"So, that's it? Hahayaan mo na lang 'yung nangyari sa inyong dalawa? Hindi mo siya isusumbong sa ginawa niya?" panunudyo ni Rachel kay Princess habang naglalakad sila along the hallway. "Rachel, ginusto ko rin 'yung nangyari. Walang pwersahan na nangyari. Kaya bakit pa ako magsusumbong? Lalaki lang ang isyu. Isa pa, tama ka. He's a Professor and I am just a student. Our relationship is forbidden. At...mukhang ako nga lang ang may nararamdaman sa kaniya kasi nag-sorry siya sa akin kanina. Meaning, hindi niya ako gusto o ang anuman na nangyari sa amin kagabi," matinong sagot ni Princess na parang nagising siya sa katotohanan after niya marinig ang payo ng kaibigan kaninang umaga sa banyo. "Mabuti naman at natauhan ka na. Akala ko bobita ka, eh. And correction, wala kayong relasyon. Ikaw la