DRAKE ADAM'S POV TANGHALI pa lang ay narito na ako sa kuwarto ko at umiinom mag-isa. Matapos akong iwanan ni Zerra sa dalampasigan kanina ay dito ko naisipang dumiretso. Tinangka ko pa itong habulin pero hindi ko na alam kung saan ito pumunta. Hinanap ko na rin ito sa kung saan-saan pero wala talaga. Hindi ko siya nakita. At gustong-gusto kong magwala dahil wala man lang akong nagawa para makita ito, gusto kong itama ang maling akala nito. Ngunit hindi ko alam kung saang parte pa ng Isla ko ito hahanapin. Gustong-gusto ko siyang makita para magkausap kami. Hindi ko matatanggap na kalimutan na nito ang nararamdaman para sa 'kin. Ngayon pa ba siya susuko kung kailang mahal na mahal ko na rin siya. Ngayon pa ba niya ako susukuan kung kailan, nakuha na niya ang puso ko. Matapos niya akon