"Damian!" Napatakip ako ng bibig sa gulat. "Looks like you're expecting someone else, querida." Malamig na sabi nito. "N-No...." Medyo kinakabahan kong sagot. Anong ginagawa niya rito? Oh my god, buti nalang at nakaalis na si Alec, kundi nagpang-abot pa sila rito. "Pasok ka." Pagyaya ko sa kanya dahil baka may makakitang kapit bahay sa kanya. Pumasok siya sa loob at mabilis ko namang tinakbo ang cellphone ko, only to find 19 missed calls from him. Oh my gosh, 19 missed calls? I'm not in trouble, Am I? "Damian pasensya na kung hindi ko nasagot ang tawag mo." Kaagad kong sabi rito para hindi magalit. "Yeah, you seem busy." Nakatingin siya sa lamesa kaya agad ding bumaba roon ang tingin ko. Nasa coffee table pa din ang cup na ginamit ni Alec at nasa tabi nito ang baso ng juice na hinanda