TAKOT NA TAKOT siya, hindi pala niya kayang mawala ang lalaki. Kaya kahit pagod na ay patuloy ang paglangoy habang tinatawag ang pangalan nito. Iyak siya ng iyak dahil tila walang pag-asang mahanap si Travis hanggang sa may maramdaman siya. Pagharap ay nakita ang mukha ng lalaking hinahanap kaya hindi napigilan ang sariling mayakap ito ng napakahigpit. Naramdaman niya ang pagyakap din nito. Dahilan para mapaluha siyang muli. Iba pala ang takot kapag mahal mo ang taong mawawala sa'yo. Sa pagkakataong iyon ay nanaig ang pagmamahal sa lalaki kaya nang maghiwalay sila at nagtugma ang kanilang mga mata ay hindi na niya napigilan pa. Lalo na at sinakop na nito ang labi niya. Sa gitna ng dagat. Kapwa magkayakap at pinagsasaluhan ang matamis na halik. Muling pinikit ni Nikka ang mata at bum