1

1310 Words
Jean Avril Mendoza 's Point of View:   Sadyang normal lamang sa isang tao katulad natin ang magkaroon ng idolong pinagpapantasyahan o hinahangaan. Lahat ginagawa natin sa para kanila, Ibinubuhos ang buong suporta at ang pagmamahal, Iginugugol ang perang iniipon para lamang makapunta sa kanilang concert at fan meeting. Kusa tayong gumagawa ng efforts para sa kanila dahil nagbabaka sakali tayong mapapansin din nila tayo balang araw.   "Hoy Jam! Ano ba't nakatunganga ka r’yan? Daig mo pa ‘yong mga minero na naghahanap ng ginto sa isang sobrang lalim na hukay na kasing lalim ng iniisip mo." Bigla na lamang akong bumalik sa reyalidad nang biglang marinig ang boses ni Vanny, best friend ko.   "Wala! Iniisip ko lang si Jonas tch, kelan niya kaya ako mapapansin?" Tanong ko sa kaniya at tumingin sa kawalan.   Hopeless na ko oo pero hindi ibig sabihin no’n susuko na ako bilang fan girl nila, ang saya kaya kiligin at mabaliw kahit na alam ko sa sarili ko na isa lamang ako sa milyon milyong sumusuporta sa kaniya, sino ba naman ako para makilala nila ‘di ba? Haha.     "Dream on, Girl! Psh. As if namang makilala nila tayo eh isa lang tayo sa sobrang daming supporters na humahanga sa kanila at tsaka kumilos ka na nga r’yan, awasan na oh!" Ani niya habang inaayos ang kaniyang mga gamit.   Bigla naman akong napatingin sa aking relo dahil sa kaniyang sinabi, oo nga no awasan na pala. Hindi ko napansin na kaming dalawa nalang pala ang natitira rito sa classroom. Kumilos na rin ako para ayusin ‘yong mga gamit ko. Hays, ang hirap namang maging fan! ‘Yong feeling na abot kamay mo na sila pero parang anlayo pa rin! Ang gulo diba? Psh.   Lumabas na rin kami ni Vanny at napag desisyunan muna naming pumunta sa SM. Sobrang init ng panahon ngayon kung kaya naman naisipan naming pumunta ro’n para magpalamig at tumingin tingin na rin ng kung ano ano.   "May concert daw dito ang Spade ah, may ipon kana ba?" Sambit ni Vanny na ikinatigil ko sa paglalakad.   What The?!   "Hoy gagi seryoso?! Teka bakit parang wala naman akong nababasang balita na may concert sila rito?" Natataranta kong sabi at napahawak pa sa aking bibig.   Aaminin ko, die hard fan ako ng Spade kung kaya naman napaka imposibleng hindi ako updated sa mga balita tungkol sa kanila. Si Vanny naman? Ayon adik na adik din sa Spade pero mas trip niya ang ‘Alas’. Kahit na gano’n ay never naman kaming nagtalo dahil lang do’n, multifandom kaya kami.   "Hahahahahha! Joke lang ‘to naman, hindi mabiro. Ginugulo lang kita, kanina ka pa kasi nakatulala r’yan!" Bigla naman niyang tugon at tumawa tawa pa.   Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at dinilaan.   "Para Kang tanga" Tanging sinabi ko nalang at sinubo ‘yong lollipop na binabalatan ko, strawberry flavour ‘to kaya masarap hehe.   Nandito na kami sa Mall at pumasok kami sa isang store kung saan may mga Merchandise ng famous groups just like Spade and Alas, meron din ditong mga merch ng kpop and k-dramas with oppas pa haha.   Meron ditong poster ng ilang Idol Group, meron ding damit na may print ng mukha nila Lee Jong Suk, Kim Woo Bin etsetera pati narin stuffed toys na Goblin. Basta ang dami as in kaya nakakatuwa haha pero sa dinami rami ng mga mabibili rito, nahagip ni King ‘yong atensyon ko, I mean stuffed toy na King, hindi literal na siya.   Siya nalang kasi ang wala sa collection ko. Meron na akong chibi stuffed toy no’ng apat na sila Jonas, Andrei, Max, at Uno, tanging si King nalang ang wala.   "Anong bibilhin mo?" Tanong ko kay Vanny na para bang may hinahanap sa mga poster na nakalagay sa isang malaking box kung kaya naman ay nakitingin na rin ako dahil mukhang magaganda ang laman nito.   "Wala kasi akong makitang poster ni Yuan, tsk kainis." pagrereklamo niya habang non stop parin siya sa paghahalukay ng mga poster.   Bahala na nga siya sa buhay niya haha basta ako nabili ko na ang gusto ko. Pumunta na ako sa counter upang magbayad ng binili ko, hindi ko maiwasan ang ngumiti dahil sa hawak hawak kong stuffed toy.   “Cute cute mo talaga King hihi!” Kinikilig kong ani habang pinipisil pisil pa ang bandang mukha ng stuffed toy na hawak hawak ko.   Pagkatapos kong magbayad ay bumalik na kaagad ako sa pwesto kung saan ko iniwan si best friend at pagdating ko roon ay ‘di ko maiwasang matawa dahil naroon pa rin siya at halata sa itsura niya na nabubugnot na. Maiksi lamang ang pila kung kaya naman mabilis akong nakapagbayad at nakabili ng gamit ko. "Bakit hindi ka nalang kaya magtanong sa mga nag a assist kung may poster ni Yuan?" pagrereklamo ko pero hindi pa rin siya nagpatinag kaya ako na mismo nagtanong dun sa babaeng nakatayo.   "Miss? May available pa po bang poster ni Yuan? Sa Alas po" Tanong ko pero sinamaan niya lamang ako ng tingin. Luh, anong nangyari kay ate? Toyo yata haha.   "Mukha ba akong nagta trabaho rito?!" Mataray niyang pagkakasabi at inirapan ako.   Napataas ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya, hindi na rin ako nakasagot dahil pinipigilan ko ang aking sarili tumawa dahil sa kaniya. Napailing na lamang ako ng makita siyang papalabas ng store kung kaya naman ay bumalik na ako sa poster section.   "Abnormal ba yun?" tanong ko sa utak ko at nagkabit balikat.   --   "Ma!" Tawag ko kay Mama nang makapasok na ako sa bahay, nginitian niya lamang ako kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik.   "How's school anak?" Tanong niya at muling pinagpatuloy ang pagtitiklop ng damit, umupo ako sa tabi niya at binaba saglit ‘yong bag ko.   "Okay lang naman Ma, Akyat na po ko" paalam ko at kumaripas ng takbo patungo sa kwarto ko.   Nang makapasok na ko sa aking silid, ni lock ko na kaagad ‘yong pinto at kinuha ‘yong paper bag na nakatago sa loob ng bag ko.   Nilabas ko na ang binili ko kaninang chibi stuffed toy ni King at itinabi ito kay Uno. Hindi ko maiwasan ang mapangiti, sobrang saya ko dahil sa wakas ay nakumpleto ko na rin sila yehey! Narito na sila Jonas, King, Uno, Max, at Andrei, sobrang saya nila tignan kapag magkakasama haha.   By the way, Jean Avril Mendoza pala ang buong pangalan ko pero tinatawag nila akong Jam dahil iyon ang initials ng pangalan ko. Uhm, hindi kami mayaman and at the same time hindi rin kami mahirap, kumabaga nasa average family kami at sapat na ang pera naming at pangkain sa araw araw.   Bestfriend ko si Vannessa Sanchez pero ang tawag ko sa kaniya ay ‘Vanny’ at ‘best friend’ naman minsan. Die hard fan siya ng Alas at Spade, multifan kami pareho kaya hindi kami madalas na nagtatalo tungkol sa pagiging supporter. Gusto kasi namin ng World Peace haha char, apat na taon na akong fan ng Spade. Filipino boy band sila at marami na rin ang nakakakilala sa kanila dahil magaganda ang kanilang mga kanta, miski ang choreo ng kanilang mga sayaw ay nakakabighani. Malapit nang matapos ang school year at magkakaroon nanaman ng bagong yugto ang aming buhay. Napagdesisyunan kasi ng pamilya ko na ilipat ako sa isang sikat na school. Kinuwento ko ‘yon sa bestfriend ko at dahil ayaw niyang magkahiwalay kami, pinilit niya rin ang magulang niya na magaral nalang din sa East High at pumayag naman sila.   Dumapa na ako sa kama at binuksan ‘yong laptop ko. Balak ko ngayong magstream ng music video ng Spade. Wala nanaman kasi kaming masyadong ginagawa sa school dahil checking na lamang ng clearance kaya magbababad nalang ako ngayon sa internet.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD