3

1755 Words
5 years later Lahat ay nagkakagulo sa harap ng bulletin board para tignan ang kanilang estado sa nakalipas na exam at lahat ay napahanga na naman sa prinsesa dahil ang pangalan niya ang unang-una sa list na naka-perfect na naman. Samantala mabasa at makita lang ni Rachel ang pangalan ng prinsesa habang ang pangalan niya ay nasa pangatlong palapag at pinaggigitnaan nila si Richard ay nanggagalaiti na ito nang bigla na lang may bumunggo sa kaniya dahil nagtatakbuhan ang mga kababaihan at dahil nakaharang siya sa gitna. "What the hell!" singhal ni Rachel sa bumangga sa kaniya. "Sorry, Rachel. Excited lang ako kasi balita ko nangunguna na naman daw si Princess Lorainne," sambit ng babae apologetically na ngumiti after banggitin ang prinsesa. Rachel then scoffed at what she heard. "Hindi mo ba alam? ‘Yang prinsesa na iniidolo niyo ay kinokontra ang school? Isa kasi siyang prinsesa kaya binibigay sa kaniya lahat," pagsisinungaling niya dahil sa inis. "Huh? Talaga ba? Hindi ako makapaniwala," sagot ng babae na nagulat sa nalaman niya tungkol sa prinsesa na hinahangaan niya without knowing the truth. Ngumisi ng nakakaloko si Rachel at sinabi pa, "Yes and that's the truth. 'Yan ang narinig ko lang din ayon sa source ko." At ngumiti siya as she seems happy na siniraan niya si Princess. Nalungkot at na-disappointed naman ang babae sa nalaman niya tungkol sa prinsesa na pinaniwalaan nila ang kasinungalingan na walang basehan. Instantly, the rumor disseminated across the whole campus, meanwhile, Princess Lorainne is sauntering down the aisle at lahat ng kalalakihan at kababaihan ay nahumaling lalo sa kaniya dahil matapos ang limang taon ay mas gumanda siya but then, dahil sa kumakalat na tsismis ay pinagbubulungan at sinasamaan siya ng tingin ng karamihan na bago sa kaniya dahil she never experience it before. However, because of the rumor, many students doubted the intelligence of Princess Lorainne but even so, they found her beautiful and elegant which Rachel can never have. Lumipas ang mga araw at kahit saanman pumunta ang prinsesa ay marami siyang naririnig tungkol sa kaniya when suddenly she stood while eating because she cannot tolerate it anymore so, she left the room. Afterward, mula sa malayo ay kitang-kita ni Rachel ang lungkot sa mukha ng prinsesa na siya naman na ikinatuwa niya dahil sa kagagawan niya. Then innocently, she approached Princess Lorainne at umupo sa tabi niya. "I've been looking for you," Rachel said at itinago ang ngiti sa kaniyang mga labi at baka mabuko siya na siya mismo ang source ng chismis sa buong campus. "I cannot take it any longer...the whispers, the bad words and all," malungkot na sambit ng prinsesa and then, she sniffed. "That's alright. Everything is gonna be okay. Just stay calm. Don't mind them. They are just spreading rumors without concrete source.” Rachel told comforting the princess. Lumingon naman ang prinsesa sa kaibigan at ngumiti. "Thank you very much, Rachel. I wouldn't know what to do without you." At niyakap niya ang kaibigan ng mahigpit. "You are really my best friend," dagdag pa niya. "Best friend?" Rachel whispered in the back of her mind and she grimaced dahil ang turing sa kaniya ng babaeng ayaw niya ay best friend that she cannot accept. Sa limang taon na lumipas isa lang ang talaga na tinuring kaibigan ng prinsesa at iyon ay walang iba kundi si Rachel, pero mukhang hindi sila pareho ng tingin ni Rachel sa isa't-isa dahil kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi niya kayang itrato bilang isang kaibigan ang prinsesa. At dahil simula nang dumating siya ay mukhang puro kamalasan ang nangyari sa kaniya na nagtulak sa kaniya na kaibigan ang prinsesa para sa sariling interest. Na sa tuwing kailangan ni Rachel ng pera ay iiyak lamang siya sa harapan ng prinsesa at magmukhang kawawa ay ibibigay na niya ang cash dahil nga kaibigan ang turing niya sa kaniya na lingid sa kaalaman niya ay siya pala ang pakana ng mga tsismis tungkol sa kaniya. Ganunpaman ay marami pa rin na lalaki ang nanliligaw sa prinsesa ngunit ni isa sa kanila ay walang nagtagumpay na kunin ang puso niya. Thereafter, mabilis na dumaan ang mga araw, buwan at isang taon, at sila ay na sa huling taon na sa middle school nang sa hindi inaasahang problema ay namatay ang kanilang guro sa mathematics na si Mrs. Lao kaya naman naghanap kaagad ang faculty members ng kapalit. "Everyone, let's all welcome Mr. Alek Cayle Peter," pagpapakilala ni Mr. Sanjo. Pagkabanggit nang pangalan ay pumasok ang isang matangkad, maputi, blonde ang kulay ng buhok at may matipunong katawan sa kwarto na dahilan kung bakit napangiti ang mga babaeng guro pagkakita nila sa kaniya. Napangiti si Mr. Sanjo sa gilid nang makita niya ang reaksyon ng mga co-workers niya. "Hello po. Good afternoon. Please tawagin niyo na lang ako na Alek or AC," The new heartthrob teacher huskily and handsomely greeted everybody. 5 pm na ng hapon nang pumasok si Mr. Sanjo sa klase ng biglang nag-ayusan ng upo ang mga estudyante. At para ma-divert ang atensyon ng lahat ay gamit ang tungkod niya ay pinukpok niya ang white board ng tatlong beses na dahilan ng pag-angat ng ulo ni Richard na kanina pa natutulog sa likuran ni Rachel. "Listen! Today, a new mathematics teacher has arrived. Welcome him. You may now get inside, Mr. Peter," tawag ni Mr. Sanjo. Pagkatawag ay pumasok si Mr. Peter at lahat nang mga mata ng babae at bakla ay nagningning sa nakita nila samantala napakunot ng kilay si Richard sa likod. "What is this guy doing here?" bulong ni Richard na masama ang tingin sa bagong guro. "Everyone, this is Mr. Alek Cayle Peter. He will be your new mathematics teacher for this year. Be good to him." At humarap si Mr. Sanjo sa bagong guro. "Maiwan na kita rito, Mr. Peter. Ikaw na bahala," wika niya at umalis na ng silid. Inilapag naman ng bagong guro ang kaniyang gamit sa ibabaw ng lamesa sa gilid at tumayo sa harap ng buong klase na seryoso ang mukha na lalong nagpakilig sa mga babae at bakla. "All of you here are matured enough, right?" simulang tanong ng gwapong guro. "Yesssssss," sagot ng buong klase. "That's good to kno—" Napatigil sa pagsasalita ang gwapong guro ng marinig niya ang tunog ng upuan at tumayo mula sa pagkakaupo ang lalaki sa dulo na si Richard. At bago pa man lumabas ng tuluyan ng klase si Richard ay nagsalita ang bagong guro. "And where do you think you are going, Mr. Danverson?" istriktong tanong ni Mr. Peter. Lahat ay napatingin at napatahimik sa dalawang gwapong lalaki na may halong pagtataka dahil unang klase pa lamang ni Mr. Peter pero bakit kilala na niya kaagad ang top 2 ng kanilang klase na si Richard. "Sit down, please before I reported you to the faculty," dagdag pa ni Mr. Peter. "Report me then. I don't give a damn," matapang na sagot ni Richard na binigyan ng matalim na tingin ang bagong guro at umalis ng classroom. Dahil sa nangyari ay tila naging mabigat ang simoy ng hangin sa loob ng kwarto. "Let's not mind him, class. Where were we?" sambit ng bagong guro na pinagpatuloy na ang klase. Samantala naningkit ang mga mata ni Rachel habang tinitignan niya ang bagong guro na may pagtataka tungkol sa nangyari kanina lang. “Hmmm...what's the deal between the two? They don't look like so, it's impossible that they are siblings. Step-brother then?" bulong niya sa sarili. However, sa gilid ni Rachel ay nakangiti lamang ang prinsesa habang pinagmamasdan ang bagong guro na tila ba na-cast siya ng spell. It felt like love at first sight, she thought. Afterward, sabay na naglalakad palabas ng campus si Rachel at ang prinsesa who is still like in a daydream dahil hanggang matapos ang klase nila sa bagong guro ay nakangiti siya. "Hey!" Siko ni Rachel sa prinsesa para makuha ang atensyon nito. "Huh? What?" tugon ng prinsesa. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit biglang lumabas si Chard kanina sa klase at hindi na bumalik? At saka bakit alam kaagad ni Mr. Peter si Chard? Tinawag pa niya siya sa apelyido niya," buong pagtatakang tanong ni Rachel habang naglalakad sila. "Ah, ayun ba? Oo nagtaka din ako pero kung titignan mo hindi naman magkamukha si Mr. Peter at Chard kaya imposibleng magkapatid sila," sagot ng prinsesa. "Maybe they are step-brother, you think?" tanong niya ulit na lumingon sa prinsesa. "Pwede," sambit ng prinsesa na biglang napaisip. "Panigurado ako at hindi kaagad umuwi 'yun si Chard. Tara, Gale punta tayo sa basketball gym at panigurado ako nandoon 'yung lalaking 'yon," hinuha ni Rachel at kinuha ang kamay ng prinsesa. Entering the basketball gym ay may narinig sila kaagad na tunog ng bola at tama si Rachel dahil si Chard ay naglalaro ng basketball mag-isa na nakasando lang na puti at naka-pants na itim. Pareho naman lumapit ang dalawang babae kay Chard na nag-shoot ng bola sa ring. "Sabi ko na nga ba at nandito ka lang. Hoy, Chard!" sigaw ni Rachel para kunin ang atensyon ng dating crush. Napatigil naman si Chard sa pag-shoot ng bola at tumingin sa dalawang babae. "What?" singhal ni Chard kay Rachel. "Don't what-what me. Ikaw, bakit bigla ka na lang umalis ng classroom? At bakit kilala ka niya kaagad?" Rachel queried curiously. "Umalis ako kasi naiihi ako," maikling sagot ni Chard at nag-dribble ulit ng bola. "Umihi? Eh, bakit hindi ka na bumalik?" "Kasi sa tingin ko hindi magiging maganda 'yung klase." At binato niya ang bola sa ring na pumasok naman. "Step-brother mo ba siya?" sumbat ni Gale na walang pakasalye. Napatigil naman si Chard sa pagtakbo para kunin ang bola habang si Rachel ay napatingin sa kaniya. "Grabe, Gale diretsyo kung diretsyo ah," tugon ni Rachel na napakurap-kurap dahil hindi niya inaasahan ang mga salita na lumabas sa bibig ng prinsesa. "Sorry. Tinanong ko na kaagad para matapos na," ngiting reply ng prinsesa kay Rachel. "Step-brother?" Parehong napalingon ang dalawang babae dahil nagsalita si Chard na nakatalikod sa kanila. "Wala akong anuman na relasyon sa lalaking 'yon. Hindi ko siya kilala. At isa pa unang pagkakita ko pa lang sa kaniya kanina, ayoko na kaagad sa kaniya kaya umalis ako ng classroom. Now leave me alone," seryosong sagot ni Chard na nakatalikod sa dalawang babae. At kinuha niya ang bag niya sa gilid, at umalis ng gym na nakasalubong ang dalawang niyang kilay na galit na galit. "Step-brother? f**k him," inis na bulong ni Chard habang naglalakad. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD