CODE NO. 02

2669 Words
R A I N Isa sa mga bagay na pinagkaiba ng show business ng bansang ito sa show business ng Pilipinas ay ang total invasion of privacy ng mga artista.  Importante ang araw na ito para sa Lexus, dahil ito ang unang araw ng taping nila ng kanilang reality show. Lexus, to U. Iyan ang title ng reality show nila. It's basically just a show with them being filmed while doing their daily chores. Simula nang naging isa ako sa mga assistant ng grupo na ito walang tigil na ang filming nila. May mga camera sa bawat sulok at sa kahit saan man sila magpunta. Even when I was assisting Ethan yesterday on their photoshoot may nakasunod pa rin na cameraman sa amin o kaya naman ay may bitbit silang GoPro para makunan nila ng video ang sarili nila.  I started to think that their entire schedule is a show. Pero mukhang may mas higit pa pala roon, dahil kagaya nga ng sinabi ko, they are doing a reality show today. Hindi ako na-orient na pati pagsuot nila ng sapatos ay kailangan pa na makunan ng video. "Goodness. Attention seeker ako pero hindi ko ata kaya ang ganito kagrabeng atensyon," bulong ko sa sarili ko. Pinapanood ko kasi mula sa malayo ang set nila. Rolling na ang camera and the game segment of the show has begun. They started to talk about a traditional game na hindi ako maka-relate. They all look happy and seems enjoying the show. Believe me, their smiles look genuine. Gusto ko pa sana na manood pero I still have work to do.  Umalis ako sa puwesto ko at pumasok na ako sa tent ng mga staff. Isang oras na taping lang naman ang gagawin namin ngayo, kasi mamaya-maya ay may pictorial na naman sila ng isang clothing brand o kung anong klaseng endorsement man iyon.  "Lian," tawag ko sa babaeng pandak at maikli ang buhok. Siya lang naman kasi ang madaling kausap dito dahil siya lang ang Pinoy kong kasama sa production na ito. "Anong oras matatapos iyang taping nila?"  Napatingin siya sa relo niya tapos ay sumagot ng, "Mamayang mga alas dose." "Tapos pictorial ulit mamayang hapon?"  "Oo," sagot niya.  "Guys, what are you up to?" tanong sa amin ni Korina na bigla na lang sumingit sa gitna namin. Korina is Filipina-Kisokan. Pero lumaki siya rito at magkaklase raw sila ni Lian noong college. Doon na sila naging close at sabay na nag-apply sa agency na ito noong nagtapos sila ng college. Mass Communication ang natapos nilang dalawa that's why it's a dream come true to them to work in this big agency.  "I'm fixing my guys' clothes for the pictorial later," sagot ni Lian na nagtutupi ng mga damit.  "How about you, Rain? Do you have something to fix or anything?" ani Korina sabay kalabit sa akin.  "No... I mean, I-I’m fine. I'm done putting Ethan's clothes in the van. I just went here to prepare his food. He just recovered, so Mr. Efrhain strictly told me to watch him."  Yup, our job is basically like a babysitter.  We babysit Kisokan idols. How marvelous. "So, are you done?" tanong ulit ni Korina.  "Y-Yup. I'm almost done. Why, do you want me to do anything? May I help you?"  "Oh yes! I'm glad you ask," sabi niya habang kinukuyom ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung dahil ba sa naiinis siya o masaya lang talaga siya sa tanong ko.  " Mr. Efrhain told me to buy snacks for everyone. I couldn't carry all the items on the list by myself, so could you come with me, Rain?" Korina pleaded with her puppy eyes.  "I don't mind going with you," I replied as my eyes are going sideways.  Gusto ko kasi sanang tumanggi, pero hindi pa kami ganoon kalapit para prangkahin siya. Tumungo kami sa malapit na convenience store. Hindi naman ganoon kahaba ang listahan ng mga bibilhin na pagkain. Pero ang rason kung bakit kailangan ni Korina ng tulong ay dahil sa dami ng bilang ng mga ito na nakalista.  "Ilang drinks daw ang kai—"  Natulala si Korina nang marinig ang sinabi ko. Nakalimutan ko ulit na wala nga pala ako sa Pilipinas.  "Sorry, what?" banggit niya.  "Oh. I mean, how many drinks?"  "Aah. Twenty soft drinks, thirteen juices, and five iced teas." Napanganga ako sa dami ng bibilhin.  "Do we have to carry all these? It's too heavy. I can't even lift it off the floor," reklamo ko.  Hindi ko pa nga nailalagay ang lahat ng inumin ay nahirapan na akong buhatin ang basket.  "Oops! Slowly, you might break the basket," paalala sa akin ni Korina.  Gusto ko sanang magpatulong sa kanya pero puno rin ng mga pagkain ang dalawang basket na bitbit niya. Sa huli ay sinipa ko na lang papuntang cashier ang basket ng mga inumin.  Nang natapos na kami ay kailangan pa namin sumakay ng bus. May bus stop kasi sa harap ng convenience store. Nakakatawa lang kasi 10 meters lang naman ang layo ng set sa convenience store. Pero okay na rin ito kaysa naman sa maglakad kami at gumulong pa sa daan ang mga pinamili namin sanhi ng pagkabutas ng cellophane dahil sa bigat ng mga nasa loob.  This agency should hire male assistants sa hirap pa naman nitong pinapagawa nila sa amin. "Rain! Where's my sandwich?" bungad sa akin ni Ethan pagbalik na pagbalik namin ni Korina sa set.  "On your table, and grab your drink in your mini-icebox," sagot ko sa kanya at tinuro ang sandwich niya na nakapatong sa maliit na lamesa sa loob ng tent at ang maliit na icebox na lagi niyang dala-dala sa bawat outdoor shooting. I didn't know its purpose, not until today. First outdoor job ko rin naman kasi ito.  Isa-isa namin na pinamahagi ni Korina ang mga pinamili namin. And after two hours of break ay kailangan na naman namin na lumipat ng lugar para sa pictorial. Malapit na rin kasing mag-ala una.  Naiwan sa set ang crew ng TV station kung saan ipapalabas ang reality show ng Lexus, habang nauna naman kaming mga alalay at iba nilang staff para tumungo na sa ibang studio... or so I thought. Dahil hindi pala sa loob ng isang studio ang pictorial, nasa labas lang kami.  Urban fashion style kasi ang tema ng clothing apparel na ito kaya nasa parking lot, daan, at bus stop ang areas. Nasa gitna kami ng syudad, sa harap mismo ng LAX Apparel building. The moment we reached the set for the pictorial, people started to gather. Mukhang napansin nila ang mga members at kaagad na nagsilapit para kumuha ng mga litrato nila. It's not a big surprise kasi it's Lexus we're talking about here. Hindi lang sila sikat sa South Kisoka, sikat din sila globally. Honestly, I heard about them when I was still acting, but I don't have time to browse more about the group dahil sa busy schedules ko. I was a rising star back then. I have to work hard.  Nasa gilid lang ulit ako ng set, nanonood sa kanila. I also want to wear those stylish clothes. Gusto kong maging stylish ulit. Isa sa mga hobby ko ang pag-eexperiment ng mga kasuotan. Pero hindi ko na pwedeng gawin ito dito. At sa tingin ko I will never have the chance to do it again.  "Let's take a break! Break! Break!" sigaw ng lalaking katabi ng photographer.  Umalis na sa spotlight ang lima tapos ay nagtungo na sa sari-sarili nilang mga upuan.  "After the break, we'll have the individual shots! Let's have Liam as the first one," pahabol pa na anunsyo ng parehong lalaki.  "Oh boy! Oh boy! I'm first! I'm first! Korina, do I look fine? Where's the designer? I gotta grab my next outfit," masigla na sabi ni Liam. Halata na sabik at kinakabahan siya na siya ang unang isasalang.  Sinamahan na siya ni Korina sa loob ng tent na nakatindig sa tabi ng mga upuan ng Lexus members. Para ito sa mas mabilis na outfit change. Puno pa rin naman ng mga tao ang paligid pero nakontrol na rin sila at humupa na ang ingay. May iba na umalis na, habang may iba na nanatili pa rin para panoorin ang pictorial ng mga members.  "Rain. Rain, say hi to the camera," biglaang sulpot ni Ethan sa gilid ko bitbit ang GoPro niya.  Hindi ako nagsalita imbes ay kumaway na lang ako.  "She's shy, guys. Rain is my new personal assistant. She's very capable," pagmamalaki niya sa harap ng maliit na camera. Inilahad ni Ethan ang kanyang kamay para makipagkamay sa akin. "Thank you so much," banggit niya na nasa camera pa rin ang mga tingin.  Akala ko ay iiwan na niya ako nang bigla niyang sinabi na, "Oh, I wanna drink tea."  "Okay, I'll grab you a t—"  "No. No. No need. It's just a tiny bag and hot water. I can get it myself." Hinayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya. Pero ang makita siya na hawak-hawak ang camera habang nagbubuhos ng mainit na tubig at binubuksan ang box ng tea bag, hindi ko mapigilan na tumawa. Napatingin din ako sa ibang miyembro na kanya-kanya rin sa pag-film sa mga sarili nila.  Oh, poor guys. They have to work hard despite being on a break. Bumalik na si Ethan bitbit ang isang tasa ng tsaa at ang GoPro niya.  "A cup of tea in the afternoon is healthy," he said, sounding educational to the camera.  But I wasn't informed that the oldest guy in the group is an idiot. Paupo pa lang si Ethan sa kanyang silya at aksidenteng natapunan niya ang kanyang sarili ng mainit na tubig mula sa tasa ng tsaa.  "Oow woah!" he exclaimed when he saw the large splash on his outfit. Good thing layered ang suot nila dahil sa malamig na simoy ng hangin, sanhi para hindi siya mapaso. Good thing din na hindi pa gaanong kumalat ang kulay ng tsaa sa tubig dahil kung nagkataon namantsahan na ang puting damit na ito. Ethan is wearing a plain white shirt inside of a black jacket, and a black scarf. Of course, may isa pa siyang damit underneath that white shirt. "Uh, could you stop filming first and hold the cup with both hands while I'm drying your shirt?" I requested him.  Siyempre, hinawakan niya gamit ang dalawa niyang kamay ang tasa pero hindi siya huminto sa pag-film ng sarili niya. Inipit niya sa kanyang hita ang camera. Smart move, kaso nga lang heto ako, nahihirapan sa pagpunas ng basa niyang damit dahil baka masagi ko ang camera.  "Are you still going to use this?" tanong ko. I was referring to his outfit. Pwede naman siguro niya itong hubarin, hindi ba?  "Nope. This is the outfit I'm wearing after Liam, then next is a new one. Sorry," malungkot niyang sabi. But I don't care. Extra work lang ang bigay sa akin ng lalaking ito.   "Here, let it sit on the wet area," sambit ko sabay abot ng mini electric fan. Subalit hindi pa man niya nakukuha ito ay kaagad na akong napaupo. Sa hindi kalayuan kasi, sa loob mismo ng set, ay may nakita akong pamilyar na imahe. A man in black suit. Alam ko kung sino ang lalaking iyon, at ayaw kong makita niya ako. Masyado pang maaga para malaman ni Daddy na nasa South Kisoka na ako. Buti na lang at nasa abalang daan kami kaya mahirap na makita ako ng mga lalaking nakaitim. Isa pa, I'm wearing regular clothes. Malayong-malayo sa stylish at fashionista na ako.  "Uh-uhm, Rain? What are you doing?"  Natauhan ako sa narinig ko at mabilis na tumayo. Nasa pagitan pala ako ng mga hita ni Ethan nakatago.  I cleared my throat then told him, "M-May nakita lang akong barya."  "What?"  It took me a few seconds bago pumasok sa isip ko na hindi pala niya ako naiintindihan. I give up repeating the lie, and quickly responded with much valid excuse, "I-I'll be in the tent to prepare your outfits. Enjoy filming yourself. Bye!" At nagmadali na akong pumasok sa tent.  