Sypnosis

278 Words
Si Jean Avril Mendoza, isang high school student na libangang igugol ang oras niya sa paghanga sa kanyang paboritong banda na kilala bilang 'Spade', siya ay kaibig-ibig, masayahin, maalaga, maganda, at matalino. Sa kabilang banda, mayroong isang masungit na lalaki na nagngangalang Jackson Black na libangang makipag-away sa arena dahil siya ay isang 'gangster' at kilala ang kaniyang grupo bilang pinakamagaling na manlalaban dito. Sa unang pagkakataong nakita ni Jackson si Jean, nahulog na agad siya sa pag-ibig dahil tunay ngang napakaganda ng dalaga at masaya pang kasama. Hindi nais ni Jackson  na lumago ang kanyang damdamin para kay Jean sapagkat ipinagbabawal sa arena ang umibig ngunit wala siyang magagawa dahil ginagawa ng kapalaran ang trabaho nito upang mas palalimin pa ang pagtingin ni Jackson kay Jean. Si Bryan Lee, isang campus casanova kung saan nahuhulog ang maraming mga babae maging at mga bakla o bading. Gusto niya si Jean ngunit ang nararamdaman nila ay hindi magkapareho dahil si Jean ay may gusto nang iba. Hindi matanggap ni Bryan ang katotohanang hindi niya makuha ang babaeng gusto niya kaya't ginawa niya ang lahat upang mapigilan ang mga ito sa pag-ibig sa isa't isa ngunit dahil sa kanyang mga aksyon na ginawa niya ay naging malaking gulo para sa lahat. Ang lahat ay nagbago dahil kay Bryan at lahat sila ay naghihiwalay ng landas mula noon ngunit nais pa rin ng kapalaran na makasama ni Jackson si Jean sapagkat aksidenteng nagkita silang muli sa tabing dagat na para bang sila mismo ang tinadhana para sa isa't isa. Muling nagpatuloy ang kanilang naudlot na pag ibig at sa labis nilang pagmamahalan ay nagbunga ito ng isang maganda at malaking pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD