Chapter 1

2209 Words
AERIN "What the hell, AC? Are you out of your mind?" Well, that's Anne, my bestfriend. As usual, nagpapaka-OA na naman sya. "I told you already na diba? I need this. I have to do this." determinadong sabi ko sa kanya. "Nope. You're just being stubborn again. How many times do I have to tell you na you can ask your sister for help pero sobrang taas ng pride mo." I rolled my eyes dahil binanggit na naman nya yung Ate ko. "And ilang beses ko na rin bang sinabi sa'yo na kahit anong mangyari, hindi ako hihingi ng tulong kay Clar? I don't need her help. I don't need anybody's help." bakit ba feeling nila, lagi ko na lang kailangan ng tulong? Hindi ba nila naisip na kaya ko naman na ako lang? Yung walang ibang taong inaasahan? "Aerin Camila Harvey." napataas naman yung kilay ko dahil sa pagbanggit nya ng buong pangalan ko. "I'm serious, Anne. I'll never ask for my sister's help. Gusto ko naman na meron akong masabi na pinaghirapan ko talaga. Yung sa akin talaga. Kahit eto lang." I told her. And talaga pinarinig ko yung 'pagpapaawang' tono sa boses ko. "Kahit sa uncle mo?" ayaw pa nya talagang sumuko. I shook my head as my eyes never left hers. I wanted her to know that I'm really serious about this 'thing'. "Pero hello, mag-aapply ka as yaya ng anak ng Presidente ng Pilipinas. Sige nga, anong alam mo sa mga bata?" hay, papa'no ko kaya sya mapapayag sa plano kong 'to? "I have cousins naman na younger than me no! Sometimes, inaalagaan ko sila." proud na sabi ko sa kanya. "Talaga? Kelan?" she put her hands sa bewang nya habang nakataas yung kilay na nakatingin sa akin. I glared at her. Malamang, alam nya na hindi naman talaga nangyari yung sinabi ko. Alam nya na hindi naman ako masyadong close sa mga pinsan ko na mas bata sa akin. Kay Ate lang naman ako close, kay Ate Cassy, at kay Ate Pam. And hello, ako yata yung pinakabata sa aming apat no! "Fast-learner ako. Isang turo lang sa akin nung yaya ni Nicolo sa mga kailangan kong gawin, gets ko agad yon no!" mayabang na sabi ko pa sa kanya. At ang bruha, nang-aasar na pumalakpak lang. "Wow. At sure na sure ka na talaga na ikaw yung kukunin nilang yaya no?" sarcastic na sabi nya. "Well, sa ganda ko ba namang 'to diba? Sino bang tatanggi sa akin?" sabay kindat ko sa kanya. "Oo nga naman. Sa itsura mong yan Aerin, kukunin ka talaga nila. Look at you? Masyadong fashionista yung dating mo. Tingin mo, kung ako yung maghihire sa magiging yaya ng anak ng Presidente, kukunin kita? No way! Alam ko sa unang tingin pa lang na hindi ka mukhang yaya. Baka ikaw pa yung alagaan ng bata dahil sa kaartehan mo, pag nagkataon. Duh!" sabi pa nya habang tinitingnan yung itsura ko. Agad ko namang tiningnan yung sarili ko sa salamin. Hmm, may point sya. Kahit ako naman siguro, hindi maniniwala na pang-yaya nga yung beauty ko. Pero hello, anong gagawin ko kung ganito na ako kaganda talaga? "You really think so?" I asked her habang nakatingin pa rin sa salamin. "Ahuh." tatango-tangong sagot naman nya. "So, what should I do?" tanong ko ulit sa kanya. "At naisip mo talagang tutulungan kita dyan sa kabaliwan mo no?" ugh! Hindi pa rin talaga nya ako gustong tulungan. "Of course. Bestfriend kita, right?" "Yes. And as your bestfriend, gusto kong isaksak dyan sa kukote mo na magiging problema yang gagawin mong yan pagdating ng panahon." "Pero alam mo na kailangan ko talaga 'to diba? Alam mo ba yung feeling na ayaw mo nang umasa sa ibang tao? Yung for once naman may na-achieve ka para sa sarili mo? Yung alam mo na walang pwedeng manumbat sa'yo na kaya ka nandyan sa position na yan, is dahil sa kanya? Naiintindihan mo ba yung kalagayan ko, Anne? Ha?" please naman, sana naman gumana na yung arte ko sa kanya. Sana naman pumayag na sya. Paglingon ko sa kanya, nakatingin lang sya ng derecho sa akin. Yun bang parang pinag-aaralan nya kung umaarte lang ako or nagsasabi talaga ng totoo. Kaya mas lalo kong pinalungkot yung itsura ko. Kailangang maging kapani-paniwala. I breathed a sigh of relief when she smiled and hugged me tight. "Fine. I'll help you. Pero eto yung sinasabi ko sa'yo ha, kapag nagkabukuhan, wag na wag mo akong idadamay ha. Lalo na pag nalaman ng Ate mo. Ayokong mawalan ng trabaho." oo nga pala. Secretary c*m assistant nga pala sya ni Clarence. "I assure you, hindi magkakabukingan dito. Promise." nakangiting sabi ko sa kanya. "Really? Tingin mo, walang utak yung mga tao sa Malacañang para hindi nila malaman na may ulterior motive ka kaya ka nag-apply bilang yaya? Yung ganyang kabata and ganyang kaganda, sasayangin yung panahon sa pag-aalaga lang ng bata?" sabi pa nya. Nag-super smile naman ako sa kanya. "So you really think I'm pretty, huh?" sabay wiggle ng kilay ko. "Don't get used to it, biatch! Sinabi ko lang yon para palakihin yung ulo mo." natatawang sabi naman nya. "Yeah. Whatever." sabay irap ko sa kanya. "So, what should we do?" tanong ko sa kanya. "Well. We'll start with your clothes......" *** "Name?" agad naman akong ngumiti kay Ms. Minchin. If hindi ko kailangan na makapasok dito, I would say Sarah ang munting prinsesa. Hawig na hawig nya kasi si Ms. Minchin eh. Halatang masungit at istrikta si Ate. Halata naman sa nakakunot nyang kilay at sa malaki nyang eye glasses. Pero sabi nga ni Anne, if pursigido ako, I have to be serious. I have to do everything para mapaniwala sila na kailangan ko talaga 'tong trabahong 'to. "Aerin Camila Harvey." sabay smile ko sa kanya. At tulad ni Anne kanina, tiningnan nya rin ako mula ulo hanggang paa. Hawak-hawak pa nya yung salamin nya habang natingin sa akin. Gets nyo ba yung itsura nya? Pero instead na ma-conscious sa tingin nya, mas lalo pang lumapad yung smile ko. "Harvey? Foreigner ka?" ay iba yung tanong ni Ms. Minchin ha. Ugh! Buti na lang, napag-usapan namin ni Anne yung tungkol sa surname ko kaya nakaisip agad ako ng solusyon. "Yung tatay ko po. Taga Olongapo po kasi yung nanay ko." mahinang sabi ko na parang nahihiya. Jusme, ginawa ko pang bayarang babae si Mommy. Sorry talaga, Mommy. Sorry. Siguro naman gets nya yung sinabi ko dahil tumango sya. "Ilang taon ka na?" tanong ulit nya habang nakatingin sa Bio Data na ipinasa ko. Oo, Bio Data yung uso dito, hindi CV, hindi resume. "21 po." and tulad kanina, nagsmile lang ako ulit sa kanya. May binasa lang syang something sa Bio Data ko then tumingin ulit sa akin. "Tatawagan ka na lang namin." at pagkatapos ay nilapag lang nya yung Bio Data ko dun sa mga papel na nakakumpol lang don na halatang yung mga ni-reject nila. Agad naman akong nagpanic. No! Hindi pwede. Hindi nila pwedeng gawin sa'kin 'to. Hindi nila ako pwedeng i-reject. Kailangang ako yung piliin nila. Kailangang makapasok ako sa palasyo! Kailangan ko 'to para sa trabaho ko. Kapag pumalpak ako dito, wala akong mukhang maipapakita sa boss ko at sa mayabang na si Andrea. At hindi ako papayag. Kailangang may mapatunayan ako sa kanila. Kailangan kong makuha yung kailangan kong balita about sa family ni Mr. President. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Ms. Minchin. "Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko? We'll call you. Sasabihan ka namin kung ikaw yung napili namin para sa posisyon na 'to." sabi pa nya. At tulad ng lagi kong ginagawa para makuha yung gusto ko, ginamitan ko sya ng kagalingan ko sa pag-arte. Tumungo muna ako para i-compose yung sarili ko sa gagawin kong pag-arte sa kanya. Unti-unti kong iniangat yung ulo ko at teary-eyed na tumingin ako sa kanya. "Ma'am. Alam ko po na hindi nyo ako tatawagan at alam ko pong hindi po ako yung napili nyo para pumalit sa yaya ng anak ng ating pinakamamahal na presidente ngunit kung inyo pong mamarapatin, gusto ko lang po sanang humingi ng kaunting oras upang mapakinggan nyo po kung ano po yung dahilan ko kung bakit gustung-gusto ko po na ako yung piliin nyo para sa posisyong ito." malungkot na sabi ko sa kanya. Nang mapansin ko na nakatingin lang sya ng seryoso sa akin, pinagpatuloy ko na yung monologue ko. "Bata pa lang po ako nang mawala po yung nanay ko. Tapos yung tatay ko naman po, hindi ko po nakikala at hindi ko po talaga alam kung nasaan na." Kami na lang po ng mga kapatid ko sa nanay yung magkakasama ngayon." jusko. Mommy, daddy, sorry po. Sana po maintindihan nyo kung bakit ko po kailangang gawin 'to. "At simula po noon, pinagpasa-pasahan na po kami ng mga kamag-anak ng nanay namin. Pero ni isa po sa kanila, walang tumrato sa amin bilang pamilya nila." at