"Alam mo Gale, hindi ako naniniwala kay Chard na umihi lang siya. Super lame ng excuse niya. Ano sa tingin mo, Gale?" pagtataka ni Rachel sa kabilang linya ng telepono. "Well, that's really lame if you're going to ask me. Pero maiba tayo Rachel, ano masasabi mo kay Mr. Peter?" Pag-iiba ng topic ng prinsesa na may landi sa kaniyang mga boses na halatang may gusto siya sa bagong guro nila. "Si Mr. Peter na naman?" And Rachel rolled her eyes habang nakahiga din sa kaniyang kama. "Aminin mo nga sa akin Gale, do you like Mr. Peter?" direktang tanong niya. Tumawa ng malakas si Princess sa tanong na iyon at sinabi, "Ano ka ba Rachel, tinatanong ko lang naman. Masama ba magtanong? Hahaha!" "Lorainne Gale Jang Rashid-Al, I know you. Kapag hindi ka interasado sa lalaki ikaw yung tipo na babae na