Umaga, pumasok si Princess ng silid na parang wala lang sa mga kaklase nila hindi tulad kahapon na todo katyaw sila. Mukhang naka-get over na sila. Naupo siya sa tabi ni Rachel na nakayuko sa ibabaw ng lamesa niya na ipinagtataka niya. "Good morning. Okay ka lang?" tanong ni Princess na isinabit ang bag niya sa likod ng upuan niya. "Not really," sagot ni Rachel at iniangat ang ulo niya. "Why what happened?” Princess inquired nang makita niya ang matamlay na itsura ng kaibigan. “Masakit puson ko, girl,” pagtatapat ni Rachel at inilapag ang noo sa desk habang hawak ang puson niya. “Kaya pala. Red flag,” tugon ni Princess. Then, pareho nakarinig ng upuan si Rachel at Princess sa likuran nila kaya napalingon sila at nakita nila si Chard na umupo with his straight face. “Good morning,” b