"WHAT THE HECK! Where have you been?" gilalas ni Zion nang mabungaran ang kaibigan sa opisina nito.
Nagtaas ng tingin si Travis at ngumisi. Tinaas ang boteng hawak at tinungga. "Com'on, is that how you welcome your friend. I'm back, Dude." Ngisi rito. Maya-maya ay nagkukumahog na dumating sina Tristan at Zach.
"My God! What happen to you? Alam mo bang halos suyurin namin ang buong Pilipinas para lang makita ka!" gigil na sabad naman ni Zach sa kaibigan.
Mas lalong tumawa si Travis. "Kung sinuyod niyo ang Pilipinas eh, 'di sana ay nakita niyo ako, 'di ba?" uyam nito. Susugod na sana si Zach pero agad na inagapan ni Tristan.
"Relax, Dude. You know him, nasa moving on stage," awat ni Tristan.
Ngumisi si Travis sa narinig na sinabi ng kaibigan. "At least nasa moving on stage, eh ang isa diyan. Ayaw bumitaw kahit ilang taon nang dini-deny ng girlfriend," turan pa tukoy kay Zach.
Nakitang kumuyom ang kamao nito. Ngunit nagpipigil lang sa kaniya. "Tama naman ako di ba?" aniya saka ngumisi at muling tumungga.
"Tama na iyan," awat ni Zion. "Babae lang iyan, saan ka ba nagpunta? Alam mo bang nag-alala sila Tito at halos mabaliw si Tita kahahanap sa'yo," gagad na ni Tristan.
"Nagpalamig lang ako. Nagpunta ng La Union," anito.
Doon ay napasapo sila ng ulo. Bakit hindi naisip ng mga itong maaaring doon pumunta ito dahil mahilig itong mag-surfing.
"Gusto nga sanang pagpaanod na lang sa alon sa La Union pero naisip ko. Sinong mag-mamanage ng naipundar ko," lasing na turan ni Travis.
"Gago! Naisip mo pala eh, bakit nagpapaklasing ka," agaw ni Zach sa alak.
"Gusto ko lang magsaya. Pagbigyan niyo na ako," wika pa nito. "Buti nga at sinabihan ko pa kayong nagbalik na ako eh," ngisi nito.
"At gusto mong magpasalamat pa kami at bumalik ka ganoon?!" gagad ni Zach.
"Ohhhh, saglit! Bakit ba ang init ng ulo mo?" saad ni Travis. Kahit lasing ay nagagawa pang ngumisi sa mga kaibigan. Hindi alam kung epekto pa rin iyon ng pagwawala niya sa pinanggalingang lugar.
"I just hate looking at you like that?" gigil na turan ni Zach.
"Dude, masakit eh. Minahal ko siya eh tapos-tapos-" Nagsisimula na namang umiyak. "Tapos iiwan niya lang ako."
"Okay, that's enough. Gaya ng sabi mo. Hindi mo kayang iwan ang pinaghirapan mo. Kaya, move on ka na. Babae lang iyan. You have your billions and thousands of employee na umaasa sa'yo," saad ni Tristan.
"Cheers tayo diyan, Sir Tristan," nakakalokong turan ni Travis.
Walang nagawa ang tatlo kundi umiling-iling na lamang. Hindi naman siya naglalasing dahil kay Aprille, ang kaniyang ex-girlfriend kundi naglalasing siya ngayon dahil may isang bagay siyang nagawa na ngayon ay pinagsisisihan. Hindi alam kung papaano tatakasan. Mula ng gabing iyon mga tatlong araw na ang nakakaraan. Hindi siya pinapatulog ng kaniyang konsensiya.
"Oh, uhmmmm! Ohhhhh!" paulit-ulit na ungol ng babae ang naririnig sa inaantok na diwa.
"Sir! Sir?!" tawag ng sekretarya.
"What?!" malakas na tinig. Nang makita ang takot sa mukha nito ay maging siya ay nabigla.
"I'm sorry, medyo mainit lang ang ulo," hinging paumanhin rito. "What is it?" bawi sa mas malumanay na tinig. Hindi alam kung bakit paulit-ulit na sumisiksik sa isipan ang tungkol sa babae.
Napalunok ito saka lumapit. "Sir, kailangan na po ng pirma ninyo tungkol po sa transaction natin sa construction company na nagsu-supply sa atin ng mga materials," anito na kabado.
"Thank you, sorry kanina," hingi ng paumanhin ulit rito. Ngumiti ito saka lumabas.
Agad na pinasadaan iyon. Medyo naduduling na siya sa dami ng numerong naroroon. Napasapo sa ulo hanggang sa muling naglaro sa isipan ang babae sa resort.
"Sh*t! Sh*t!" anito saka binato ang papeles na hawak. "What did I do? God, Travis!" inis sa sarili saka tumayo. Alam niyang one night stand lamang iyon pero para siyang inuusig sa kaalamang siya ang nakauna rito.
Gulong-g**o na siya. Kung maibabalik niya lang ang lahat ay ibabalik niya ang panahong hindi na lamang siya nagpunta roon. Muling napahilamos ng palad sa mukha.
May kumatok at sinabing pumasok na lamang.
Nagulat ang ina ng makitang nagkalat ang mga papeles sa opisina. "Anak?"
"Mom," gagad sa ina. Nagulat siya, akala niya ay bumalik lang ang sekretarya.
"Anak, hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nakaka-move on sa babaeng iyon?" malungkot na tinig ng ina.
Humarap siya sa ina. Mas lalo siyang nakonsensiya sa nagawa. At kapag nalaman nito ang nagawa ay tiyak na madi-disappoint ito dahil nagawa naman siya nitong palakihin ng mabuti. Natatakot siyang bumalik sa nakakabatang kapatid ang karma na siya ang may gawa lalo at babae pa ito.
Para tuloy siyang batang naiiyak sa harap ng ina. "Mom," aniya na nanghihina ang tuhod. Agad siyang niyakap nito.
"It's okay, son. Babae lang iyan, marami pa diyan," konsola nito habang tinatapik-tapik siya sa likod.
"Mom, may nagawa akong hindi mabuti," aniya rito.
Lumuwag ang pagkakayakap nito. Pinilit siyang tinignan. Mata sa mata.
"What is it anak?" anito.
Lumiling siya. Natatakot na baka husgahan siya o itakwil. Nakita ng ina ang kaniyang pag-aalinlangan.
"Anak, anuman iyan. Pipilitin kong intindihin ka sa abot ng aking makakaya. Anak kita at anuman ang mangyari, sa akin ka nanggaling," anito dahilan para tuluyan siyang mapaiyak.
Halos gabi-gabi niyang naririnig ang pagmamakaawa ng babae. Mga tinig na hindi matakasan. Hindi man kita ang mukha nito pero batid niyang nagdurusa ito sa panahong iyon dahil sa kaniyang kagagawan.
"Anak, handa akong makinig," alo ng ina.
"Mom, alam mo ba noong nawala ako last week?" panimula rito.
"Oo, halos mabaliw kami kung saan ka namin hahagilapin. Bakit, anong nangyari anak?" dagdag pa ng ina.
"Mom, sorry! S-sorry talaga. Hindi ko sinasadya," aniya habang hilam ng luha ang mukha. He was twenty-eight at tila bata siyang umiiyak sa harap ng ina.
Mas lalong nag-alala ang ina. "Bakit anak, ano ba kasing ginawa mo?" anito na tila napapaiyak na rin.
"Mom, I was intoxicated and wasted. Hindi ko kontrolado ang lahat. We'll, nakainom din siya at feeling ko mutual naman ang nangyari sa amin pero nagi-guilty ako dahil birhen siya-"
"What happen?" giit ng ina na tila inaapura na siya.
"It was mutual s*x but-" mahinang sabi.
"She's virgin at hindi mo siya makalimutan, ganoon?!" maang na turan ng ina na tila nanghina sa sinabi.
Tumango siya bilang tugon dito. Hindi batid kung bakit masyadong napukaw ng babae ang kaniyang isipan eh, hindi nga matandaan ang mukha nito.
Nagdaan ang katahimikan sa kanila. Tumayo ito sa harapan. Muling napatingin at nang maglapat ang mga mata nila ay nakitang napaiyak ito.
"Did you know her?" maya-maya ay malumanay na nitong tinig. Umiling siya. "We should find her," matatag na turan nito.
"Pero Mom-" putol niya.
"Anak, alam kong nakokonsensiya ka pero as you said, it's a mutual s*x," anito. "But looking at you now, mukhang nakuha ng babaeng iyon ang atensyon mo."
Gustuhin man sa niyang isawalang bahala na lamang pero sa kaibuturan ay gusto niyang muling makita ang babae.