inherited it from my mother dahil ako lang naman ang nag-iisang anak nito. I think Damian wants that place para sa hotel business na gusto niyang gawin. At ang rason kung bakit hindi niya ito makuha kuha kahit siya ang may pinakamalaking offer ay dahil ayaw ni papa na ibenta ko ito rito. Gusto niyang inisin si Damian.
"Now I'm listening." Agad na sabi niya ng nakapasok kami sa isang private hotel room.
"I'm going to give it to you, kung pakakasalan mo ko." Ulit ko sa sinabi ko sa kanya kanina.
Ngumisi ito, pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiti niya ngayon. Hindi ko alam kung pagpayag na ba ang ibig sabihin ng mga ngiti niyang iyan. Nagtagumpay ba ko sa gusto kong mangyari? Mauumpisahan ko na ang paghihiganti ko?