CHAPTER 2

2521 Words
Chapter 2 Tatiana Gulat na gulat at hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Akala niya'y nagbibiro lang si Ciel pero nang titigan niya ang mukha nito ay napaseryoso ng ekspresyon nito at walang halong biro. Sa sobrang takot niya ay ‘di siya umimik. Basta nakatitig lang siya sa mukha ni Ciel habang nanlalaki ang mga mata niya. Their faces are still inches away from each other. One wrong move at magdidikit na ang kanilang mga labi. And she don't want that to happen kaya naman mabilis at malakas niya itong tinulak palayo nang mabalik siya sa reyalidad. "A-ano ba!" Sigaw niya rito at umayos siya ng upo. Inayos din niya ang dress niyang nalihis ng konti. Umayos din ng upo si Ciel at muling nagmaneho. Malamig ang ekspresyon ng mga mata nito at kita niya yun kahit na diretso ang tingin nito sa daan. "Just shut up kung ayaw mong ulitin ko yung ginawa ko. You're so damn annoying." Anito sa malamig na boses. Napairap naman siya at ‘di na lang sumagot pa. Alam naman niyang hindi siya mananalo dito. He's Ciel Apocalypse Middleton, no one can beat him in an argument. Ilang minuto ang lumipas at pumasok sila sa isang exclusive village. Oh God. Anong gagawin niya sa bahay ng mga Middleton. She's 100% sure na wala doon si Belle. "We're here. Baba na." Saad ni Ciel nang makarating sila sa bahay ng mga Middleton. Nauna na itong bumaba at sumunod naman sya. This is not her first time na makarating dito sa bahay ng mga Middleton, but she's hella sure that this house is twice bigger than their house. This is already a mansion, for Pete's sake. Naglakad si Ciel papasok sa loob ng bahay at sumunod naman siya rito. Now, saan siya ngayon tutuloy? Maybe dito na lang siya sa sala habang wala pa si Belle. Speaking of, yari sa kaniya ang babaeng yun. "Here." Nagulat siya ng biglang may binato sa kaniya si Ciel buti na lamang at nasalo niya iyon. Nang tignan niya kung ano yun ay nakita niyang susi ito. "Para saan to?" Tanong niya rito. "Guestroom. You stay there. 3rd floor, the first room you will see." Anito at umakyat na ito. Napatango naman siya and then she sighs. Seriously pinagsisisihan niyang sumang-ayon siya sa plano ni Belle. Kung alam lang niyang ganito pala ang mangyayare, sana ‘di na lang siya sumang-ayon dito. Grr. Naglakad na siya at umakyat sa ika-tatlong palapag ng bahay. This is a 4 storey house at nasa 2nd floor ang kwarto nila Ciel pati ang master's bed room. 3rd floor puro guest room at ang 4th floor ang nagsilbing entertainment floor ng bahay. Nalibot na niya ang kabuuan ng bahay na to noon pa man, but she's still amazed. Pumasok siya sa loob ng guestroom at pabagsak na humiga sa kama. Hindi niya mapigilang mainis sa sinapit niya. This is totally frustating! Sana kasi talaga pinilit na lang niyang magpahatid pauwi kay Ciel eh o kaya naman nagcommute na lang sana sya! s**t lang! Maya maya nakarinig siya ng katok at tumulak pabukas ang pinto. Umayos siya ng upo sa kama at nakita niyang pumasok si Ciel. May bitbit itong damit. "Here, wear this. ‘Di komportable matulog ng nakaganyan," anito at pinagmasdan nito ang kasuotan niya. Tila bigla naman siyang naging conscious sa suot niya at bahagya siyang namula. Lantad kasi ang mahahaba at mapuputi niyang binti dahil may kaiklian ang suot niyang dress. "S-salamat" aniya nang iabot ni Ciel ang mga damit sa kaniya. Teka bat ba siya nauutal sa harap ng lalaking to! Gather yourself Tatiana! Grr "Tss. Gonna call Belle to inform her that you're already here. Perwisyo." Saad nito sa malamig na boses. Nangunot naman ang noo niya sa sinabe nito. Sya?! Perwisyo?! Asa naman! She's not! His twin sister is the one who dragged her in this kind of situation at ‘di rin siya natutuwa! "Hindi ako perwisyo! I told you to bring me home, ikaw tong nagpumilit na dito ako dalhin!" Asik niya rito. Ciel rolled his eyes at her. "Akala mo ba gusto kong andito ka? Kung ‘di lang magagalit sa ‘kin si Belle baka hinatid na kita pauwi sa inyo." Siryosong saad nito sa kaniya. "Now magpalit ka na at intayin mo na lang umuwi ang kapatid ko tsaka ka umuwi. Tss." He hissed at lumabas na ito ng kwarto. She frustratedly chewed her lower lip. Naiinis talaga siya sa Ciel na yun! Napaka-sungit niya. He's so cold too! ‘di talaga sila magkakasundo. Grr!! Tumayo na siya at tumungo sa banyo bitbit bitbit ang binigay na damit ni Ciel sa kaniya. It's a pair of pajamas. Medyo malaki sa kaniya ang damit and she wonder whose clothes are this. Lumabas siya ng banyo at itiniklop niya ng maayos ang damit niya. Napagdesisyunan niyang lumabas muna. It's already 12 midnight, ‘di pa siya dinadalaw ng antok kaya bumaba siya at dumiretso sa lanai. She sat beside the pool habang nakalubog ang mga paa niya sa tubig. She's wondering where the hell is Belle right now. Sana naman umuwi na ito atsaka bakit siya biglaang tinawagan ni Uno? Is there something going on between her cousin and Belle? Bat parang wala namang nakkwento sa kaniya si Belle. "What are you doing here?" Nagulat siya ng biglang may nagsalita sa kaniyang likuran. Lumingon siya at nakita niya si Ciel na nakasandal sa pader. "Pake mo?" Pagsusungit niya rito. "May pake ako. This is our house." He said coldly. Oo nga naman Tatiana may pake siya kasi bahay nila to. Grr the nerve of this asshole! "So, what are you doing here? Still not sleepy?" He asks at nagulat siya ng tumabi ito sa kaniya. "Yeah." Tipid niyang sagot rito. Katahimikan ang bumalot sa kanilang paligid. As if naman kakausapin niya tong lalaking to. In her wildest dream. Sa totoo lang, madalang lang silang magkausap nitong si Ciel. As what she have said, they're not close kahit ilang taon na silang magkakilala. Kilala niya ito at kilala siya nito but still, they're plainly a stranger. "Thadeus called me." Napatingin siya rito nang bigla itong magsalita. "Why? Anong sabe niya?" She asks. Thadeus Castillo is her older brother. Panganay sa kanilang apat na magkakapatid at ang pinakastrikto pagdating sa kaniya. She knows that Thadeus and Ciel are best friends. Kung pano yun nangyare? Hindi niya alam. Basta nagulat na lamang siya ng malaman niya iyon. Sabagay, magkakasundo si Ciel at ang Kuya Thadeus niya dahil parehas ito ng ugali. Silent but dangerous. "He's asked me if you're really here." He plainly said. "And what is your answer?" Ciel shrugged his shoulders at bumaling ito sa kaniya. Nangunot ang noo niya. There's something in his expression that she can't identify. "I told him that you are not here." He said and that para siyang sinabugan ng bomba. Oh my God! She's so doomed! Sigurado siyang hinahanap siya ng kuya niya ngayon at siguradong nag-aalala yun! "Bakit mo sinabe yun! I'm so doomed!" Natatarantang sabe niya rito. She's about to get her phone to call her kuya nang maalala niyang iniwan nga pala niya iyon sa kwarto. Wtf! Anong gagawin niya ngayon! Talagang natataranta na siya at ‘di na siya makapag-isip ng tama! "Pfft." Nakarinig siya ng impit na pagtawa. At nang balingan niya si Ciel, nakita niya itong nag-pipigil ng tawa. Bahagyang nangunot ang noo niya. What so funny?! Kung ‘di dahil sa sinagot ng gagong ito hindi siya matataranta ng ganito! Myghad! "Anong nakakatawa?! Are you crazy?! Hindi mo ba alam na dahil sa sinagot mo, they are surely get worried about where the hell on Earth I am right now! Siguradong lagot ako pag-uwi ko! You're so annoying!" Naiinis na saad niya rito. Hinihingal pa siya dahil sa sobrang pagka-inis niya. Seriously, she wanted to drown him right now! Pero bigla na lamang bumuhanglit ng pagtawa si Ciel na ikinagulat naman niya. Nakahawak pa ito sa tyan at halos mangiyak ngiyak kakatawa. Wait! Totoo ba ito?! Tumatawa ba talaga ngayon si Ciel Apocalypse Middleton?! Hindi siya makapaniwala! This the first time na nakita niya itong tumawa and it surprise her! Nagtataka siya kung anong nakakatawa pero hindi siya makapagfocus dahil mas nangingibabaw yung pagkagulat niya. She just watch him laughing and suddenly she felt her heart skip a beat. What's this. Damn! "H-hoy bat ka tumawa! Anong nakakatawa!" Singhal niya rito ng makabawi siya sa pagkagulat. Bahagyang tumigil sa pagtawa si Ciel pero kita mong nagpipigil pa din ito. "I'm just joking. Fvck you should have seen your face. Damn it!" Then he burst out laughing again. She frowned on what he said. Ang sama talaga ng ugali ng gagong to! ‘Di ba nito alam na sobrang kinabahan sya! Grr! "You jerk! Are you making fun of me?!" Bulyaw niya dito. Nagpahid naman ng luha si Ciel dahil sa labis nitong pagtawa. "No, I am not. You're just really funny," natatawang saad nito at tumayo na ito. "Pumunta ka na sa kwarto mo and sleep. Don't wait for Belle anymore. She's with Uno." Anito at pumasok na ito sa loob ng bahay. Sinundan lamang niya ito ng tingin hanggang sa umakyat ito. Napasimangot siya at napabuga ng hangin. Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang bumalik sa alaala niya ang pagtawa nito. Oh God. What's this... Ciel's laugh is so... damn cute... ••• "What?" Cold niyang tanong kay Belle na kasalukuyang nasa kabilang liniya. "Waaaahhh Tati sorry na! I didn't expect na susunduin ako ni Uno!" Paliwanag nito. Humiga naman siya sa kaniyang kama. Hindi na niya hinintay pang umuwi si Belle kaninang umaga. She just slept and when she woke up ay umuwi din sya. Still Belle isn't home. "Anong oras ka umuwi?" She asked coldly. "12 and guess what! Ciel is fuming mad! Huhu!" Anito na naiiyak sa kabilang liniya. Napairap naman sya. "Who wouldn't b***h?! Ano bang ginawa nyo ni Kuya Uno at tinanghali ka ng pag-uwi." She hissed. Tila natigilan naman ito sa kabilang liniya and she smells something fishy. Mukha ngang may something sa pinsan niya at sa best friend niya. "Belle Catastrophe are you hiding something from me?" She asked suspiciously. Ramdam niyang nataranta ito at dali dali itong sumagot. "Wala noh! You're my best friend so, why would I!" She said defensively. "Then what's going on between you and Kuya Uno?" She asked. Ilang segundong tumahimik ito sa kabilang liniya. Then she heard her sighs. "We're friends. That's it." Belle whispered. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi. Dahil sa tono pa lang ng boses nito, alam niyang ‘di lang friends ang meron silang dalawa. May mas malalim pang relasyon ang pinsan at best friend niya. "Belle Catastrophe you're not good at lying. But anyway, it's for me to find out kung ayaw mong sabihin. Pero hoy may kasalanan ka pa sa ‘kin! Treat me b***h!" Asik niya rito. Narinig naman niya ang pagtawa nito. "Sabe na eh. Okay, okay. Let's meet at the mall. I'll just take a shower. Babush Tati see ya later." Then the line went dead. Well, ‘di naman siya totally galit kay Belle. Nainis lang siya pero ‘di niya kayang magalit kay Belle. She's her best friend, rather a sister from another mother. Bumangon na siya at pumasok sa cr to take a shower. After that, she just wear a top na tinernuhan niya ng denim jacket, a denim short and a pair of white sneakers. She ponytailed her hair then she get her phone and her wallet and she's ready. Lumabas siya ng kaniyang silid at bumaba sa unang palapag ng kanilang bahay. Naabutan niyang nagbabasa ng magazine ang kuya Thadeus niya at abala naman sa pagcecellphone ang Kuya Asul niya. "I'll just go out mga Kuya's. Gonna meet Belle." Paalam niya sa mga ito. Nahinto naman sa mga kaniya-kaniyang ginagawa ang mga kuya niya at bumaling sa kaniya. They eyed her from head to toe. Napasimangot naman sya. Oh c'mon. Alam na niya kung anong tumatakbo sa isip ng dalawang to. "Bat ganiyan suot mo?" Tanong ng Kuya Thadeus niya. "Oo nga. Ang ikli naman ng short mo." Reklamo naman ng Kuya Asul niya. Napairap sya. "Kuya's sa mall lang ako pupunta. What do you guys expect me to wear? A Gown? C'mon." She said as a matter of fact. "Kahit na. Ang ikli ng short mo, magpalit ka." Utos ng Kuya Blue niya. Sinimangutan niya ito. "Ayoko nga! Malamang maikli to, shorts nga eh! May shorts bang mahaba!" Angil niya rito. Napakamot naman sa ulo ang kuya niya. Si Thadeus naman ay napapailing na lamang. See? Parehas sila ng ugali ni Ciel. Tahimik lang but she know, deep inside him, gusto na siya nitong kaladkarin pabalik sa kaniyang kwarto at pagpalitin siya ng damit. "Alis na nga ako. Kuya Asul kung ako sayo, pinachecheck up ko na utak ko. Malala ka na eh." Aniya at inirapan niya ito. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ng kuya Thadeus niya sa sinabe niya and guess what! Naalala niya ang pagtawa ni Ciel. Grr eto na naman yung kakaibang t***k ng puso niya! "Take care Princess." Bilin ng mga kuya niya at sumigaw lang siya ng 'yeah' bago siya lumabas. She just hired a cab at nagpahatid siya sa mall. After how many minutes ay nasa mall na sya. Looking for Belle. Nasa may entrance siya ng mall at iniintay niya si Belle. "Late na naman ang gaga." Bulong niya at napairap sya. She's about to call her when someone block her sight. Napataas ang kilay niya at tinignan niya kung sino ang humarang sa kaniya. "Who are you? Do you need something?" Pagtataray niya. The guy just smirk at her. She eyed at him from head to toe and based on his looks, this is some fvckboy trying to get a chick. And unfortunately, siya ang napansin nito. Tss. "Hi. Are you waiting for someone?" Pacool na tanong nito sa kaniya. She rolled her eyes at the back of her mind. Seriously?! "That's out of your concern." She said coldly. "If you excuse me." Aniya at akmang aalis na siya nang hawakan nito ang braso niya. "Hey let go of me!" Naiinis na saad niya rito at pinilit niyang makawala sa pagkakahawak nito. "Playing hard to get huh? That's what I like." He smirked. Kumunot ang noo niya. No, she's not playing hard to get. Wala lang talagang siyang pake sa lalaking to. "Like ka ba?! Can you please let me go. I don't know you at wala akong pake sayo. Please, iba na lang, wag ako." Inis na sabe niya rito at buong lakas niyang binawi ang braso niya rito. Magsasalita pa sana yung lalaki nang isang baritonong boses ang nagsalita sa kaniyang likuran. "Excuse me, what's happening here? What are you doing with my girlfriend? Do you need something from her?" Napalingon siya sa kaniyang likuran at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Ciel. Wearing his famous blank expression. Oh God! She can feel again the unfamiliar beat of her heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD