AERIN
"Matagal nang napapabalita na nagkakaroon ng problema ang pagsasama ng ating mahal na Pangulo, William Ilustre at ng kanyang kabiyak at Unang Ginang, Mariella Ilustre. Nagsimulang kumalat ang mga balita ng diumano'y pagkakaroon ng lamat sa pagsasama ng dalawa nang hindi lang minsan makuhanan ng mga larawan at videos ang tila pagtatalo ng mga ito. Maraming mga pagpupulong ding dinaluhan ang Pangulo kung saan hindi nito kasama ang kaniyang kabiyak, lalo lamang umingay ang mga haka-haka nang mamataan sa Airport ang Unang Ginang na tila paalis ng bansa sakay ang Private plane ng mga ito. Nananatili namang tikom ang mga nasa palasyo lalo na ang tagapagsalita ng Pangulo..."
At sabay-sabay kaming napatingin sa boss namin dahil sa padabog nyang ibagsak yung dyaryo na hawak nya, matapos nyang basahin yung balitang yon.
"This is bullshit! Naunahan na naman tayo ng kalaban natin dito sa scoop na 'to! Nagtatrabaho na kayo o tumutunganga lang? Bakit sa dinami-dami nyo dito, wala man lang nakaisip sa inyo na i-stalk yung First Family para sa ganitong balita?!" may point si Bossing. Since yung First Family nga yung laging laman ng mga balita ngayon, bakit nga ba walang nakaisip sa amin na magsulat about them?
Akala ko tapos na sya sa pagrarant nya, pero bigla na naman syang kumuda.
"So walang magsasalita sa inyo? Ganyan lang? Tinginan, tutungo kapag titingnan ko? Eh hindi na ako magtataka kung bakit hindi tayo nanalo kahit isang beses dito sa kalaban natin na dyaryo! Eh putangina! Kung ganyan lang din kayo ng ganyan, yung walang alam gawin, bakit hindi na lang kayo magresign? Tutal wala din naman kayong naitutulong dito diba?!" napa-wince naman ako dahil sa sinabi nyang yon.
Is he serious? Kailangan ba talagang magresign kami? Hello, halos 1 week pa lang ako dito tapos tatanggalin agad? Papa'no na yung na yung ambisyon ko na maging tulad ni Ms. Mel Tiangco or Ms. Jessica Soho diba? Kaya nga kahit pwede naman akong sa TV station agad, mas pinili ko muna dito sa newspaper na 'to. Kasi gusto ko nga na magstart sa bottom. Yung walang tumutulong, yung ako lang talaga at ang sarili ko.
"Ano? Ganito na lang tayo? Magtitigan lang?!" sabay tingin pa nya sa amin isa-isa.
Aerin, magsalita ka. Go. Eto na yung time para mapansin ka naman ng boss mo. Go for the gold, Aerin!
I was about to say something nang maunahan ako ni Sir.
"Fine. Kung ayaw nyo, ako na lang yung mag-aassign sa inyo. Andrea, ikaw na yung bahalang magstalk sa First Fami---"
"Sir." yes, I know it's rude pero kailangan ko syang i-cut don.
Because, no! Hindi ako papayag. Si Andrea na naman ba yung bibida dito? Sya na naman ba yung magaling para kay Boss?
Kelan pa ako mapapansin kung mananahimik lang ako diba?
Pero parang nagsomersault yung buong pagkatao ko nang mapansin ko na nakatingin sa akin ng derecho si Boss at lahat ng mga kasama namin dito.
OH.SHIT.FCK.MY.LIFE.
"And you are?" seriously? One week na ako dito pero hindi pa rin nya ako kilala? See? This is the main reason kung bakit gusto kong sa akin mapunta 'tong assignment na 'to. I want them to know me. I want them to know what I'm really capable of.
Napalunok muna ako bago ko naibuka yung bibig ko.
"A-aerin, Sir." sagot ko sa kanya. Jusme Aerin, be confident, please?
"You do know that it's rude to interrupt someone, right?" ang lalim ng boses nya, nakakatakot. s**t. Scary.
"I-i'm sorry, Sir. I just want to volunteer regarding this a-assignment. A-ako na po yung magsstalk sa First Family and I'll be the one to write something about them." s**t. Bakit na kanina pa ako nag-sstutter? Be confident nga, Aerin!
"And you really think na kaya mo? Na mabibigay mo sa akin yung gusto ko?" ayan na naman yung scary tone nya.
Wala sa sariling tumango na lang ako.
Pero bago pa ulit makapagsalita si Mr. Tamayo, may mahadera nang sumingit sa usapan namin.
"Really? Kaya mo? Or hihingi ka na naman ng tulong sa Ate or sa Daddy mo?" bigla namang tumaas yung dugo ko dahil sa sinabi ni Andrea.
"Excuse me?" mataray na tanong ko dito. Parang nawala sa isip ko na nasa harap nga pala namin si Boss.
"Nothing. I didn't say anything." sabi pa nito sabay smirk sa akin.
Ugh! Ang sarap batuhin ng stapler sa mukha, promise.
"So, Ms--" napatuwid ulit ako nang tayo nang marinig ko ulit yung boses ni Boss.
"Harvey. Aerin Camila Harvey, Sir." sagot ko sa kanya.
"Harvey, hmm. Any connection with Greg Harvey?" I internally winced nung narinig ko yung name ng daddy ko. No, not again. Ayokong makilala nila ako dahil lang sa parents ko or sa Ate ko.
"He's uh, my Dad, Sir." sagot ko na lang sa kanya.
"I see." at tumango-tango pa sya. Habang ang bruhang si Andrea, nakasmirk na naman. Sasabunutan ko talaga 'to.
"But I won't ask help from my parents nor my sister, Sir. I'll do this assignment by myself." determinadong sabi ko sa kanya.
"Hmm, I like your attitude, Ms. Harvey. Fine. The assignment is yours." nakangiting sabi nya sa akin.
Bigla namang nagliwanag yung mukha ko dahil sa sinabi nya. Yes! Eto na yon.
"Thank you, Sir. Just give me 2 months and I'll give you everything that you need about the First Family." sabi ko pa.
"And if you did fail to do your task?" tanong pa nya.
Tumingin muna ako ng derecho sa kanya bago sumagot.
"I'll resign." sagot ko sa kanya.
Tumango naman sya.
"Very well, Ms. Harvey. I'll see you in 2 months." sabi pa nya sabay talikod sa akin.
Nanghihinang napaupo naman ako paglabas na paglabas nya, habang isa-isa naman akong ginoodluck ng nga kasamahan ko. Pwera sa mahaderang si Andrea.
"Excited na ako sa resignation mo." ang sarap sampalin talaga pero ngumiti lang ako sa kanya.
Fudge, ano ngayon yung gagawin ko? Kapag hindi ko nagawa 'to, tapos ang career ko. Ugh!
Tatawagan ko na sana yung bestfriend ko nang may mahagip yung mata ko sa news sa TV.
"Wanted: Yaya for the President's youngest child."
"Kasalukuyan ngayong naghahanap ng mag-aalaga para sa bunsong anak ng ating Presidente sapagkat............
Bigla naman akong napangiti dahil don.
Aerin Camila, today is your lucky day.