para mas madagdagan pa yung kadramahan ko, pinatulo ko na yung luha ko sa kaliwa kong mata. At pinanginig ko pa yung mga labi ko habang nagkkwento ako. "Lagi po nila kaming minamaltrato, inuutusan, at minsan, hindi pa pinapakain, hanggang sa nagpasya na po kami na tumakas sa kanila." at isinunod ko naman yung luha sa kanang mata. "Simula po noon, kahit ano na lang pong trabaho tinatanggap ko. Labandera, serbidora, platsadora, at kung anu-ano pa pong dora." kulang na lang, tawagin ko si Map at si Swiper. Okay Aerin, last mo na yan. "At kung minsan po, nagpapaka-construction worker na rin ako kung wala na po talagang pwedeng pagkakitaan. Kailangan ko po kasi talagang kumayod para sa mga kapatid ko. Kahit ako na lang po yung mahirapan at magutom basta makakain lang po sila ng mabuti. At kung kinakailangan pong tanggapin ko yung alok ni Aling Tekla na ibenta ko na rin po yung sarili ko, mukhang mapipilitan na rin po akong tanggapin 'yon para po sa mga kapatid ko." at ginamit ko na yung secret weapon ko, yung hagulgol ko. Alam nyo yung iyak na maaawa ka talaga? Ganon, ganon na ganon yung itsura ko ngayon. Yung para bang habag na habag ako sa mga nangyari sa buhay ko. Kahit ni isa naman don, wala naman talagang nangyari sa akin. Wag lang sana talagang malaman nila Mommy at Daddy 'tong pinaggagagawa kong 'to. Lalong-lalo na ng kapatid ko dahil sigurado akong mata ko lang yung walang latay pag nagkataon. Pero tulad nga ng kanina ko pa sinasabi, kailangan ko 'to. Kailangang-kailangan ko 'to para sa career ko, at lalong-lalo na sa pride ko. Gusto kong magsmile nang makita kong nagpapahid ng luha si Ms. Minchin habang awang-awang nakatingin sa akin. Goodjob, Aerin. Goodjob ka talaga. Sana, nag-artista ka na lang talaga! Mukhang magkakaroon ka agad ng best actress award pag nagkataon. "Yun lang po yung gusto kong sabihin." sabi ko habang pinapahiran yung mga luha ko. "Pasensya na po kung nasayang ko po yung oras nyo sa pakikinig sa drama ng buhay ko." at talagang humihikbi pa po ako, ladies and gentlemen. Kapag naman hindi pa talaga nahabag 'tong si Ms. Minchin sa itsura ko, aba, ang tigas na ng puso nya. Shocks, nakakahiya, tulo talaga yung sipon ko dahil sa kadramahan ko. Ugh! "Sige po. Mauna na po ako at sigurado po akong marami pa po kayong kailangan interviewhin ngayong araw." sabi ko pa sabay talikod na sa kanya at dahan-dahang naglakad palabas ng pinto. Fudge, sobrang bagal talaga ng paglalakad ko dahil hinihintay ko na tawagin ako ni Ms. Minchin at ibigay na sa'kin 'tong trabahong 'to. Shet Aerin, kailangan mo 'to. Kailangang-kailangan mo 'to. At ganon na lang yung pagngiti ko nang marinig kong tinawag ako ni Ms. Minchin. "Ms. Harvey?" narinig kong tawag nya kaya humarap ulit ako sa kanya na para bang naiiyak. "Po?" "Kelan ka pwedeng magsimula?" at dahil sa sobrang happiness na nararamdaman ko ngayon, napayakap ako sa kanya ng sobrang higpit. "Salamat po. Maraming-maraming salamat po. Hindi nyo po pagsisisihan 'tong pagkakataon na ibinigay nyo sa akin. Malaking tulong po ito aming magkakapatid. Marami po talagang salamat. Hulog po kayo ng langit sa amin. May nailigtas po kayong isang inosenteng babae dahil sa kabutihan po ng puso nyo. Pagpalain po sana kayo ng ating Panginoon." umiiyak na sabi ko pa sa kanya. And the best actress award goes to..janjararan! "O sya, tama na ang drama. Walang anuman. Basta pagbutihin mo ha. Wag mo akong ipapahiya sa presidente, intiendes?" sabi pa nya sabay kalas sa yakap ko. "Opo. Pangako po. Gagawin ko po ang lahat para po hindi kayo mapahiya." nakangiti nang sabi ko sa kanya. "At pwede na po akong magsimula sa lalong madaling panahon." sabi ko pa sa kanya. Ngumiti din naman sya sa akin bago magsalita. "Bukas, alas-nueve ng umaga. At bawal ma-late, okay?" Tumango-tango naman ako sa kanya. "Masusunod po. At salamat po ulit." yun lang at tuluyan na akong naglakad palabas. 'Phase 1, complete.' sabay send ko ng message kay Anne paglabas na paglabas ko ng palasyo. This is it, Aerin! This is it! Sa wakas, may maipagmamalaki ka na rin sa sarili mo. Konti pa, konting push pa at magagawa mo rin yung misyon mo. See you tomorrow, Mr. President.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD