Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwalang sila ang dahilan kung bakit nawala ang dapat ay tatlong anghel ko.
"Buti nalang talaga at kakampi natin ang family doctor nila Alec, kaya hindi lumabas sa findings na dahil sa pampalaglag na gamot ang dahilan kung bakit nakunan ang babaeng yon." Saad ni tita Gina na para bang wala lang ang ginawa nila.
Kasabwat ang family doctor nila Alec na si Doctora Angela? Ibig bang sabihin nito ay alam din ni Alec? Kasabwat din siya sa pagpatay sa mga baby namin?
At para bang gusto ng langit na marinig ko ang sagot sa tanong kong iyon, dahil ang mga sunod na narinig ay syang nagkumpirma ng agam-agam ko.
"Poor Alec, talagang ayaw niyang magkaroon ng anak sa babaeng yon. Kailangan pa tuloy niyang tumulong na ipalaglag ang mga walang kwentang anak nila ni Felicity." Dahil sa narinig ay gusto kong sugurin si tita Gina.
Pero parang pinako ang mga paa ko sa sahig at hindi ko magawang humakbang para lumapit dito. Bigla kong naalala ang sakit na naramdaman noong nawala sa akin ang mga baby ko, kung paanong umagas sa hita ko ang dugo senyales na wala na sa sinapupunan ko ang baby namin. All that pain, the depression that I went through is because of the people I trusted. I always thought na civil ang relasyon namin ni tita Gina dahil kahit papaano ay siya ang kinalakihan kong mother-figure simula ng mamatay ang mama ko, but there she is talking about how they murder my unborn babies like its nothing. Tinawag pa niyang walang kwenta ang mga baby ko.
I hate them. I hate all of them. Si papa at maging ang pamilya ni Alec. Sabi ni papa ay eight years old palang si Jason ay nalaman na nila ang totoo. Ibig sabihin ay apat na taon na nilang tinatago sa akin ang katotohanan. Pano nila nagawa sa akin iyon? Pano nila nagawang kunsintihin ang ganoong pagtataksil? Ilang birthdays, Christmas, New years, at iba't ibang okasyon nila ako pinagmukhang tanga! Habang napapaligiran ako ng mga taong alam ang buong katotohanan, kinakausap ako at nginingitian, kinocomfort dahil sa miscarriages ko, iyon pala ay pagpapanggap lang ang lahat? Bakit nila iyon nagawa? Hindi ba nila ako pamilya?
Napaupo nalang ako sa sahig habang pinapakinggan si tita Gina. Ilang sandali pa ay umalis na ito para daw magshopping dahil masaya siya ngayon. Masaya ba siya dahil sa nangyari sa akin? Dahil pinagmukha nila akong tanga sa lahat?
Sa sobrang panghihina ay kailangan pa akong alalayan ng isang maid na nakakita sa akin sa ganong sitwasyon, and I have to be escorted back to my car dahil hindi ako nakatayo at makalakad ng maayos.
Ilang minuto pa bago ko nagawang magdrive paalis sa bahay ni papa. I want to be alone. Ayoko rin nang bumalik sa bahay namin ni Alec. That place is a lie. Everything that happened there, all the happy memories, all of it are lies.
Sa kagustuhang makalayo sa lahat ay mas diniinan ko pa ang apak sa accelerator pedal. Alam kong wala na ako sa tamang wisyo para magdrive dahil sa rami ng mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Napaulit ulit sa isipan ko ang mga sinabi ni Samantha, mga narinig ko kay papa, at ang natuklasan kong ginawa nila tita Gina at lahat ng mga kasabwat niya. My chest and head hurts, wala ring hinto ang pagtulo ng mga luha kaya maya maya ang pagpahid ko ng palad sa mga mata dahil nanlalabo iyon gawa ng luha at hindi ko makita ng maayos ang daan. Matapos punasan ang mga luha ay laking gulat ko na mayroon akong kasalubong na sasakyan. Nagcounterflow na pala ako ng hindi ko namamalayan. Dali dali kong ibinalik ang sasakyan ko sa tamang daan pero dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko ay hindi ko napansin ang island kaya sumalpok ako roon at full speed.
Ramdam na ramdam ko ang impact gawa ng pagkakabangga ko. I felt pain all over my body. Naumpog ng paulit ulit ang ulo ko sa steering wheel at para bang bumagal ang oras. Ganito ba kapag mamamatay na? Yuong tinatawag nilang you see your whole life flashes before your eyes? Hindi ko tanggap na sa ganito lang magwawakas ang buhay ko. Hindi ko tanggap na sa ganito lang matatapos ang lahat. Hindi ako matatahimik knowing that the people who betrayed me and kill*d my babies have a happy life, samantalang ako puro hinagpis at sama ng loob lang ang nakuha.
Gusto kong gumanti sa lahat ng sakit na binigay nila sa akin. Kailangan kong ipaghiganti ang mga anak kong hindi man lang nasilayan ang mundo. Kailangan kong ipaghiganti ang mga anak kong hindi man lang naranasan ang mainit kong yakap at makita ang excitement ng mama nila na mahal na mahal sila. Fúck Alec! Kaya ko naman alagaan at palakihin ang mga anak ko kung ayaw niyang magpakatatay sa mga ito. Bakit kailangan niyang patayin ang mga baby namin?
'Kung may nakakarinig man sa akin, sana ay pakinggan mo ang panalangin ko, Diyos ko, bigyan mo pa po ako ng isa pang pagkakataon!'
Iyon ang mga huling bagay na nasambit ko bago ako napapikit at tuluyang lamunin ng kadiliman.
At kung may anong laro ng tadhana na nangyari, hindi ko alam kung pinakinggan ba ng Diyos ang panalangin ko, o may iba pang mahiwagang nilalang na nakarinig sa desperadong panalangin ko at binigyan nga ako ng isa pang pagkakataon kaya muli nga akong nagising.
I was expecting na sa isang hospital ako magkakamalay dahil nga sa aksidenteng nangyari sa akin, pero hindi. Nagising ako sa dati kong kwarto. Sa kwarto ko noong nakatira pa ako kanila papa. Naglakad ako dahil medyo nostalgic na makita ang dati kong silid. Ginawa kasi iyong nursery room para kay Jason noong pinanganak siya. Kasal na kasi kami ni Alec noon at nakabukod na.
Pero laking gulat ko na ng makita ang sarili sa salamin, nakita ko ang isang batang bata pang anyo sa repleksyon nito. Napahawak ako sa mukha. Sa repleksyon ay hindi mo aakalaing thirty-eight years old na ang nakaharap sa salamin. Wala na din ang mga eye bags at lines sa ilalim ng mata ko gawa ng stress throughout the years. Hindi mo mababakas ang depression at stress na umagaw ng dati kong puno ng kulay at makinis na mukha. My cheeks are rosy na animoy may suot na blush-on kahit wala naman. My lips are red as rose, at talaga namang blooming kahit walang kahit na anong arte na inilagay sa katawan.
Pano nangyari to? Bakit parang bumalik ang itsura ko noong twenties ko? I think my eyes are playing on me. Baka namamalik mata lang ako gawa ng impact sa pagkakabunggo ko kanina?
Natigilan ang pag-iisip ko ng bigla kong marinig ang pag-ring ng phone ko. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng tunog at nakita ko ang cellphone na nakapatong sa may bedside table. Tinakbo ko iyon para makita kung sino ang tumatawag.
Namilog ang mga mata ko sa pangalang nakalagay sa screen.
'My Darling' Iyon ang pangalan na nakaflash sa screen.
Si Alec ang tumatawag.
Dahil sa pagragasa ng mga alaala bago ako naaksidente ay hindi ko nasagot ang tawag kaya nadisconnect na iyon, pero wala pang halos sampong segundo ay muli itong tumawag. Alec's contact flash on the screen again. Wala sana akong balak na sagutin iyon pero sa isip ko ay ano pa ang gusto niyang sabihin ngayon? Nasaktan na niya ako ng sobra and there's no amount of apology could ever make things right again. Bago pa man tuluyang matapos ang pag ring ng cellphone ay kinuha ko ito at sinagot.
"Babe," Agad na bungad sa kabilang linya. "Bakit ang tagal mong sinagot?" Kaswal nitong tanong na akala mo ay walang kasalanang ginawa sa akin. Ang kapal pa ng mukha niyang tawagin akong babe! Pero teka, bakit niya ako tinawag na babe? Hon na ang tawag niya sa akin simula ng ikasal kami. Sa tingin ba niya ay mapapatawad ko siya kung lalambingin niya ako ng ganyan? "Babe? Are you listening?" Tanong nito. "Don't tell me nagmemake up ka na kaya hindi ka makapagsalita jan? But okay fine, sunduin kita mamayang 6PM para sabay tayong pumunta sa charity event ni mama, okay? Bye. I love you." Kinilabutan ako sa huli niyang sinabi bago ibaba ang tawag.
"I love you?" Sarkastiko kong ulit. "P*tang ina mo!" Malutong kong mura sa kakapalan ng mukha nito. Inaasahan pa niyang pupunta ako sa isang charity event kasama siya matapos ang ginawa niyang iyon sa akin?
Ibabato ko na sana ang cellphone para hindi na niya ako matawagan, pero napansin ko ang petsa na nakalagay sa screen. November 26, 2023? Laking gulat ko sa nabasa. Ang petsang pinagmulan ko ay November 26, 2041. Paanong naging 2023 ulit? At bakit ganito ang model ng cellphone ko? Masyadong old model. 15 years na atang phase out ang model na to.
Ilang sugundo pa bago nagsink in sa akin ang lahat. Muli akong bumalik sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang sarili. Hindi ako namamalik mata. Nilibot ko ulit ng tingin ang kwarto ko. Ito ang ayos ng silid ko bago ako mag-asawa. Hindi malik mata ang lahat. Bumalik nga ako sa nakaraan. I'm twenty again!
'Bumalik ako sa nakaraan at taglay ang ala-ala sa nauna kong buhay.' Ulit ko sa isipan ko dahil just now I sounded like a crazy woman.
Para masiguro ang espekulasyon ko ay muli kong kinuha ang cellphone at nagbrowse sa internet. Lahat ng mga sites at application na pinuntahan ko ay iisa lang ang sinasabi. It's indeed November 26, 2023.
"Ma'am Felicity, oras na po para kumain ng lunch. Nasa dining room na po sila sir at madam." I heard someone called.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko and I saw a maid na matagal ng nagsisilbi sa mansion ni papa. Hindi ba't siya iyong maid na tumulong sa akin na tumayo at ihatid ako sa sasakyan ko bago ako naaksidente? Her face also changed. Nagmukha rin itong bata katulad ko.
"Anong petsa ngayon?" Tanong ko.
Bakas ang pagtataka sa mukha nito, pero agad din naman niya akong sinagot. At tulad sa sinasabi ng cellphone ko ay parehong petsa din ang ibinigay ng maid. That's where reality started to sink in. Nabuhay akong ulit at bumalik sa edad na twenty. Ayon sa petsa, in three months ay ikakasal na ako kay Alec, sa manlolokong lalaking yun!
Sa halip na lumabas para kumain, nagbihis ako at naghandang umalis. Pagbaba ay nakita ko sila papa at tita Gina sa may dining room at nag-uumpisa ng kumain. Ramdam ko ang panginginig ng mga labi ko sa sobrang pagpipigil ng galit. Lalong lalo na kay tita Gina. Gusto kong hablutin ang kutsilyong gamit niya sa paghiwa ng kinakaing steak at isaksak iyon sa dibdib niya. I rolled my eyes ng mapansing wala sa dining room si Samantha. Dahil sa katotohanang nalaman, hindi na ako magtataka kung sa oras na ito ay kasama ni Alec ang babaeng iyon. Baka naglalampungan ang mga ito habang tumatawag si Alec kanina. Siguro sa mga oras na ito ay pinagtatawanan nila akong dalawa.
Nakita ako ni papa na pababa ng hagdan at tinawag, pero dirediretso akong lumabas ng mansion at pumunta sa sasakyan ko. I drove off, at hindi pa man ako nakakalayo ay agad na napuno ng text messages ang cellphone ko galing kay tita Gina asking why I was disrespectful to my father.
Pigil na pigil ako sa sarili na sagutin ang mga mensahe nito at pagmumurahin siya. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng ginawa nito sa akin. I went to a nearby hotel at nagcheck in. Bago pumunta sa kwartong kinuha ay dumaan muna ako sa hotel lobby at omorder ng iced coffee at cake sa isa sa mga cafe na naroon.
Umupo ako sa bandang walang masyadong tao and started eating. Mahilig ako sa matamis, and cakes are my comfort food, pero kahit nakakailang subo na ako ay sobrang sakit pa rin ng dibdib ko. Hindi man lang nabawasan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi matatahimik ang kalooban ko kung hindi ako makakaganti sa lahat ng ginawa nila sa akin. Hindi ba't iyon naman talaga ang huling bagay na nasa isipan ko bago ako mamatay at magising sa panahong ito?
Habang desidido kong pinaulit ulit iyon sa isipan ko ay napansin ko ang newspaper na nakapatong sa lamesa, at ang isang pamilyar na pangalan sa headlines nito.