CODE NO. 03

2267 Words
R A I N One month ago Umuulan ng malakas sa araw na iyon at nasa loob kami ng isang mansyon kung saan nagtataping kami para sa huling episode ng teleserye na kung saan ay isa ako sa mga bida.  It's an intense serye, ang tema ng drama na gustong-gusto na panoorin ng mga Pinoy.  Okupado ang lahat ng crew members, may mga tao na nasa extrang kuwarto na nag-aayos ng sunod na susuotin namin para sa sunod na eksena. Nasa sala kami ni Maricar, ang co-star ko sa dramang ito. Naghahanda na kami sa ikatlong take ng eksena namin. Matatapos na sana kami kaso biglang umulan ng malakas, nakita ang pagbugso ng ulan sa frame kaya kailangan namin ulitin ang naunang eksena.  Our director is a fastidious person kaya napapansin niya ang kahit katiting na pagbabago sa mga detalye sa bawat eksena. Ito rin ang rason kung bakit ko tinanggap ang role na ito. Nang marinig ko na si Direktor Manalo ang mayhawak sa drama ay agad kong tinanggap ang role. Nakatrabaho ko na rin siya kasi noon kaya alam ko kung gaano kapulido ang mga gawa niya.  Magsisimula na sana kami nang umalingawngaw ang tunog ng mga yabag ng paa na pababa sa hakdan ng mansyon.  "Kylie!" sigaw ng lahat nang makita ang anak na babae ng direktor na naglalaro sa second-floor ng mansyon.  "Kylie, stop it!" saway ni Direk.  Kaagad naman na bumaba ang bata sa hagdan. I don’t know what just happened pero madalas nga talaga na pumapasyal sa set ang anak niyang babae. "Okay, ready..." mutawi niya nang tuluyan nang bumaba ang anak sa hagdan at tumakbo patungo sa kanyang yaya. "Action!" At kasabay ng hudyat ni Direk ay ang pagbitaw ni Maricar ng kanyang linya.  "Taksil ka! Hindi ba't sinabi mo sa akin na wala kang pagsasabihan? Bakit iyon nalaman ni Alice?" Ang makabagbag damdamin niyang bulalas.  Tumayo naman ako sa sofa na kinauupuan ko tapos ay mahinahon na sinagot ang karakter ni Maricar na naaayon sa script.  "Ano? Wala akong sinabihan tungkol sa sekreto mo. I always keep my promises. Maniwala ka sa kin, Lucia," wika ko sa nagmamakaawa na boses.  Dahan-dahan kong inabot ang kamay ni Maricar at hinaplos ito. Pero bago ko pa man ito maiangat ay hinawi na niya ang kanyang kamay sabay sabi ng, "I don't believe you! Paano ko mapapatunayan na hindi ikaw ang nagsabi nito kay Alice? You can just lie to me. You might be lying to me in this very moment!"  Tinulak niya ako ng pagkalakas-lakas sanhi para matumba ako at mapahiga sa sofa. Pinanlisikan niya ako ng mga mata saka umalis at lumabas sa frame ng camera.  "Cut!" sigaw ni Direk matapos ang limang segundo na pag-focus sa paiyak kong mukha.  The moment Direk Manalo shouted the end of the scene, Maricar rushed back to me to help me stand up. "Naku! Rain, nasaktan ka ba?" Inabot niya ang kamay niya sa akin.  "Hindi, no. Malambot naman iyong sofa." "Ilang beses din natin 'yan inulit baka nahilo ka na," alala niyang sambit tapos ay inabutan ako ng tubig.  "No. No. Don't worry, I am tough," mayabang kong sabi tapos nag-thumbs up sa kanya.  Pagkatapos nito ay nagpatuloy lang ang taping. Tinapos namin ang lahat ng intense scene na gaganapin sa mansyon na ito. Malapit na matapos ang airing ng drama na ito kaya todo effort ang lahat sa bawat eksena. Although excited ako sa magiging katapusan ng drama pero hindi pa rin maiwasan na malungkot ako. I love my job.  "Jusko naman, Rain! Nakakatakot naman iyang paghawak mo sa kutsilyo. Relax your hand!" banggit ni Direk Manalo.  Napatingin naman ako sa kamay ko at sa kutsilyo. Mukha nga talaga akong may balak na masama sa paraan ng paghawak ko. Nakabalot ang kamay ko sa hawakan, at mahigpit din ang pagkakahawak ko rito.  "Rain, marunong ka bang magluto?" tanong sa akin ng assistant director.  Umiling-iling naman ako bilang sagot.  "Aah, kaya naman pala." Nilapitan niya ako at inayos ang pagkakahawak ko sa kutsilyo. Nagluluto kasi kunwari ako sa eksena na ito at magsisimula ang angulo ng camera sa parte na naghihiwa ako ng gulay.  Nakalimutan ko atang sabihin sa kanila na hindi ako marunong magluto. Huling eksena na rin ito kaya naman nakahinga ng maluwag ang lahat nang matapos na ang taping. Mabibigat ang lahat ng eksena kaya mabigat din ng hangin sa paligid.  "OMG! Akala ko talaga nasugatan kita sa sobrang lakas ng pagsampal ko sa'yo! Hindi ba masakit ang pisngi mo? 'Yung labi mo, hindi ba dumudugo?" aligaga na tanong sa akin ni Denise. Siya kasi ang ka-eksena ko rito.  "Masakit 'yung sampal mo, girl. Pero hindi naman to the point na dudugo iyong labi ko." "Sure ka? Baka sobrang sakit naman ng sampal ko."  I tapped her shoulder then whispered, "Don't worry, worth it ang sakit kasi ang ganda ng acting natin." Tapos ay tumawa ako ng mahina.  Alam ko na para akong timang pero ayaw niya kasing tumigil sa pag-aalala sa mukha ko. Pinili ko na lang na sabihin ang nasa isip ko, at least she won't feel guilty anymore. Trabaho lang naman ito.  "Sa tingin mo magugustuhan ito ng mga manonood?"  "Of course. They will love it at sigurado rin ako na magiging trending ito!" Ang excited kong pakinggan. Ito kasi ang una kong intense drama, 'yung may sampalan at sabunutan talaga na mga eksena. Not until now puro teen drama ako, romance at mga pa-sweet na roles. Isa pa, this is actually my first time in a night time serye! Ang ganda ng time slot kaya tinodo ko na ang acting ko.  Sa mga sandaling ito ay nagsimula ulit akong mangarap. Dahil nga achievement unlock na ang night time serye ko, sunod ko naman na gagawin na goal ang pag-highlight sa telento ko sa pagkanta. Gusto kong magkaroon ng sarili kong kanta, kung puwede nga album pa. Pero okay na rin ang guesting sa isang show at kakanta ako roon ng live para makita nila na hindi lang acting ang talento ko. Nagpaplano pa nga lang ako ng bagong goal ko sa career. But it seems the universe is against me. Sinenyasan ako bigla ng manager ko na si Ate Charmaine na lumapit sa kanya. I tapped Denise's shoulder first before leaving her.  "Yes, Ate?" sabi ko nang makalapit na sa kanya. Ate Charmaine is a petite 42 years old lady. Ponytailed long hair, a face younger than her age, and an average height. Polo shirt, and tight jeans. That's basically how I can describe her appearance. "May tumawag sa cellphone mo." Inabot niya ang cellphone ko sa akin. "Hindi ko alam kung sino, unknown number, paki-tingnan mo na lang mukhang importante kasi kanina pa paulit-ulit na tumatawag. Ayaw tumigil," batid niya.  Ate Charmaine is cool. Not too restrictive, but not too careless. Siguro dahil na rin sumusunod ako kaagad sa kanya. I accepted almost every role they offer to me, pati guest role at cameo, kahit na punong-puno na ang schedule ko. Unexpectedly, I am in demand lalo na sa mga serye ng mga kaibigan kong artista kaya naman marami akong guest roles. Ganoon din naman ako sa kanila, kahapon nga lang ay nasa set si Sasha para mag-cameo sa isang eksena.  Anyway, binuksan ko ang cellphone ko at halos malunod ako sa dagsa ng missed calls sa call history ko. Pero hindi naman talaga iyan ang gumulat sa akin ng todo, kung hindi ang mismong number ng tumatawag.  It's an international call from the number Daddy often use to contact me. Hindi kanya ang number na ito, say it's his dummy phone number to contact his daughter that he always forgets that he had. Tauhan din naman niya ang may hawak ng number na ito.  Pumunta ako sa swimming pool area ng mansyon. Humupa na rin naman ang ulan sa labas, inangat ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang number. Wala pang ikalawang ring ay may sumagot na ng tawag.  "Aló, quién llama?" wika ng isang lalaki sa kabilang linya sa salitang Espanyol. Sa mataas nitong boses ay alam ko na kaagad na hindi ito si Daddy.  "Quién llama, to you too,” sagot ko nang hindi maintindihan ang sinabi niya, “What do you want?" "Ah! I-It's you, Señorita Mercy! I'm sorry, I-I didn't look at the registered number," nanginginig niyang sagot.  "Whatever. Why did you call? Hindi pa naman pasko, bakit kayo inutusan ni Daddy na tawagan ako?" Tuwing pasko niya lang kasi ako naaalala at tinatawagan. I heard whispers. Some Filipino might be translating the last line for the man on the phone. Ilang segundo lang ay sumagot na ulit ang lakaki. "I'm sorry, Señorita. But we called to deliver you a sad news."  "Uh-huh, what is it? Tell ne quickly. I'm working." I always wonder why it has to be a different guy every time they call me. Wala namang nagsabi sa akin kung bakit ganoon but I start assuming that it's because of the way I respond. Mataray ako kung makipag-usap sa kanila, a contrast to my real personality. Pero kailangan kong gawin kasi kung hindi ay baka hindi nila ako respetuhin. Why? It's difficult to explain.  Matagal pa bago nakasagot ang lalaki sa kabilang linya. Halatang-halata na nagdadalawang-isip siya na sabihin ang sadya nila. "Do I have to contact Dad and ask him about your call?" pagbabanta ko. Wala naman talaga akong kakayahan na gawin iyon.  "N-No, Señorita! No. No. Y-You don't have to... call Señor," aligaga niyang sagot.  "So, what is it?"  "Tú herman— ah! Y-Your sister, S-Señorita Grace passed away. She was killed during a mission."  Nanlamig ako sa narinig kong balita. Gusto kong umiyak pero nasa set pa ako. Nagpipigil ako ng luha pero pilit pa rin silang tumatakas hanggang sa hindi ko na napigilan pa. Humagulgol na ako at napaupo sa gilid ng pader. Alam ko na mangyayari ito, pero bakit parang ang aga naman ata.  Nilunok ko ang naipong laway at sininghot ang mga uhog na nagbabadyang tumulo sa ilong ko. Umubo muna ako ng mahina para malinis ang lalamunan ko bago inilagay ulit sa tenga ang cellphone.  "Okay. I will contact Dad immediately."  "A-Ah. N-No need, Señorita. He wants you here in South Kisoka. He is currently in a meeting. That's why he told us to call you." Napabuntong-hininga ako sa narinig ko. "Okay. That's fine," huli kong bigkas tapos ay binaba na ang tawag.  Of course, kailangan niya ako doon dahil wala na ang kapatid ko. Kailangan ako ni Daddy para pumalit kay Laura. Laura, also known as Grace. Kagaya na lang ng Mercy ay ginagamit namin ang mga pangalan na ito outside our person lives. Only Dad’s subordinates and other associates knows about it, they don’t even know our real name. Grace at Mercy, iyan ang nagsilbing alyas namin sa mundo ni Daddy. Hindi pa nga ako nakakapagluksa sa pagkawala ng kapatid ko ay kailangan ko na kaagad siyang palitan sa puwesto niya. Dapat nga akong maging masaya dahil sa wakas ay mapapansin na ako ni Daddy. But now that I have an established life here. I am reluctant to follow him. Pakiramdam ko ay hindi ko na kailangan ang atensyon niya. Pero wala rin naman akong nagawa, hindi na ako nakapagdesisyon para sa sarili ko dahil after two weeks ay tumigil na ang pagdating ng trabaho para sa akin. No projects. No communications. Nasa loob lang ako ng condo ko, mag-isa. Ginamit ko ang sandaling ito para magluksa. Sunod ko na lang na nalaman sa balita na kailangan kong huminto sa pagiging artista. The worst is, the reason is obviously a lie. May stage 1 myeloma daw ako. Doon pa lang ay alam ko na kung sino ang may pakana nito — si Daddy.  Mukhang gusto na nga niya talaga akong pumunta ng South Kisoka sa lalong madaling panahon. At kailangan ko na nga talaga na bitawan ang pangarap ko. A text arrived sa sandaling natapos na ang balita tungkol sa akin.  "I submitted an application for an assistant job in Smart One. I wrote your name instead of Laura. You qualified. Be there." Just like that my nightmare has begun. * * * "AAAH!" napasigaw ako ng pagkalakas-lakas matapos mapanaginipan ang aksidente ng kapatid ko. Kaagad akong tumayo para sana ay kumuha ng tubig pero nahulog ako sa maliit kong kama. Nasanay kasi ako sa malawak at komportableng kama sa bahay ko. Nakakalimutan ko pa rin na nasa isang single-person bed pala ako. Ang malala pa ay double decker bed ito, at anim kami na nasa isang kuwarto.  Kinapa-kapa ko ang cellphone ko para tingnan ang oras.  "Ugh, Ni hindi ako nagigising ng alas-tres ng umaga noong nasa Pilipinas ako! Nakakainis na panaginip naman, oh," I mumbled to myself.  After reading Father's text I started to my belongings, as well as myself. Nagpaliwanag na rin ako kay Ate Charmaine with the myeloma lie that Dad made up.  At ito na nga ako ngayon matapos ang halos dalawang linggo. Natutulog sa masikip na kuwarto sa annex ng building ng Smart One. Maagang nagigising dahil sa hilik ng mga kasama, at sunod-sunuran sa isang idol at sa kanyang mga kasama.  Bakit ko ipinagpalit ang buhay artista ko para sa assistant na trabaho ng kapatid ko sa ibang bansa? Well, our father is not much into show business. Pero hindi ko sinasabi na mas pipiliin niya na maging assistant ang anak niya dahil lang sa hindi siya pabor dito. Let's say, it's a complicated family business. Like the word actress and assistant, it also begins with an A yet ends with a sin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD