Mahigit sampung minuto na ang nakakaraan ngunit naroroon pa rin siya at nakatayo. Halos hindi siya makapaniwala sa mga katotohanang sumasambulat sa harapan nito. May anak siya. Tatay na siya. Napahawak siya sa kaniyang ulo. Hindi maaaring habang buhay na ilayo sa kaniya ni Grace ang anak niya. "Hindi ako makakapayag na tuluyan mong ilayo sa akin ang anak ko Grace. May karapatan ako sa kaniya," aniya sa kawalan saka naglakad patungo sa sasakyan. Nang makitang papaalis na si Terrence ay nakahinga siya ng maluwag. Halos sampung minuto rin itong nakatayo sa harap ng gate nila matapos niyang iwan ito. Nang wala na roon ay napaupo siya sa upuan. Dinala naman ng inang niya ang anak sa silid nila upang doon patahanin. "Siya ba ang ama ni Divine, anak?" Ang t
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books