Kapapasok ko pa nga lang sa loob ng tent ay sumalubong na sa akin si Mr. Efrhain.  "There you are," bulalas niya nang makita ako. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung anong sadya niya sa akin. "Someone is looking for you. I thought it wasn’t you because he is looking for someone called Mercy. Then he said to bring me the person whose name is Lorraine. Isn't that your name?" Napaatras naman ako sa binaggit ni Sir. Tapos ay napakunot ako ng noo sa pag-iisip kung sino itong naghahanap sa akin.  "Where's this person?"  "He's in the LAX Apparel building." "Thank you."  Nagmadali akong naglakad patungo sa loob ng building. The inside is nothing special, para lang siyang isang company building, o iyan ang una kong inakala. Dahil noong nasa second floor na ako, the design becomes fancier. May chandeliers na may ginintuan na mga ilaw, mga magagarang geometric design na disenyo na nakasabit sa kisame, at ang velvet floor mat ng corridor.  "Oh, sh*t," anas ko nang maalala ang tungkol sa kaibigan ni Daddy na nagmamay-ari ng isang malaking kompanya ng clothing apparel.  Napahinto ako sa pinto kung saan nakatayo ang lalaking nakaitim na suit na nakita ko kanina. A black American wearing sunglasses. Pinagbuksan niya ako ng pinto sabay yuko sa akin. I didn't know that this is the place, sadyang sinundan ko lang ang magagarang disenyo sa kisame nila. Now look where they brought me, the office of the LAX Apparel president.  "Hey. Hey. Hey. Buenas tardes, dear Mercy. Look at you! You look exactly like Grace. So gorgeous!"  Oh right. Fancy things define this fancy man — Señor Fausto. He is father's Spanish friend. Isa siya sa sandamakmak na mga mayayaman na nagbabayad sa kumpanya ni Daddy para bantayan ng mga tauhan niya, isa sa mga ito ay ang lalaking nakaitim sa labas ng opisina niya.  "So, how's your mission?"  "Mission? I'm not here for a mission... Not yet. I haven't heard anything from my father," wika ko tapos ay umupo sa malambot na sofa. I put my arms on top of it as I gently place my back.  "Ugh, the joy of luxury," I moaned when I finally felt a warm and soft seat after more than a week of sitting on a hard wooden chair in every set we go.  "Dios mío! You look extremely exhausted." Umupo si Señor Fausto sa tabi ko tapos ay binanggit ang pinaka-ayaw kong marinig na balita, "But wait, I have good news. Your father already knows you're back in South Kisoka." I rolled my eyes then replied, "Uh-huh. Of course, t's good news for you? So, what does he want me to do? Any instructions?"  "No, not yet neither. He just wanted to see how you are doing. He's a little bit heartbroken because you didn't tell him that you've returned." "I don't have to tell him; he has eyes anywhere. See, he found me right now." Indeed. Father has eyes everywhere, kaya hindi na ako nagulat kung bakit nandito si Señor Fausto.  "I'll ask him myself if I find the right timing. I'm still new to this job, but I don’t want to rush things. I hate mediocrity."  "Then how's your job as an assistant?" tanong niya habang naglalapag ng kape sa lamesa.  "Then how's your job as an assistant?" "I told you, I'm still a newbie. I'm trying to be the best of it, so no one keeps following me. Especially that Lian. She's a Filipina. They assigned her to be my coach or something like that." Nagsisimula pa lang ang mga bagay-bagay kaya wala akong karapatan na magreklamo. Gusto kong umuwi ng Pilipinas at umarte ulit. Kumanta, sumayaw, magpasaya ng mga tao. But this is my new world. The world Dad wanted for me. Honestly, I'm kind of scared to do this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD