CHAPTER 3

2816 Words
Chapter 3 Tatiana Gulat at nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin siya kay Ciel. Ramdam pa din niya ang malakas na t***k ng kaniyang puso sa ‘di malamang dahilan. "Girlfriend mo yan?!" ‘di makapaniwalang tanong ng lalaki kay Ciel. Nakita niyang tumaas ang isang kilay ng lalaki. Bat ang gwapo kahit ang sungit ng dating? "Yeah. Got a problem there, man?" He asked with his baritone voice. Umiling iling naman ang lalaki at napangisi. "Wala naman. Looks like I've been challenged." He said as he shrugged his shoulders. Nagtaka naman siya sinabe nito. What does he mean? "Anyway, Sorry if I bother your girlfriend." Hinging paumanhin nito kay Ciel at pagkatapos ay makahulugang tumingin ito sa kaniya. "I'll see you again." He said and he smirked. After that ay umalis na ito sa kanilang harapan. Napaarko naman ang kilay niya ng tignan siya ulit nito habang nakangisi. That fvckboy! What's with those smirk! "You ok?" Napapitlag naman siya nang biglang magsalita si Ciel sa gilid niya. Tinignan niya ito at tumango sya. He's still wearing his famous blank expression. Napansin niyang naka-corporate attire ito. Oo nga pala, ito na ang pumalit sa ama nitong si Mr. Ashton Grey Middleton sa pagiging CEO ng kumpaniya nila. "What's the CEO doing here?" She asked. Aba lunch break na ba? Wala pa naman atang 12 noon? "Monitoring." Simpleng sagot nito. Nagtaka naman sya. Monitoring? Sa mall?! "Are you having a daydream? Hindi to kumpaniya mo at hindi rin to sakop ng sako ng pag-----" "Good afternoon Sir. Ciel." Bati ng iilang empleyado ng mall na napadaan sa kanilang harapan. Napatigil naman siya at napakurap kurap. What's with those greetings?! Tinignan siya ni Ciel and he smirked at her. "What are you saying again?" Pang-aasar nito sa kaniya. Gash! The nerve of this man! And damn her for forgetting that this mall is one of the property of the Middleton's. "So, what are you doing here? Waiting for someone?" He asked. Speaking of, ang tagal naman ni Belle dumating! Serioulsy, she's been waiting here for almost 10 minutes! "Yeah. I'm waiting for your sister." Naiinis na sagot niya rito. Sasabunutan niya talaga ang babaeng yun pagdating nito. Lagi na lang siya pinaghihintay! For Pete's sake, she hates waiting. "Di ka na nasanay. I'll stay with you until she comes." Anito at napatingin naman siya rito. "What? Nah, you can go. I can handle myself." She said. Oh please! Ayaw niyang madatnan siya ni Belle na kasama niya ang kuya nito. Knowing that girl, iba ang takbo ng utak non. "Really? But I insist." He shrugged. Inirapan naman niya ito. "Ang kulit mo din noh?" She said irritatedly. He just shrugged at her at tahimik itong tumayo sa kaniyang gilid. Tila nailang naman siya dahil pinagtitinginan sila. Who wouldn't! There is just a gorgeous man standing beside her! Kahit sino mapapatingin! Napaka-agaw atensyon and she hates it! "Can you just go, Ciel?" Naiiritang bulong niya rito. "What? Why?" He asked innocently. Tinignan niya ito at sinimangutan. "You're so eye-catcher and it makes me awkward!" She blurted. Tinignan n we go voteaman siya ni Ciel at maya maya ay isang mapang-asar na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. "Masanay ka na, ganun talaga pag may pogi kang kasama." Anito at sinadya nitong hawain ang buhok nito sa pinaka-sexy na paraan. Mas lalo tuloy nakahakot atensyon. Damn! Ang sexy naman kasi talaga! Nakakainis! "Napaka-humble mo rin noh?" Sarcasm is all over her voice. He laughs sexily and she can't help but to stare at him again. Damn! Why can't she take her eyes off of him when he's laughing! "Ang sarap mong asarin." He said while laughing. ‘Di niya alam kung mapapasimangot ba siya o ano sa sinabe nito. He's still laughing at hindi pa rin niya maalis ang mga mata niya rito. "C-che!" And when she already composed her self, she immediately looked away. But there goes her heart again, beating rapidly. Di na umimik si Ciel at naicompose na rin nito ang sarili. Ngunit palihim siyang tumitingin rito gamit ang peripheral vision niya at kumpara kanina, mahahalata mong nag-iba ang aura ng mukha nito. Biglang nag-lighten at para bang good mood na ito. She wonder why? "Tatiiiiiiii! Oh my God! I'm so sorry for being super late!" Hinihingal na saad nito pagdating nito. Agad naman niya itong sininghalan at halos masabunutan na niya ito kung ‘di lang sumingit sa eksena si Ciel na nalimutan na niyang kasama pa pala niya. "Girls calm down. You're gaining attention." Anito sa kanila. Napatingin naman si Belle sa kuya niya at bakas ang gulat sa mukha nito. "Kuya? What are you doing here?" Takang tanong nito sa kapatid at pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya. "Kanina pa kayo magkasama?" Inilagay naman ni Ciel ang kamay nito sa bulsa ng slacks na suot nito at siryosong tinignan si Belle. "Yeah. We've been here for almost 20 minutes. You're always late, Catastrophe." He hissed at marahan nitong pinukpok ang ulo ng kapatid. Napa-aray naman si Belle at napahawak sa ulo nito. "Aray naman kuya! Sorry na! Traffic along the way eh." She explained. Ciel hissed at tinignan siya nito. Nagtaka naman sya. "Bakit?" She asked. "Alis na ko. Belle is already here." Paalam nito sa kaniya. Napamaang naman sya. Bat ito nagpapaalam?! Nang tignan niya si Belle ay nakanganga itong nakatingin sa kanilang dalawa. Tila ba hindi makapaniwala sa nasasaksihan niya. Miski sya'y hindi rin makapaniwala! "O-oh anong gagawin ko?! Edi umalis ka na!" Angil niya nang makabawi siya mula sa pagkulat. Ciel chuckled at pinat nito ang ulo nila ni Belle. "I'll go ahead, ladies. Take care ok? If you excuse me." Then he walk his way out. Oh my God! Ano yun! I mean, bat ganon?! Anong masamang espirito ang sumapi kay Ciel at nagkaganon yung mokong na yun! The heck! "Wh-what just that Tatiana?! Anong meron sa inyo ni Kuya?!" ‘di makapaniwalang tanong sa kaniya ni Belle. Nahihindig na tinignan naman niya ito. "A-ano?! There's nothing going on between us! Wag ka nga!" Sigaw niya rito. Ngunit tila hindi siya nito pinaniwalaan dahil tinignan siya nito ng isang mapanuring tingin. "What?!" Naiinis na tanong niya rito. "You're blushing and you're losing your composure. Hmmm not so you, Tatiana Amber Castillo." Anito at nauna na itong maglakad sa kaniya. Napatigil naman siya at agad niyang pinakiramdaman ang sarili niya. She's really blushing, she can feel her cheeks burning. And she's fully aware that she's completely losing her composure. Hindi naman siya naninigaw in public place. Oh my God! What are you doing to me Ciel Apocalypse Middleton! RAMDAM niya ang kakaibang titig ni Belle sa kaniya habang nandito sila sa isang coffee shop sa loob ng mall. They're having lunch at dahil parehas silang ‘di mahilig sa rice ay dito na nila napagpasyahan kumain. At talaga nga namang naiinis na siya kay Belle. She's making her uncomfortable. "Belle Catastrophe, please quit that kind of look. It pisses me off, big time," she said as irritation rising from her. Sumandal naman si Belle sa upuan at pinag-kross ang dalawang kamay sa dibdib nito. She sips on her Mango Shake while she's still looking at her. Sinimangutan naman niya ito. Seriously, hindi ba siya titigil? "Ano ba Belle." Irap niya dito. Inilapag naman ni Belle ang glass ng Mango Shake niya sa table. "Just tell me what's going on with you and my twin brother," seryosong sabi nito sa kaniya. Nagsalubong naman ang kilay niya. Seriously, ‘yun pa rin ba? "I already told you! Walang namamagitan sa ‘min," nNaiinis na sagot niya rito. But Belle looked not convinced. She sighs. Sabe na eh, hindi siya titigilan nitong babaeng to eh. Napakamalisyoso talaga ng utak nito. Napaka-toxic! "Eh ba’t magkasama kayo?" she asked again. Nangunot naman ang noo niya. "Hoy, babae! Porket ba magkasama kami ibig sabihin ba nun may namamagitan na sa ‘min? Ciel is just being a gentleman!" And there she explained what happened a while ago before Ciel's arrival. "Really?! Ciel did that?! Oh God! You must be kidding me!" ‘di makapaniwalang saad nito sa kaniya. Inirapan niya naman ito. "Do I look like I'm joking here?! Duh!" iritableng sagot niya rito. "But Ciel is not a gentleman! I know that since we were zygotes! I never saw him being gentleman to others, of course he is when it comes to me and Mommy, but never to others. Trust me!" saad nito. Pinaningkitan naman niya ito ng mga mata. "So, what are you pointing?" She asked suspiciously. "He's hitting on you." Anito at dahil do’n ay muntik pa siyang mahulog sa kaniyang kinauupuan. Belle's words are really out of this world! Oh fvck! Ciel, hitting on her?! That's totally ridiculous. "You're insane. What are you talking about?" she said poker-faced. Nangalumbaba naman si Belle habang nakatingin sa kaniya. She's 100% sure na may kung anong katangahan na naman ang tumatakbo sa utak nito. "Should I start calling you Sister-in-law from now on?" anito. Nasamid naman siya kahit wala siyang iniinom sa sinabe nito. Muntik na niyang makalimutan na nasa public place sila dahil muntik muntikan na niya itong sabunutan. "Belle Catastrophe! Nababaliw ka na ba talaga?! Or yan ang epekto sa ‘yo ni Kuya Uno?! Wag kang magsasasama dun!" angil niya rito. Bell pouted. "Wag mong idamay si Uno dito. Wala siyang kinalaman atsaka ‘di ako nababaliw! Matino ako oh!" Inirapan naman niya ito. "Yun naman pala eh! Then stop saying such absurd words!" aniya. Belle just pouted her lips. Really! Bat parang gustong gusto nito ang ideyang magiging Sister-in-law siya nito! Oh God! Wala sa bokubularyo niya ang maging isang Middleton and she's sure na hindi siya ang tipo ng babae ni Ciel. Maybe Ciel is not gentleman when it comes to others pero siguro Ciel is just being considerate dahil best friend siya ng kakambal nito. That's it! No more, no less! Belle is just overthinking things. That's her nature, anyway. Basta malabong mangyari ang sinasabi nitong best friend niya. Ciel is not hitting on her and it will never happen. DAYS passed by and she busied herself on her business which is the Cafélatte. Yes, Cafélatte is one of their family business. Ang main branch nito ay nasa Isla Del Fierte na pag-aari naman ng kaniyang ama. And since na iisa lang ang branch ng Cafélatte at nasa Isla pa. Her father decided to put up a branch here in city and luckily, siya ang pinili para mag-handle nito. May iba rin namang negosyong hinahawakan ang mga kuya niya at ganon din ang mga pinsan niya. ‘Di man siya kasinggaling ng tatlong kuya niya pagdating sa negosyo ay may sarili naman siyang paraan sa pagnenegosyo. That's why she's proud of herself dahil napalago niya ng maayos ang branch na ‘to. She's busy decorating a cake nang pumasok ang isa sa mga staff ng shop sa kitchen. "Ma'am Amber may naghahanap po sa inyo," anito. Walang tingin na tinanong naman niya kung sino iyon. "Si Sir. Ciel ho." Agad siyang napatigil nang marinig niya ang sagot nito. Tiningnan niya ang staff niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Ciel sa likuran nito. What is he doing here at pano nito nalaman na andito sya?!?! "S-sige Camille. S-salamat. Pwede mo na kaming iwan," aniya at tumango lang ang staff niya bago ito lumabas. Nakangiting lumapit naman sa kaniya si Ciel na ikinangunot naman ng noo niya. Wow, for the first time in the history, ngayon lang niya nakitang ngumiti itong taong to. Good mood ‘ata ang loko. "What are you doing here?" kunot-noong tanong niya rito. Halata sa tono ng boses niya na hindi siya sang-ayon sa ideyang narito ito ngayon. He shrugged his shoulders while moving his eyes around the kitchen. "Wala naman. Just want to visit your little haven," anito. Tinignan niya lang ito at napabuntong hininga pagkatapos. Wala na siyang magagawa kung ‘di tanggapin na lang na andito tong lalaking ito ngayon. Bumalik siya sa ginagawa niya. Never in her wildest dream na ie-entertain niya tong lalaking to. "Hmm, so, that's the other side of you, Pastry Chef Tatiana." He heard him said at nahigit niya ang hininga niya nang lumapit ang mukha nito sa mukha niya dahil tinitignan nito ang ginagawa niya. Pastry Chef Tatiana... Tatiana.... Oh God! Bat parang ang sarap sa pakiramdam nang banggitin nito ang pangalan niya? At ito ang unang beses na may tumawag sa kaniya na ganon and it's a dream come true. Yes, she had this passion when it comes to baking. She loves cakes and pastries. It is one of her dream na maging isang pastry chef kaya tuwang tuwa siya nang malaman niyang siya ang magha-handle ng first branch ng Cafélatte dito sa city. "A-ano ba? Lumayo ka nga! Ang init!" aniya at tiningnan niya ito nang masama. Ciel chuckled at lumayo naman ito. "Wala ka bang trabaho? You're a CEO tapos wala ka sa office," she said. She takes off her toque and her chef's jacket when she's already done. Ramdam naman niya ang titig na ipinupukol sa kaniya ni Ciel habang inilaladlad niya ang buhok niyang itinali niya kanina. She feels uneasy. Pakiramdam niya ang matutunaw siya sa ibinibigay na titig ni Ciel sa kaniya. "May meeting ako with the investors kanina near in this place kaya napagdesisyunan kong dumaan dito after," he shrugged. Tinignan naman niya ito at she c****d her eyebrow. "What?" Takang tanong nito sa kaniya. Wait, totoo ba to? These past few days, pansin niyang nagkakaroon ng ekspresyon si Ciel kapag magkasama sila. Madalang na lang niya makita ang famous blank expression nito. Yes, lagi din silang magkasama ni Ciel nitong mga nakaraang araw. Ewan ba niya sa lalaking to. Kung nasan siya ay nandun ito. Kulang na lang ay isipan niyang stalker niya si Ciel kung ‘di lamang niya ito kilala. And another yes, medyo nasasanay na siya sa presensya nito ngunit may mga oras talaga na ‘di siya sang-ayon sa presensya nito, katulad ngayon. Minsan kasi ay nakakaramdam siya ng mga bagay na hindi niya dapat maramdaman. And in all fairness, she can see that Ciel is improving. From being a robot, little by little, he's becoming a human. Lol! He's started showing different expressions and emotions when she's around. At kung malalaman lang to ni Belle, siguradong iba na naman ang iisipin nito. That's why, she keeps this as a secret. "Tss. Bumalik ka na nga sa office mo," she hissed. Tinawag niya ang head chef at sinabihan niyang tapos na ang cake na ginagawa niya kanina bago siya lumabas. Dumiretso siya sa office niya. Ramdam niyang nakasunod sa kaniya si Ciel at hinayaan na lamang niya ito. Wala siyang lakas para itaboy ito ngayon. Masyado siyang pagod ngayon dahil kulang sila sa tao ngayon at siya ang pumalit sa mga ito. "You look tired," anito pagkatapos nitong isara ang pinto. "Yeah," tipid niyang sagot rito. Uupo na sana siya sa swivel chair niya nang mabilis siyang hinila ni Ciel upang yakapin. Sa sobrang gulat niya ay hindi agad siya nakapag-salita at nakagalaw. Basta na lamang siyang bumagsak sa dibdib nito at ramdam niya ang pagpulupot ng isang braso ni Ciel sa kaniyang bewang habang ang isa ay nagsimulang haplusin ang buhok niya. Amoy na amoy niya ang pinaghalong pabango at natural na amoy ng lalaki. Damn! It smells so sexy! "Rest, mon chaton." He whispered and it may sound so weird pero it calms her. Really. Hindi niya na napigilan at napapikit na siya while resting her head on his chest. Why does it feel so warm to be wrapped in his arms? "Why are you doing this, Ciel? Enlighten me please," she whispered out of consciousness. She doesn't know why it suddenly slips out of her mouth. She heard him sighs and ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso nang maramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang ulo. "To be honest, I don't know why I am doing all of these. It was fun being around you. I enjoyed every moment with you. Simula nung gabing ‘yun, ‘yung gabing sinundo kita sa bar, ‘yung gabing nag-usap at pinagkatuwaan kita sa lanai, simula nung mga oras na yun, I always looked for your presence. I'm still clueless of what's happening to me. Why I am being like this. But one thing's for sure." Huminto ito saglit. He held her chin and made her look at him. She meets those pair of eyes again. Those eyes full of different emotions that she can't put a name. "I always want to be with you. Every second, every minute, every hour, and every day of my life. So, please, let me be with you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD